Pasakit na Placement Fee

"Kailangan bang kami ang manikluhod sainyo para ibigay ang legal at nararapat para sa amin?"

OFW, bayaning itinuturing ngunit salat sa katotohanan. Ito ang katotohanan na umaalingawngaw, ginagawa kaming palabigasan ng mga ahensyang walang ginawa kundi gipitin ang nag-nanais lumuwas ng bansa.

Maaga akong natulog kagabi, natulog ng mahimbing at gumising na positibo ang nararamdaman. Nagbibilang na ako ng araw sa aking pag-uwi ngunit biglang nasira ang mood ko sa text ng kapatid ko galing ng Pilipinas.

"Ate, sinisingil po ako ng Agent para sa insurance? Kailangan daw pong ibigay para maayos na ang papers ko."

I just ignored it totally kasi kahapon nakausap ko ang broker dito sa Taiwan. Iniisip ko baka hindi pa siya tumawag sa counterpart sa Pilipinas.

"Ate, tawag ka po ASAP, andito po ako sa agency."

Naganap ang isang debate. Legal daw ang hinihingi nila na 7k para sa insurance in w/c sa pagkakaalam ko at pagkakaintindi Recruitment Agency ang kailangan magbayad hindi ang worker. Ganito na ba kaganid ang mga salot na ahensya? Isang matibay na halimbawa ang pinagdadaanan ng kapatid ko. Unang-una ako na ang nagprovide sa kanila ng job order dahil ang sis ko ay papalit lang sa trabahong iiwanan ko. Hindi na sila naghirap na maghanap ng trabaho, kaya sila kinuha para mapabilis ang paglakad ng papeles. Gosh, ang hinihingi pa nilang placement fee 80k cash out, hindi kasali ang medical, training at kung ano-anu pang bayaran.

Kumitid ang pang-unawa ko kanina, nakipagdebate ako sa kanila from Taiwan broker to Philippine Agent. Ipinaglaban ko ang sa tingin ko ay tama. Isa lang naman ang aking hinihingi sundin nila ang unang napagkasunduan na bayarin hindi porket hawak na nila ang mga documents ng kapatid ko biglang nanganak din ang mga dapat bayaran. Paano na lang ang ibang umaalis na lahat ng gastusin inutang nila o kaya nagsanla ng ari-arian sa pag-asang makakabawi agad?

Hindi ko maintindihan bakit sa tagal na sinasabing proteksyon para sa mga luluwas ng bayan ay madami pa rin ang naloloko? Nagbubulagbulagan ba ang gobyerno o tayo mismo ang kusang pumapatay sa ating karapatan sa hindi pagsupil ng alam na nating mali? Ngayon araw na ito lakas loob akong nanindigan para sa kapatid ko at para na rin mapangalagaan ang perang pinagpawisan ko. Ang mga ahensyang nagkakamal ng salapi kahit hindi nila pinaghihirapan ay mananatiling buwaya hanggat may taong handang magpasakmal sa kanila. Hanggang may gustong lumundag sa kanilang patibong hindi hihinto ang ganitong kalakaran.


"You're a troublemaker Gemma" sabi ng Agent ko.

Hmmmm, siguro natuto lang ako at ayaw ko ng mapabilang sa lib0-libong naloko. Kung hindi tayo kikilos para ipaglaban ang tama sino ang tatayo para sa atin? Sana dumating ang panahon, buwagin ng tuluyan ang mga ahensya at isulong ang programang gagabay sa mga OFW.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

6 Share your thoughts

nung nagabroad ako, hindi ako nagbayad ng insurance. dahil di naman required un. ewan ko ba bakit may mga ganyang tao.

ramdam ko ang galit mo, dapat sa mga yan ibitin ng patiwarik at balatan ng buhay...

umalis ako ng pinas na 15k lang ang ginastos ko, pag aasikaso ng passport, medical, clearance, pamasahe, etc...15K lang, tapos sila 80K ang placement? kalokohan! dapat nga jan may lumaban na para di na magtuloy tuloy kaso kailangan may isakripisyo, at sana handa tayo dun...

ang pagkakaalam ko din ang insurance ay hindi included sa babayaran. May insurance ako sa kuwait before pero yung employer ko ang nagbayad.

i dont know anything bout this stuffs pero alam kong may mali dahil tulad ng mga sinabi nyo wala yun sa unang napagkasunduan so bakit biglang nagkaroon ng ganung babayaran kung di naman yun kasama nun una di ba?tsk mga ganid!

kakalungkot yong iba jan, kong ano ano ginagawa para maka panlinlang lang ng kapwa tao.. nakakainis diba.. more power to you bing!

Sobra naman ang agency na yan. buti na lang nandiyan ka. Nakakapangiinit ang ginagawa nila. WAg silang ganyan.
ikaw pa daw ang trouble makers. oo nga trouble maker nga kasi alam mo ang mga ginagawa nila at narereact ka.

Ads2