Tigmak

Umuulan
Pumapatak ang luha
Umaagos ang paghihinala
Sa nangyayaring sarili ang may sala.

Sa mga kamay
Ang susi ay hawak
Upang makalimot
Makawala
Makatakas
At makuha ang gantimpala

Ngunit ayaw pumiglas
Ng sandamakmak na emosyon
Gustong sumubok
Pag-igihan
Subalit isang kahibangan para sa iba

Ang daming maskara ang gustong palayain
Ngunit mas mabuting sarilinin
Ang tigmak na pag-asa
Sana muling kuminang pa
Ng makita ang pagkakaiba ng ginto at grasa.

Lakad, takbo, lakad,
Kumakaripas
humahagibis
Naghihinagpis.

Gising!
GIsing!

Ito sana'y isa lamang pangitain...

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

Ads2