Habambuhay

(sariling kuha ng may akda, Minsheng East Park)


Niyakap kita ng mahigpit sa aking panaginip,
Kinaulayaw ang mga yapos na walang kasing-init,
Idinuyan ng titig na mapang-akit,
Sa Paraisong di maaninag ang pasakit.


Ang lumbay na naramdaman at mga hinanakit,
Sa iyong mundo tawa at saya ang kapalit,
Pusong napagal at pumasan ng sakit,
Sa piling mo pinangarap ay nakamit.


Tinik na naglipana sa daan ,
Ang habilin lagi humawak sa iyong kamay,
Bumuhos man ang unos sa di inaasahan,
Itataya mo ang buhay, wag lang akong masaktan.


Sa bawat dantay ng iyong kamay,
Ramdam ang katapatan,
Ang pagluha sabi mo walang puwang,
Habambuhay na mamahalin binigkas mo ng malumanay.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

12 Share your thoughts

isang magandang tula na talaga namang umantig sa aking puso :)

makabagbag damdaming tula.. nice talaga..

walang chat d2 s bahay mo noh.. add me sa fb, ito emaill add ko razznie@yahoo.com

makabagbag damdaming tula.. nice talaga..

walang chat d2 s bahay mo noh.. add me sa fb, ito emaill add ko razznie@yahoo.com

tumatagos sa puso galing sa pusong pay pianghuhugutan ng kasiyahan.. :)

magandang araw po ate bhing.. ang ganda ng tula mo. :)

"Bumuhos man ang unos sa di inaasahan,
Itataya mo ang buhay, wag lang akong masaktan."
_______________

ikaw na nga ang inlove...
congratulations for a love so sincere and true.
keep it and NEVER LET IT GO.

you know, worth-keeping person should be well taken cared of :)

@ mommy, dk mahanap ang name mo po. :(

@ istambay, salamat sa laging pagdalaw :)

@ Mom daughter style, thank you for visiting my page.

@ azel, well said. im such a lucky girl :)

maganda po ang tula ate bhing..:)

Ads2