Ilang linggo na ba akong nawala? Pakiramdam ko ang tagal na...
Nagpahinga ako saglit sa pagnanais na makapag isip ng maayos, iniwan ko muna pansamantala ang blogging dahil gusto kung 'wag magpaka emo sa mga post ko. Habang wala ako sa mundo ng blogsphere nagpaka busy ako sa pagbabasa ng TWILIGHT SERIES, inayos ang mga box na aking ipapadala sa Pilipinas at nagtapon ng mga gamit na hindi ko na kailangan pa.
Ang iba dito may konting idea siguro sa pinagdadaanan ko, ang iba naman sa pamamagitan lang ng sinusulat ko pinagtatagpi-tagpi nila ang nangyayari.
Nagbabalik ako na may masayang pananaw. Mahirap ngunit kailangan kung kayanin para sa mga taong naniniwala sa akin at nagmamahal. Sa mga kaibigan ko na walang sawang sumusuporta sa akin kahit na sila mismo nahihirapan na rin sa katigasan ng ulo ko ngunit hindi nila ako binigo at hindi nila pinaramdam sa akin na nag-iisa ako. Maraming salamat sa mga unexpected friends na hindi ako iniwan. Sila ang aking inspirasyon ngayon. Sila ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin na sa kabila ng lahat ng sakit na aking naramdaman, may mga bagay pa akong dapat ma cherish.
Ang taong buong tapang na dumamay sa akin sa Gitnang Silangan. Maraming salamat, ramdam ko nahihirapan ka rin intindihin ang mga dahilan na sinasabi ko ngunit patuloy ka pa rin naniniwala na lahat magiging maayos. Kapag masaya ako hindi kita masyadong napapansin ngunit sa panahong kailangan ko ng karamay ikaw ang unang taong nagbigay ng kalinga at taos pusong pagmamahal. Salamat sa pagtitiwala at sa tapat ng pagkakaibigan.
Sa bawat butil ng luha na pumatak sa aking pisngi hindi ko pinagsisihan dahil lahat ng nangyari nagbigay sa akin ng madaming pagkakataon para makita at mapahalagahan ang mga bagay na pansamantala kung nakalimutan. Akin ng hahawakan ang aking buhay at mas lalo kung pagtitibayan na abutin ang mga pangarap na aking nakaligtaan.

Katulad ng gumamela sa itaas, mag uumpisa akong baon pa rin ang good values na aking kinamulatan. Pag-iigihan ko pa rin na gumawa ng mabuti sa kabila ng pinaramdam sa akin at pagsisikapan kung abutin lahat ng pangarap ko sa mabuting paraan. Sisikapin kung mapalawak ang aking pakikipagkapwa. Alam ko walang imposible sa KANYA.
"I WILL TRUST HIM"
8 Share your thoughts
Wow! welcome back bhing! Minsan may mga panahon talagang kelangan nating magmumuni-muni muna o solitude ika nga... masaya ako sa muli mong pagbabalik...
welcome back...
namiss kita ate bhing... :)
@xprosaic,
wow, tnx may nakamiss dn pala sa akin...
@Azel, daya mo nmn...add mo kaya ako sa ym. nawala ka eh...
miss n rn kita kausap...
God Bless!
welcome back ate bhing...
namiss ta ika :)
ok ka na ha?
@dyi
na miss taka man nin sobra...
yeah, ok n ako...
aram ko saro k sa gawish n maging ok n ako.
tnx a lot!
sa pagsibol ang gumamela, may angking ganda, mas napapasin ng bubuyog dahil sa kulay at ganda!
Papuri sa iyong pagbabalik, sa kabila ng unos na iyong pinagdaanan ay nagpapasalamat kami at matapang mo itong hinarap at nalagpasan sa tulong ng iyong determinasyon at pananampalataya.
Sa bawa't bagyong ating pinagdadaanan, sa paglipas ng malakas na hangin at ulan ay may bahaghari at silahis ng araw na naghihintay sa atin...
God bless.
marami palang kulay ang gumamela. two weeks ago yellow nang nakita ko. red lang kasi ang alam ko.hehe! napadaan lang po:)