Tuesday, August 18, 2009

INSPIRING BLOG AWARDEE



Kahapon may nagpadala ng mensahe sa akin sa YM, tinatanong niya ako kung nakuha ko na daw ang badge. Hindi ko maintindihan ang sinasbai niya kasi una hindi ako aware na makakatanggap ako o mapapasali sa mga mapipili nila. Ang daming deserving na matagal na sa blogshere pero sobra akong natuwa na napasama ako.

Una, matagal kung binasa ang mga nanalo & saang kategorya sila napabilang, iyong iba hindi ko kilala kaya minarapat kung bisitahin ang kanilang pahina. Maraming beses ko pinag-isipan ang nakuha ko INSPIRING BLOG...Dinala ako sa malalim kung pag-iisip ito ba ay isang sign na galing sa KANYA o sadyang nagkataon lamang? Sa hirap ng pinagdadaanan ko naisip ko ng huminto magsulat o mag blog. Kaya napatanong ako sa sarili ko sa dami ng pwedeng mapunta sa akin na kategorya bakit sa INSPIRING BLOG PA.

Ang totoo minsan pag nag-iisa ako masyado na akong pinanghihinaan ng loob. Maraming kawing-kawing na katanungan sa aking isipan na patuloy kung hinahanapan ng sagot. Kaya noon makita ko ang award, sobra akong natouched. Sa kabila pala ng mga nangyayari may magandang bagay pa akong dapat ng ipagpunyagi dahil may mga taong naniniwala pa rin sa aking kakayahan. May mga taong handang magpasaya sa akin at bigyan ng katuturan ang munting bagay na naiaambag ko sa blogsphere.

Ako ang nainspire nyo, ako ang nabigyan nyo ng pag-asa na ituloy ang nasimulan. Aking hahawakan ng mahigpit ang lakas na inyong binigay at patuloy na pagbubutihan ang pagsusulat. Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng KABLOGS. Isa kayo sa magsisilbing inspirason ko para ipagpatuloy at mas lalo pang pag-igihan ang pagsusulat. Tinatanaw kung malaking karangalan ang mapabilang sa ganitong klase ng patimpalak.

Mabuhay tayong lahat!

12 comments:

Dyi said...

congrats ate! :)
deserving ka po sa award na natanggap mo. :)
keep on blogging and inspiring us :)

liberty mo naman akech kahit sa mcdo lang. hehehehe...

Lord CM said...

Minsan ganyan din ang nasa isip ko, lalo't may mga problemang dumarating..Ang ginagawa ko, nagbabasa ng mga comment ng iba sa aking naisulat...Dun ako nagsisimulang muli at kumukuha ng lakas para harapin ang problema...

You deserve this award Bhing, at sanay patuloy ka pa rin sa pagsusulat :)

Congrats!!!

A-Z-E-L said...

congrats.. congrats... congrats...

be inspired.... hahahaha! un lang ang ibig sabihin nyan!

DETH said...

aaaaw...grabe napakamadamdaming pagtanggap ng award, smayl ate bhing you deserve it:D

Kosa said...

title pa lang, astig na!

a simple yet meaningful inspiration to inspire others!

congrats!

Mr. Thoughtskoto said...

The last two awards na pinagisipan namin masyado ay yung Most Inspiring Award, at Top Commentator Award.

Sometimes, when you focus on yourself, you won't know that you are touching others, and that you are inspiring others.

Through your poems and post, some of the bloggers na nagnominate you find your blog inspiring...so continue to inspire others, and in turn, inspire yourself.

Congrats sa Award and thanks sa support!~!

I am Xprosaic said...

O ha! Talagang inspiring! Congrats! jijijijijiji

Rej said...

Congrat po! :)

Life Moto said...

congrats po!

The Pope said...

Sa araw-araw na iyong pakikibaka at matagumpay na napagwawagian ang iba't ibang pagsubok sa iyong buhay, kaila sa iyong kaalaman na may mga taong nabibigyan mo ng pag-asa sa buhay sa pamamagitan ng iyong mga panulat ikay ay nagbibigay inspirasyon sa kanila upang sila rin ay magpatuloy sa pagharap sa hamon ng buhay.

Purihin ka at ang Gumamela ng Paraiso bilang KABLOGS' Inspiring Blog 2009.

Everlito (ever) Villacruz said...

inspirng naman talaga..congrats!

Arvin U. de la Peña said...
This comment has been removed by a blog administrator.