Paalam Tiya


Sobrang lungkot ko ngayon. Ang bigat ng aking kalooban, paggising ko isang masamang balita ang aking natanggap, "bhing, wala na si Mama". Hindi ko matandaan, lahat parang walang kahulugan.

Si Tiya ang halos tumayong pangalawang Ina sa aking paglaki. Siya ang gumabay sa akin sa panahon nalilito, nawawalan ng lakas loob at sa panahon pakiramdam ko nag-iisa ako. Halos nabuo ang aking pagkatao sa tulong niya, magandang asal, mga dapat pahalagahan at unahin sa aking paglalakbay.

Last June ipinagdiwang niya ang kanyang kaarawan. By her next birthday, nakaplano na kung ano ang gagawin namin kasama ng mga anak ni Tiya. Noon huli naming pag-uusap sinabi ko pa, Tiya sa next bday mo andyan na ako, makakasama kita, makakasalo. Ano pong gusto mong gift? Bigla lang siya tumawa, sabay sabing mag-iingat ka, umiwas sa mga barkada, wag masyadong magtitiwala sa mga nakikilala, mag ipon at paghandaan ang pagtanda. Ganoon na ganoon si Tiya sa akin, laging may kurot sa puso ang mga salita sa kadahilang gusto niyang mapabuti ang aking buhay. Noon umuwi ako sa bicol, ilang gabi akong natulog sa bahay nila, nakasama siya, nagpaluto/nagpahanda ng paborito kong pagkain, she even cooked ginataang alimango dahil sa request ko na gusto ko kumain ng ganon. Bago ako bumalik sa Manila, nagpabaon pa ng pili, at minatamis na siya mismo ang nagluto. :(

Mamimiss ko ang mga pangaral niya sa akin. Mamimiss ko pagtimpla niya ng aking inumin sa tuwing pumupunta ako sa bahay nila. Lahat lahat magigi na lang alala. Sana nahintay pa niya ang pag-uwi ko. Sana sa huling pagkakataon pwede ko pa siya mayakap. Ngunit paano? Ang layo ko, gustuhin ko mang umuwi may mga bagay na dapat isaalang alang.

Salamat sa pagiging mabuting huwaran. Sa pagpapaaral sa akin, sa masasayang Pasko, sa pagpapahiram ng balikat tuwing ang totoo kung pamilya ay nakakaramdam ng kahirapan. Maraming salamat sa yakap tuwing luha ang dumadaloy sa aking pisngi. Hindi ko matutumbasan ang tulong, at paglingap mo sa akin. Nanghihinayang ako hindi na kita makikita sa aking pag-uwi ngunit alam ko iyon ang gusto mong paraan ng pag-alis mabilis at hindi ka na nahirapan.

Saan ka man naroroon, ako at aking pamilya patuloy na pahahalagahan ang lahat ng naibigay mo sa amin. Kahit wala ka na hindi mawawala ang pagmamahal na mag uugnay sa akin at iyong pamilya. Mahal ko po kayo at mamimiss ka namin.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

Ads2