Respeto ang Sigaw



OFW kami, isang dakilang manggagawa,
Talino at dunong dala sa ibang bansa,
Pilipino kami sa isip, sa salita at sa gawa,
Kami ba'y dapat pang humingi ng pang-unawa?

Hirap ang kalooban na iniwan ang pamilya,
Dinudurog ang puso sa paglayo sa bansa,
Ngunit masisisi ba kami kung mangarap ng laksa?
Kung ang pangarap ang tatawid sa nahihikahos na bansa?

Sabihin ng lumuwas para lang sa sarili,
Para magliwaliw at sumabay lang sa biyahe,
O kaya'y dahil sa nais makamit perang marami,
Tama bang kaming husgahan at kapwa lahi pa ang umapi?

Hindi kami perpekto at mas lalong hindi santa,
Subalit may mga tao pa ring hangad ay maganda,
Nanatiling mabuti at tapat sa sinumpaan sa dambana,
Kaya hiling namin pagmamahal at pang-unawa.

Masama bang mangarap na umunlad?
Masama bang ibigay ang buhay na may dignidad?
Respeto ang aming sigaw at hangad,
Sa kababayan na tila ba nakapinid ang utak.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

14 Share your thoughts

This is very nice Bhing. Ito yung mga sabi kong poem na nakakatouch. Thanks for inspiring us, simply by being there.

Panibagong hamon sa mundong ginagalawan ng mga OFW..Ilang beses kayang dapat patunayan sa mga makikitid ang utak kung ano nga ba tayo? kung sino nga ba ang mga OFW?

Sana man lang kung di rin lang nila alam ang sagot, wag na silang umimik..

ito ang sinasabing tula...
hindi ung kung anu-anong walang sustansya!
makagawa lang eh tipa ng tipa...
isip ay di na pinapagana!!!

may rhyme ano, ate bhing?
pero seriously... kung tula at sustansya ng mga sinulat, isa ito sa binibisita kong blog kasama na noon ang Brgy. Nakalimutan (na sana ay mabuksan ulit! paging MIKE!)

sana sa panibagong digmaang ito (na dalangin ko ay wag na sanang lumaki pa), muli tayong matuto...

OFW ako... may mukha din sabi nga ni Ching, pero wala ding pera! ngayon, mukha ba akong pera?

respeto lang... respeto... tama nga sila... kung hindi alam ang kabuuan ng kwento, wag ng magsulat! dahil siguradong basurahan ang bagsak!

ang tulang iyong gawa
talaga naman ako ay mapapanganga
hindi kagaya sa iba
na tila utak ipis ang may likha.

lols...

ewan ko,
gusto lang ata sumikat bakit hindi pa deretchong sa dyaryo ipinost ang post nya...
para MAS madaming tao ang HUMANGA sa MASUSTANSYA at puno ng SENSE na mga katha nya..

nice one ate BHing!
^^,
(tanong ko lang, napost din ba to sa dyaryo?)
hehehehe

ang tula ay katulad nito...
hindi yung tula-tulaan na wala namang kalaman laman! baka kulang sa vitamins yung gumagawa ng tula kaya ganun!! hahaha!!

respeto...tulad ng sinabi ng nakararami...baka naman kase gusto niya ring mag abroad at maging OFW? kaya lang hindi natuloy o hindi matuloy tuloy kase busy siya sa paggawa at pag publish ng mga tulang ginagawa niya!

anemic ang mga tula at post niya! siguro kelangan buhusan o painumin ng centrum (complete from A-Zinc) para magkaroon ng sustansya!

tara na sa edsa! lolz!!

Makabuluhan at may laman, ito ang tunay na tula na naghahatid sa aliw sa kaisipan.

Hindi mapanudyo at makatao, pinupuri kita kaibigan sa iyong pagsaklolo sa nakararaming OFW na inaalipusta sa malisyosong paraan ng pagsusulat ng blog.

Naway huwag paglaruan ang damdami ng nakararaming OFW para nais sumikat na iilan.

Salamat sa pagsusulong ng adhikain ng OFW para sa maunlad na pamumuhay ng bawat pamilya, at ng ating bansa.

Makabuluhan at may laman, ito ang tunay na tula na naghahatid sa aliw sa kaisipan.

Hindi mapanudyo at makatao, pinupuri kita kaibigan sa iyong pagsaklolo sa nakararaming OFW na inaalipusta sa malisyosong paraan ng pagsusulat ng blog.

Naway huwag paglaruan ang damdami ng nakararaming OFW para nais sumikat na iilan.

Salamat sa pagsusulong ng adhikain ng OFW para sa maunlad na pamumuhay ng bawat pamilya, at ng ating bansa.

Wicked!

Lalo akong napamahal sa pagiging OFW ko...

Wag sanang dumating ang panahon na ang lahi natin ay mahati...

may lahing OFW ...at may lahing tambay sa kanto...

iisang lahi tayo..sa labas o sa loob ng Pinas... lahing Filipino tayo.

Ang ganda ng tula... talagang nagiging manunula na tayo...!

Cheers!

sometimes i guess meron lang tlagang mga taong mapanghusga... nde nilah totally narerealize kung ganong sakripisyo ang ginagawa nang mga OFW... nde madaling mapalayo sa mga minamahal sa buhay... nde ren minsan makisalamuha sa mga nde kalahi... at nde ren madaling mag-isa at maging malungkot.... yeah true u earned some money pero nde naman tlgah pansarili lamang 'un... those actually go sa mga mahal nilah sa buhay... lahat nang sakripisyo ay nde lamang pansarili... again itz for all their love ones... great poem ate Bhing!... an inspiring one... take care.. Godbless! -di

hmmm..

hindi ko rin alam kung anu ang sasabihin ko...

Salamat sa tula, Bhing.

Gusto ko ung 2nd stanza mo. Nakakatouch.

lalo akong naguluhan... ano pong meron sa blogoperyo ngayon? ayan, eto ang epekto ng laging natutulog... hay!!!

Napakabagbag damdamin naman ng iyong nilikha. Lalo na ang pangalawang taludtod. Ugnay at angkop sa karamihan sa ating nasa labas ng inang bayan.

Ads2