Na Mimiss Kita

Nakatanaw ako sa bintana kanina, pinagmamasdan ko ang bawat patak ng ulan kung paano nag-uunahan. Biglang lalakas at hihina na tila ba may sarili din silang kumpas katulad ng sayaw. Inisip ko hindi kaya inaaliw lang ako ng aking imahinasyon?

Walang umaga na hindi kita naalala, walang gabi na hindi kita naiisip. Bawat araw na dumarating pinanabikan ko, minsan hungkag ang aking kalooban walang direksyon ang aking nararamdaman sa dahilan wala ka sa aking tabi. Sana makita ko na ang liwanag at kahit na aandap andap alam kung andiyan ka lang, aking makakasama kapag lumipas na ang lahat ng unos sa aking kamalayan.

Na mimiss kita ng sobra. Hindi ko man sabihin, hindi ko man ipahalata at kahit itago ko alam kung nararamdaman mo iyon. Lahat ng pangako ko saiyo, hinahawakan ko sa kabila ng sitwasyon. Sana malapit na ang bagong taon, sana isang kisapmata na lang kasama na kita gaya ng dati. Kagaya ng panahon masaya pa ang lahat,simple ang mga pangarap at malaya ang bawat isa. Kinakain ako ng panibugho hindi dahil wala ang pagmamahal at pagtitiwala kundi dahil labis kitang mahal. Natatakot akong pagpikit ng aking mata wala ka na, natatakot ako sa mga pewedeng mangyari na kabaliktaran sa aking inaasahan. Ngunit saan ako dapat lumugar o masyado lang akong inaalipin ng oras na walang magawa.

Dumadaing na ang aking kaluluwa, itigil ang ganitong nararamdaman dahil hindi maganda sa nag-aagaw buhay kung pagkatao ngunit ang isip ko patuloy na naglalakbay sa nakalipas at kung saan ang patutunguhan. Gusto kung maging manhid, at lagi kung sinasabi manhid na ako pero hindi pala. Isa ang dinidikta ng aking puso ang mahalin ka, at patuloy na mangarap kasama ka sa kabila ng lahat.

Sana andito ka sa aking tabi sa oras na ito. Kailangan ko ng karamay at masasabihan sa aking pinagdadaanan. Malayo na aking nilakbay, malayo ka na rin. Basta namimiss kita. Na mimiss ko ang iyong ngiti, ang iyong dimple. Ang iyong bruskong katawan, ang halakhak mo sa mga nonsense kung sinasabi lahat lahat namimiss ko.

Sabi mo malapit na ang Pasko, papalapit ng papalapit ang lahat. Sagot ko naman daraan muna ang aking kaarawan wag mong laktawan kasi sa araw na iyon magbabago ang lahat. Doon ko tatahakin ang direksyon na ngayon wala pang sagot.

Sa kabuuan ilang araw na ba tayong hindi nag-uusap? Ilang oras lang pala :)) Na mimiss kita, ngunit bakit hndi ko masabi saiyo tuwing nakakausap kita. Bakit hindi ko magawang maglambing? Hmmmm! Marunong na siguro akong magdala ng aking emosyon, magtago ng tunay nararamdaman sa dahilang ayaw ko ng masaktan pa ulet.

Sana mabasa mo ini, sana aram mong ika ang uya sa sakong puso. Dae man nin gabag-o sa namamatean ko,ika pa man sympre ang gusto kung makaibahan. Ika sana, dae nin iba.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

Ads2