Ang butil ng pakikipagkapwa ay hawakan,
Subukin man ng panahon 'wag pakakawalan,Ang kapwa ay karugtong ng buhay,
Walang mabubuhay mag-isa sa Sandaigdigan.
Unang gintong aral sa tahanan,
Respeto at pagmamahal mula sa magulang,
Pagtanggap ng lubos at pagiging pantay-pantay,
Mula sa magulang na nagmamahal.
Sa Paaralan nahubog ang pagkatao,
Nilinang ang angking kakayahan at talino,
Magtiwala sa sarili at abutin ang pangarap,
Kabutihang loob itanim sa isip at puso.
Ang Diyos laging nakamatyag,
Sa lahat ng kanyang nilikha,
Tumawag lang sa Kanya,
Ang tulong ay makukuha.
Kaninang umaga pumunta kami sa barber shop ng alaga ko. Madaming tao ngunit inuna nila si Yiyeh sa dahilang matanda na siya. Habang ginugupitan siya, nagbabasa ako ng Twilight Series (nasa book II na ako). Super naadik ako sa novel na ito, na pati sa pagtulog ko dala ko sa aking kamalayan. Hindi ko masyadong pinansin ang gumugupit sa alaga ko kasi lagi naman kami doon pumupunta buwan-buwan. Ngunit bigla akong napatingin, hindi siya ang taong nakasanayan na namin. Tinigil ko ang pagbabasa at tiningnan ko ang kanyang ginagawa. Hindi ako satisfied sa nakikita ko kaya nilapitan ko. Sabi ko hindi ganyan ang hairstyle na gusto ng alaga ko. Sinagot lang nya ako ng walang emosyon na TRUST ME! Tapos sinabayan naman ni Yiyeh, Gemma he's an expert, he knows what hes doing. TRUST HIM!
Bumalik ako sa upuan na lito at parang nagmarka sa isip ko ang sinabi nila TRUST ME, TRUST HIM! Bigla kong naisip paraan ba Niya iyon para ipakita at iparamdam sa akin na kulang na ang aking paniniwala? Kailangan ko nga sigurong ipagkatiwala sa kanya ang lahat. Ipaubaya sa Kanyang kapangyarihan ang mga bagay na sadyang nagpapahirap sa akin.
I will trust HIM!
I will trust HIM!
7 Share your thoughts
Ang ganda ng pagkalikha ng iyong panulat na tumatalakay sa pagtitiwala at pananampalataya kay Bro.
Sa kasalukuyang panahon, sa tila napakabilis na paglalakbay ng ating buhay, mas lalong kailangan natin ang ibayong pagtitiwala sa Panginoon sa pagharap sa samut saring mga problema sa ating buhay at sa ating bansa.
"Trust in the Lord with all your heart, and lean not on your own understanding; in all your ways acknowledge Him, and He shall direct your paths." (Proverbs 3:5-6)
maraming salamat!
sana mahanap ko ng ung katahimikan...
i was about to quote the Proverbs.. pero ayun at nasabi na ni Kuya Pope.
minsan ate nasa puso lang ng hinahanap natin... andun lng ung katahimikan na matagal mo ng gustong maramdaman.. nga lang.. baka nagtatago sa kasulok-sulukan!
i wish you well!
mula ngayon ang buhay kong itoy iaalay SAYO...gaya ng dati.
salamat sa post nato.
maganda ang pagkakasulat mo ng tula..magaling ka..
kapag may mahal ka na ay huwag ka ng magmamahal sa iba ha kasi masasaktan ka lang..kung bakit ay alamin mo sa new post ko..
tama ka, just trust him and everything will be fine, he will always make a way for you.
ganda ng tula mo, lagi mo akong napapahanga.
Inspiring ito Ms. Bhing! isang ngiti naman d'yan!