Halos siyam na taon na ang lumipas ng magdesisyon akong lisanin ang bansang sinilangan. Madaming pangamba sa aking puso at ang aking isipan ay nababalot ng takot na hindi ko malimi ang mga sagot. Makakaya ko kaya? Dalawang taon na kontrata, maiibsan ko ba ang pangungulila sa aking mga mahal sa buhay? Magugustuhan ba ako ng pasyenteng aking aalagaan? Urong-sulong ang isip ko noon, aatras ngunit may tumutulak paabante. Paano ang pangarap ko sa aking kapatid at mga pamangkin?
Nang lumuwas ako ng Pilipinas halos isa lang ang nakatanim sa aking isip, para sa pag-aaral nila, para sa edukasyon na magiging sandata nila pagdating ng panahon. Halos wala akong personal na minimithi sa pagbabakasali ko sa ibang bayan. Nasa top of my list ang PAMILYA. Gusto kong wag na nilang danasin ang tinahak ko para lang makapagtapos ng pag-aaral, gusto kong sarili nilang dugo ang tataguyod at tatawid sa kanila para makamtan ang diploma. Walang bahid na pagmamayabang 3 kolehiyo ang napagtapos ko sa loob ng halos siyam na taon ko bilang OFW. Marahil madaming nagtatanong kapatid at mga pamangkin ko lang naman sila pero bakit ako ang nagdala. Madaming nagsasabi kalabisan ang akuin ko ang tungkulin na dapat ginawa ng aking mga nakakatandang kapatid ngunit sa kaibuturan ng aking puso ginawa ko ang nagbigay sa akin ng fulfillment. Dito ako sumaya at sa kanila ko naramdaman ang worth ko bilang tao.
Sa susunod na buwan ako'y magbabalik na sa sariling bayan na baon ang mga magagandang ala-ala buhat sa bansang Taiwan. Dadalhin ko kabaitan ni Yiyeh at ng kanyang pamilya. Niyapos nila ako ng buong pagmamahal at pagtanggap bilang kapamilya. Ang istorya kung gaano nila ako nilingap "PAGSASALAMIN NG SALITANG PAMILYA" ay aking entry last year sa Pinoy Expats/OFW Blog Awards o PEBA 2010. Nakuha ko ang 7th place. Marahil isa ako sa mapalad dahil natagpuan ko ang kagaya ng Chien Family na handang dumamay sa struggles ko hindi lang sa emosyon pati na sa financial difficulties na kinaharap ko. Hindi sila nagkait ng tulong sa akin at binuksan nila ang pinto tungo sa ikagiginhawa ng aming buhay. Lagi nilang sinasabi sa akin, hindi ko kailangan ipagsabi kung anu ang ginagawa nila dahil i am part of their family. Sa kabila ng mga naglalabasan na di magandang karanasa bilang OFW, babalik ako sa Pilipinas bitbit ang tagumpay ng aking pakikibaka sa ibang bayan.
Sa pagtatapos ng aking kontrata, isang pinto pa rin ang magbubukas dahil ang papalit sa akin ay ang bunso kung kapatid. Ang pinag-aral ko ng BSND. Siya ay tinutulungan nila Yiyeh na makapunta ng Taiwan at nangakong bibigyan ng maayos na trabaho sa Canada kapag nakuha na niya ang required experience. Mula't simula, umalalay sila sa akin. Sa aking paglisan ngayon ito'y magiging pansamantala lamang. Kapag natapos ko na ang kursong pinapakuha nila sa akin, babalik at babalik pa rin ako dito kahit hindi na bilang worker kundi magbabakasyon ako para dalawin si Yiyeh.
Ang post na ito ay bilang supporta sa PEBA 2011. Para sa akin ang PEBA ay isa sa talagang nagpatibay sa akin bilang isang bloggero. Sa grupong ito naramdaman ko rin ang totoong suporta ng taong aking nirerespeto, binigay nila sa akin ang pagtanggap na walang paghuhusga sa aking buhay bagkus ginabayan nila ako sa pagtayo sa aking pagkadapa. Hindi ko lang sila kagrupo kundi mga totoong kaibigan. Sa pagiging aktibo ko rin dito sa bloggero madaming bagay ang aking natanggap, dito ko nalinang ang kakayahan ko gumawa ng tula at patuloy na maibahagi ang mga aral na aking natutunan.
Muli ninyo kaming samahan sa ikaapat na taon ng pagtaguyod sa ambag ng OFW at pagkilala sa mga sumusuporta dito. Sama-sama po tayong abutin at gawin ang ikaaangat ng mga OFW saan man panig ng mundo. Ipakita natin na kaya natin ito. Milya man ang ating nilakbay, darating ang araw tayo'y magbabalik sa tinubuang bayan hatid ay saya at magandang bukas para sa ating minamahal.
Please visit and like the PEBA and Kablogs FB page bilang inyong suporta. Maraming salamat po!
6 Share your thoughts
God bless! :)
Pagminahal mo ang trabaho mo mamahalin ka rin nito hangang dulo.
ang ganda ng kwento mo. Masuwerte ang iyong bunsong kapatid dahil mamanain niya ng mababait mong amo.
God bless Bhing
naway maging masuwerte din ang iyong kapatid...
Good luck sa iyong pagbabalik sa Pilipinas Bhing. Balitaan mo ko :)
God bless!
ENJOY
Paano ka nag-apply from Taiwan to Canada? May agency ba in Taiwan na ma applyan papunta ng Canada?
can you share paano if pwde mag-apply ng agency sa Taiwan para maka work sa Canada? I appreciate your response.