Showing posts with label OFW Experience. Show all posts
Showing posts with label OFW Experience. Show all posts



Ako ay si Hazel Rosimo, kauuwi ko lang noong nakaraang buwan. Anim na taon kung ginugol ang panahon sa bansang Malaysia. Hindi ako first timer na OFW dahil noong 2008 nagtrabaho din ako sa Jeddah as domestic worker. Hindi ko tinapos ang kontrata dahil sa  hindi magandang treatment ng aking amo sa akin. Nagdesisyon akong umuwi na lamang ngunit dahil sa kagustuhan ko talaga na mapag aral ang aking anak at mabigyan ng maayos na buhay muli akong nakipagsapalaran sa Malaysia.

Maayos ang pakikitungo sa akin ng aking amo sa Malaysia, itinuring nila akong kapamilya. Naisasama ako sa pamamasyal sa ibang bansa, kung ano ang pagkain nila iyon din ang pagkain ko, naibibigay ang personal kong gamit pero kapag usapang sahod na medyo below minimum wage ako. Kung sa trabaho mahirap dahil ang alaga ko ay isang special child, minsa nasasaktan niya ako pero bilang nanay na rin iniisip ko ang sitwasyo niya at ibinibigay ang lahat ng atensyon sobra pa sa pagmamahal at pag aaruga na inaasahan nila.

Last month umuwi ako, at nagdesisyon na huwag na bumalik dahil gusto ko rin mabantayan at maalagaan ang nag-iisa kong anak na lalake. Nasa Senior High School na siya, ayaw ko na lumaki siyang hindi ko nakikita at nakakasama. Ang aking asawa ay katuwang ko din para mapalaki namin ng maayos ang aming anak.

Mahilig akong magluto. Noong nasa Malaysia pa ako, through you tube nag-aaral ako ng baking. Anuman ang napapanood ko, ginagawa at niluluto ko. Ngayon ito ang pinagkakaabalahan ko at dito ako kumikita. May mga umoorder na kaibigan ko, sila na rin ay nagrerecommend ng ibang tao na bumili sa akin. Nag open na rin ako ng facebook page,  Angel Cakes and Pastries.

Nag aadjust pa rin ako sa maliit na kita at buhay dito sa Pilipinas. Mahirap pero walang katumbas na makita ko ang sama sama kami ng pamilya ko.




Read More »



Ako po si Ms. Susan Vergara, dating ordinaryong OFW.  Anak ng magsasaka sa probinsya,  lumaki na hindi po nakapag graduate ng kahit na anong course.

Galing ako sa Amman Jordan, umabot po ako ng apat na taon sa pagtrabaho sa boss ko. Sa apat na taon kong tinagal sa kanila nagpaalam akong magbakasyon at pinayagan naman ako.  Ngunit naiba ang plano ko pagdating ko sa Pilipinas, niyaya ako ng Ate ko na mag business na lang sa Pier North Harbour. Nagtayo kami ng canteen. Maganda naman ang kita dahil weekly ay sigurado na ang bayad ng mga customer,  karamihan kasi ay regular, ngunit nahirapan ako na may kasosyo, minabuti ko pong aralin ang business na mag isang tumayo kaysa naman bumalik pa ako sa abroad. Naranasan ko kasi na kaya palang kumita na madouble ang income ko sa abroad.

Mula 2008 up to 2009 marami akong sinubukan na business, nag buy and sell ako ng mga damit, naglagay ng sari sari store, nag bigasan din, ngunit dahil siguro sa common nang negosyo ito hindi ganun kalakihan ang kinikita ko di katulad ng nasa pier pa ako.  May nag-alok sakin na magbusiness sa Agriculture ng isang kaibigan, sabi niya patok ngayon ang mga produkto sa Organic Farming and Livestock, kaya naman binigyan nya ako ng idea ng products, sabi sakin subukan ko lang muna at mag umpisa lang ako sa maliit na halaga. 

Sinunod ko ang payo dahil sa totoo lang ay ayaw ko na talagang bumalik pa sa abroad, nararamdaman ko kasi na mas mahirap na naman kasi mag adjust ako ng subra subra hindi katulad noong first time na may kasamang excitement ang paglabas ko ng bansa. Sa madaling  salita nag start ako mag distribute ng products na organic para sa farming and livestock, maliit lang inumpisahan ko halos 20,000 lang. 

Makalipas ang ilanga buwan ay dumadagsa na ang mga buyers ko, napag aralan kong papatok talaga sya, hanggang lumipas po ang taon ay libo na ang mga user ko ng products at hanggang dumating na sa international na ang market ko, Sa ngayon po ay nagdagdag na ako ng puhunan sa mga products na yong kinita ko rin sa pagbenta ko ay sya ng pinapaikot ko, nilakihan ko na ang puhunan ko halos mahigit 300k na, at katunayan lumalabas na uli ako ng bansa para bisitahin ang mga business partners and user ko na mga urban gardener at mga user ko na mga ofw para sa kanilang mga farming, 5 times na po akong lumalabas ng Hong Kong para pormal na mag conduct ng seminar sa business and organic farming. 

Ngayon po ay nakabili narin ako ng 2 hectare na palayan, nakakatuwa po dahil sarili ko na ang aking sasakahin hindi na lamang ang pang pamilya naming sakahan. Nitong nakaraang sept 10, 2017, ay nakasama ko po ang mahit 220 na mga OFW dahil nagkaroon po kami ng paligsahan sa Organic Farming. Napakasarap pala ng mayroon kang na achieved sa mga gusto mong gawin sa buhay, malaking opportunity naman sa akin ang pagiging OFW ko, dahil ito ang nagbukas sa akin ng pintuan para magkaroon ng ganitong opportunity. 

Nais ko itong ishare para sana po sa magbabasa ng aking kwento  nakapag impart po ako nang kahit kaunting idea sainyo. Napakaganda po ang business sa agriculture, "sa agrikultura meron talagang pera". Sana din po sa mga pamilya natin sa pilipinas, ay maunawaan po sana natin ang kalagayan ng ating mga mahal sa buhay na nangingibang bansa para lang po magkaroon tayo or matupad nila ang mga pangarap natin, gamitin po natin sa tama at pahalagahan ang mga perang pinapadala po sa atin, ganun din po ay sikapin natin na matulungan sila para makasama na natin, napakasarap po ng buo at kasama natin ang ating mga mahal sa buhay. 

Maraming salamat po, Good luck po sa ating lahat!
Mabuhay ang lahat ng OFW sa buong mundo

 For more info please visit Ms. Susan Vergara Facebook 
More inspiring story of OFWs here Dating Buhay ng OFW Facebook Page 
Read More »

Ang buhay ng isang OFW ay hindi madali. Maraming pagsubok at hirap na kailangan suungin upang makamtan nila ang kanilang pinapangarap na buhay pag-uwi ng Pilipinas. Maraming Kababayan natin ang pinalad sa kanilang pangingibang bansa ngunit hindi rin mawawala ang iba umuuwing luhaan. May mga pagkakataon pa nga bangkay na silang umuuwi sa kanilang pamilya. 

Base sa kanilang mga sagot, sa Gitnang Silangan madalas  ay wala silang day-off. Kahit pa nasa kontrata ito, hindi pa rin nasusunod pero sa abot ng kanilang makakaya tinatapos nila ang kontrata. Ang iba naman buong kontrata hindi nakatikim ng day-off.

 Narito ang kanilang mga kasagutan:
Leorem Devera: Malaysia. 

1. Magsimba syempre kaso d ko naman nagagawa tuwing off day.
2. Window shopping and bonding with friends
3. Picnic po syempre magluluto ng paborito nating pagkain pinoy .
4.tapos ang pinakagusto namin libangan Ay maglaro ng bowling or magiingay sa Karaoke.


Pagsawa next plan naman sa beach kami, kasi yun lang naman po ung nagagawa namin dito sa ibang bansa yung magsaya para maibsan ang kalungkutan


Annie Gathalian Agni: Magluto ng Filipino foods, mag swimming at gumala. syempre maglibang, libangin ang sarili.

 Lourdes Shirakawa: Wala nasa bahay lang. Nakahiga

 Tin Sarmiento:  Magmuni muni ano ang pwede gawin para pagkakitaan. Walang oras magpahinga utak palang dami na trabaho iisip anu dapat gagawin sa mga sasunod na araw babasa ng peso sense usapan sa loob mga idea ng mga dpt gawin para sa pag iimpok.

Dorothy Salazar:  Gala galore at kumain.

Lynn Pangan Pascual: Makipag-usap sa aking pamilya, pagkatapos sa araw ng sweldo pupunta ng Batha sa telemoney para ipadala ang allowance ng pamilya.

Daniel Florendo: magtanim ng mga gulay maglinis sa kuwarto ,,maglaba..at kung ano ano pa na pweding gawin,,,,,,bago maglaro sa mga online games sa fb

Osmail Ditchon Mendoza: Tulog tulog lang para fresh uli sa work kinabukasan.
Irvin Bueno Cooronado: Depende sa lugar, yung mga lugar kagaya ng Dammam, Jeddah, Khobar, siguro nagagawa nila ang gusto nila. Madami kasing lugar eh nagba-bike ka lang, yari k na s Pulis, o kaya pag-tripan ka ng mga bata/teenager dito. Kung sasabihin paglilibangan during offs. Once -in-a-blue-moon lang yun, yun eh ngakayayaan mag swimming sa beach habang naghuhuli ng isda. About Videoke and gatherings, BAWAL. At saka it depends on the type of work you had here, pag barya lang ang kita, laging NGA-NGA, pagkakasyahin lang ang pera, na madami d2 dahil wala nga trabaho sa Pinas. Meron nga suweldo ay 700 Riyal lang. So paano mo magagawa yung naka indicate sa taas kung wala kng pera, kya madami dito hindi na lumalabas.
Ailyn Pandio Corpuz: Isa po akong domestic worker dito sa Saudi wala man lang ako day off kahit  one day sa loob ng 7years.  Hindi talaga pare-pareho ang kinalalagyan dito pero ok lang mabait nman mga amo ko. 
Erick Pana: Ang pinakamasap sa day off sa buong araw kausap ko anak ko at asawa ko mas gusto ko pa na ganun. Minsan pag kapag may pera bili ng damit na afford ng budget kakain sa kabayan restaurant sa Al-Khobar.

Tyra Jane: Dito sa Taif walang day-off, nasa bahay lang ako lagi. Kailangan kong magtyaga para sa kinabukasan ng aking mga anak.
Read More »

OLTCC 

The Registration

Administrator Hans Leo J. Cacdac

with the participating panel from the different sector of the society (DOH, TESDA, DFA, Management and Agencies, Labor Groups and NGO)

Asec. Atty. Nicolas Lutero III (DOH), Special Assistan Mr. Renato O. Villa (DFA), Assistant Director Mr. Elpidio Mamaril (TESDA), Administrator Hans Leo J. Cacdac (POEA), and OIC Deputy Administrator Jesus Gabriel Domingo

attentively listening to the updates on Egypt, Taiwan and Saudi Arabia

with the head of Philippine Migrants Rights Watch

Mr. Jun Aguilar talking to Ms. Susan Toots Ople

I attended the 2nd meeting of Overseas Landbased Tripartite Conculative Council (OLTCC) in Philippine Overseas Employment Agency (Ortigas). The meeting started at 1:00pm with the participation of different sectors in the society. The government sector composed of DFA, DOH, TESDA, DOLE, POEA, and OWWA. Management and Agencies ASCOP, CLADS, OPAP, PAMANA, PASEI, PILMAT. Labor Groups/NGO like PEBA, OFW Family Club, COW, KALAHI, KAIBIGAN and KANLUNGAN.

Administrator Hans Leo J. Cacdac called the meeting to order at 1:45pm. He suggested to proceeds on the Agenda Proper, updates on Egypt, Taiwan and Saudi Arabia was delivered by Mr. Renato O. Villa.

Egypt Updates:
*6,000 total of OFW's  
*2,500 OFW's are willing to go home in case the scenario worsen.
*79% of the OFW polulation stays in Cairo and Alexandria
*Most of the Filipinos are students/scholars
*Alert Level 11 (the embassy is closely monitoring the situation)

Taiwan:
*87,000 total OFW's
*78% blue collar jobs
*268 ofw's who were repatriated received assistance from the government
*Ban for OFW's to work in Taiwan - Philippine and Taiwan government are trying to resolve the issues. Since the investigation is still underway they can't comment on the issues.
*The MECO assured the public that Filipinos are safe

Saudi Arabia
* 1,058 were done processing their documents
*80% travel documents and passport complete
*11,000 hope to go home
*3500 wants to go home (very eager)
*everyday around 50 to 80 Filipinos only are being processed because there are many workers also that came from different country like Bangladesh, Nepal and others.
*The government officials remind the OFW to remain calm and vigilant during this ordeal.

During the meeting, heated debate arises when the medical fee issues was tackled by the DOH. Mr. Jun Aquilar raises questions about the slow improvement and response on their calls especially their fight to abolish medical fees that add to the burden of OFW.

I just hope soon they could come up with the solution to the problem. In my opinion, it's been a long battle of OFW being eaten by the so called system. I myself don't like the idea of being taken to the clinic to do my medical exams. Ang haba ng pila, siksikan. It is degrading and violated my right to privacy.


Read More »

What: Last Sunday in Taiwan

When: May 22, 2011

Where: National Palace Museum, Bicol Association Election, Disco House
For the first time nakakita ako ng isang blogger sa ka tauhan ni Mr. Rex Bathan. Ang saya niyang kasama at very approachable. Nag-ikot kami sa Taiwan National Palace Museum, kahit ang init ni Haring Araw ngunit sobrang nag-enjoy kami.

Habang nag-antay ako sa kanila, nakinig muna ako ng Misa. After the mass nagkataon namang andun si Ate Liza at Ate Salve. Niyaya ko silang magbreakfast sa Burger King. Nagkakwentuhan at may siningit na topic about you-know-who pero i politely said that I'm not interested in rumors about her. They're happy for me because finally they saw in my eyes how inspired I am and looking back daw I have glow in my eyes unlike before that i was like a dead-man walking.


Nag-attend din kami ng Bicol Association In Taiwan (BAIT) election, may kainan pagkatapos dahil birthday ni Ate Noemi.




After the election dumating na rin si Vicky one of my trusted friend way back then, noon baguhan pa lang ako dito sa Taipei. Naging kasama ko siya dati sa Taipei University Hospital. Kahit pa nawalan kami ng communication nanatili ang pagiging magkaibigan namin. Iyong respeto at paniniwala sa isa't-isa ay damang dama namin.Pumunta kami sa Disco Houses. 3 ang nainvade namin. Super enjoy talaga. Nanood din kami ng dance showdown. Ganun pala ang mga sayaw nila. hahaha!

Bago umuwi si Rex nagbigay siya sa akin ng gift. Isang novel The Book Of Tomorrow by Cecilia Ahern. Sobra akong natuwa sa effort niya pagpunta ng Taipei galing ng Hsinchu tapos may bonus pang remembrance na novel. Sana ito na ang tuloy-tuloy na aming pagkakaibigan. Thank you so much Rex.
Read More »
Pasakit na Placement Fee

"Kailangan bang kami ang manikluhod sainyo para ibigay ang legal at nararapat para sa amin?"

OFW, bayaning itinuturing ngunit salat sa katotohanan. Ito ang katotohanan na umaalingawngaw, ginagawa kaming palabigasan ng mga ahensyang walang ginawa kundi gipitin ang nag-nanais lumuwas ng bansa.

Maaga akong natulog kagabi, natulog ng mahimbing at gumising na positibo ang nararamdaman. Nagbibilang na ako ng araw sa aking pag-uwi ngunit biglang nasira ang mood ko sa text ng kapatid ko galing ng Pilipinas.

"Ate, sinisingil po ako ng Agent para sa insurance? Kailangan daw pong ibigay para maayos na ang papers ko."

I just ignored it totally kasi kahapon nakausap ko ang broker dito sa Taiwan. Iniisip ko baka hindi pa siya tumawag sa counterpart sa Pilipinas.

"Ate, tawag ka po ASAP, andito po ako sa agency."

Naganap ang isang debate. Legal daw ang hinihingi nila na 7k para sa insurance in w/c sa pagkakaalam ko at pagkakaintindi Recruitment Agency ang kailangan magbayad hindi ang worker. Ganito na ba kaganid ang mga salot na ahensya? Isang matibay na halimbawa ang pinagdadaanan ng kapatid ko. Unang-una ako na ang nagprovide sa kanila ng job order dahil ang sis ko ay papalit lang sa trabahong iiwanan ko. Hindi na sila naghirap na maghanap ng trabaho, kaya sila kinuha para mapabilis ang paglakad ng papeles. Gosh, ang hinihingi pa nilang placement fee 80k cash out, hindi kasali ang medical, training at kung ano-anu pang bayaran.

Kumitid ang pang-unawa ko kanina, nakipagdebate ako sa kanila from Taiwan broker to Philippine Agent. Ipinaglaban ko ang sa tingin ko ay tama. Isa lang naman ang aking hinihingi sundin nila ang unang napagkasunduan na bayarin hindi porket hawak na nila ang mga documents ng kapatid ko biglang nanganak din ang mga dapat bayaran. Paano na lang ang ibang umaalis na lahat ng gastusin inutang nila o kaya nagsanla ng ari-arian sa pag-asang makakabawi agad?

Hindi ko maintindihan bakit sa tagal na sinasabing proteksyon para sa mga luluwas ng bayan ay madami pa rin ang naloloko? Nagbubulagbulagan ba ang gobyerno o tayo mismo ang kusang pumapatay sa ating karapatan sa hindi pagsupil ng alam na nating mali? Ngayon araw na ito lakas loob akong nanindigan para sa kapatid ko at para na rin mapangalagaan ang perang pinagpawisan ko. Ang mga ahensyang nagkakamal ng salapi kahit hindi nila pinaghihirapan ay mananatiling buwaya hanggat may taong handang magpasakmal sa kanila. Hanggang may gustong lumundag sa kanilang patibong hindi hihinto ang ganitong kalakaran.


"You're a troublemaker Gemma" sabi ng Agent ko.

Hmmmm, siguro natuto lang ako at ayaw ko ng mapabilang sa lib0-libong naloko. Kung hindi tayo kikilos para ipaglaban ang tama sino ang tatayo para sa atin? Sana dumating ang panahon, buwagin ng tuluyan ang mga ahensya at isulong ang programang gagabay sa mga OFW.
Read More »

Ads2