Sa ganitong mga oras, pinanabikan ko ang yakap ni Inay. Gusto kung maramdaman ang init ng kanyang mga yapos, at marinig ang katagang "Anak, andito lang ako, babantayan kita. Matulog ka na, pag gising mo bukas wala na ang iyong nararamdaman" Bukas ipagkakatay kita ng manok para makahigop ka ng sabaw at nang lumakas ka na"
Kumatok ang katotohanan na matagal na pala akong nag-iisa. Habang papalapit ang araw ng aking pag-uwi ay siya naman ang pagdaloy ng kawing-kawing na emosyon sa aking sistema. Namimiss ko ang lahat-lahat. Nanabik sa mga simpleng pagkakataon na magkasama kami. Gusto kung sariwain ang ala-ala sa piling nila ngunit mas lamang ang oras na nilagi ko sa ibang lugar kaysa sa makapiling sila.
Sa kalagitnaan ng gabi gumising ako para uminom ng gamot. Biglang bumuhos ang nakaraan noon abot-kamay ko lang si Mama. Tatapikin ako, "bhing, gising! bangon na muna, uminom ka ng gamot." Pagdilat ng aking mata makikita ko si Mama, may hawak na baso at tabletang ipapainom sa akin. Hahagurin niya ang aking likod, pupunasan ng pawis, kukusutin ang buhok at sasabihing "Anak, bukas magaling ka na"
Natatandaan ko grade 6 pa lamang ako ng umalis sa aming lugar, tumira sa bayan para mag-aral. Dahil sa pagkakaron ko ng close ties sa aking pamilya, hirap na hirap ako noon pero lagi nilang pinapaalala iyon ay para sa akin, para makapagtapos nag pag-aaral at para sa magandang kinabukasan. Laging mugto ang aking mga mata, makailang ulit ako bumalik sa aming tahanan at sasabihing ayaw kong tumira sa ibang bahay pero halos lahat sila iisa ang sagot "sa umpisa lang yan, masasanay ka rin". Sa aming magkakapatid ako lang ang nawalay sa aking mga magulang, siguro din dahil sa pagnanais kung maibigay sa kanila ang magandang buhay, maayos na kinabukasan hindi para sa aking sarili kundi para maiahon sila sa hirap.
"Mama, ayaw ko na po. Nahihirapan na ako. Gusto ko ng kasama kayo". Anak, tibayan mo ang loob mo, hindi ka namin kayang mapagtapos nag pag-aaral. Gusto mo bang lumaking walang diploma na hawak? Lahat ng ito paglaki mo, maiintindihan mo rin na ito'y para sa paghubog ng iyong pagkatao at pag-abot ng pangarap"
Makailang ulit na ba ako nadapa? Sa puntong halos nakasubsob ako sa lupa, si Mama ang unang nagpapalakas ng loob sa akin. Sa mga pagkakataon na karimlan ang aking nakikita, mas maliwanag pa sa buwan at araw ang kanyang inaabot sa akin. Sa bawat dantay ng kanyang kamay sa aking likod, halos lahat ng pasakit naglalaho. Sa bawat yakap ramdam ko ang kapanatagan na sa kabila ng aking pagkukulang, pagkakamali, at kahinaan ako pa rin ang kanyang anak, at gaya ng sinabi niya noon bata pa ako "kamuhian man ako ng lahat ng tao, sa paningin niya ako pa rin ng kanyang anak na may busilak ang kalooban"
Dalawang araw na akong hinihika, sumabay ang pagdaloy ng aking pananabik kay Mama. Ilang buwan na lang, malapit ko ng muling marinig ng personal ang katagang "Anak, namiss kita. Masaya akong bumalik ka. Mahal na mahal ka namin" Sa kabila ng aking katatagan at pagiging Gabriela Silang, ito ang katotohanan na hindi ko maitatago. Kapag tungkol na sa pamilya, ang babaw ng luha ko. Ang daming pagsubok ang aking dinaanan ngunit ipinagmamalaki kong ni minsan hindi ako iniwanan ng aking pamilya.
Alam ko, hinihintay nila ang aking pagbabalik sa tahanang humubog sa akin. At alam ko sa airport pa lang yakap ni Inay ang sasalubong sa akin. Sa pagkakataong ito ibang init ng yakap ang aking maigaganti. Maibubulong kong "Inay, nasa tamang landas na ako" "Inay, makakasama na kita ng matagal"
6 Share your thoughts
iwan ka man ng lahat sigurado si inay anjan pa rin...yun nga lang di natin masyadong pinahahalagahan kung minsan ang mga nagagawa nila lalo't kasama mo lang sila, malalaman mo na lang kapag nahiwalay ka...
sa isiping iyan, madali kang makakapag adjust sa iyong nakasanayan sa ilang taon ding inilagi mo jan. natatandaan ko ang isang post mo, kung hindi ako nagkakamali (hindi ko tiningnan) may sakit kang nararamdaman sa iyong paglisan. Iyon yata ang tungkol sa iyong pagalis jan, na sa sabi ko yata, malgayang pagbabalik naman ang susunod.
walang makakapantay sa pagmamahal ng magulang sa isang anak. :)
pagaling ka gad ate.. :)
@ CM, tama walang kapantay ang pagmamahal ng isang nanay :) im so blessed i have a super caring Mom. :)
@ Istambay, yup. nalulungkot ako sa pag uwi dahil sa maiiwanan ko dito pero may kaakibat p rin na saya dahil makakasama ko na ang aking pamilya :)
I know what you feel. Naranasan ko yung ganyan noong elementary ako noong nag-aral ako sa malayo. Grabe iyak ko noon kapag mag-isa lang ako. Na-mi-miss ko nanay ko eh.
Haay...pagaling po kayo ha.
maaga ako'ng naulila sa nanay kaya di ko naranasan na may magsabit ng medalya sa akin nung gradeschool hanggang kolehiyo