Paano Ko Susukatin AngPamilya?





Paano ko ba susukatin sa sarili kong pananaw ang salitang pamilya? Dahil lang ba sa dugong nanalaytay at nag-uugnay sa amin o kasali ang mga taong gumabay/ humubog sa aking pagkatao?

Maaga akong naulila sa Ama. Isang tao ang itinuring kong Papa sa lahat ng aspeto. Lahat ng paggalang at salitang respeto sa kanya ko nakita. Kung paano nya pahalagahan ang mga taong nakapaligid sa kanya, katrabaho at sa oras ng pangangailangan handa siyang magbigay ng kusa at laging handang makinig. Siya si Tiyo, haligi ng tahanan at naging lakas na rin ng aking pamilya.

Magtataka siguro kayo, walang kahit na konting dugo ang nag uugnay sa amin para masabing magkamag-anak. Ang mga magulang ko ang isa lang sa kanilang pinagkakatiwalaan sa FISH POND.

Mas madalas kong sabihin, namuhay ako, nabuo ang pagkatao sa tulong nila. Kahit minsan hindi ko naramdaman ang salitang katulong, kasambahay at utusan sa knilang tahanan. Halos mula elementarya tuwing walang pasok nasa sa knila n ako hanggang hi skol, hanggang sa mla sa knila p rn ako tumira.

Ito ang pamilyang naging kabahagi ng kung ano ako ngayon. Naalala ko pa noon nasa hi skol ako, may nagtanong kay Tiyo sa Airport kung sinu ako, ang sagot nya bunsong anak (isang alaala na kapag nakakaramdam ako noon na hindi ako kabilang sa pamilya, nagbibigay ng tibay ng loob). Sayang nga lang hindi ko man lang masusuklian ang kabutihan nya sa akin sa kadahilanang wala n siya.

Kung may kakayahan lang ako magbigay ng "best family" sila ang bibigyan ko ng parangal. At kahit kailan hindi ko masusuklian ang kabutihan at kabaitan nila sa akin pati na rin sa aming pamilya. Nagsikap akong igapang ang pag aaral ng aking kapatid at mga pamangkin dahil sa nakita kong dedikasyon nila sa pag-papaaral sa mga anak. Mula kay Tiya, sa pagigi niyang organised sa lahat ng bagay, at kung paano ko dapat pahalagahan ang aking kinikita. Bigla kong namiss ang Pasko at fiesta kc iyong ang oras ng uwi ng lahat. Ang dami kong regalo at ramdam n ramdam ko ung gaano nila ako pinahahalagahan. Kuya Bantoy sa kanyang generosity(mag-aabot ng pera, sabay sabing wag mo na ikukwento sa iba kc mauubusan ako ng pamasahe pauwi ng mla kung lahat ng pamangkin ko bibigyan ko, hahaha) Ate Ghing for being such a wondeful ate in terms of advices, Kuya Amad sa palaging pagsaway sa akin, bhing saen ka na naman hari? Iyong mga assignments mo nagibo mo na at pamatay na sabi ni Kuya mag adal ka nin marinas ta ika sana ang makatuwang sa family mo w/c is true, ate Ems na naging ilaw ko sa pagtayo ng aking sarili sa kabila ng aking pagkukulang at pagkakamali. Ate Ams, sa walang sawang pagbuhos ng pagbigay sa aking ng damit, pati damit na rin nila mama :) Ate Ai sa mga girly gitfs, kikay things (ate ai, revelation sa gabos na tugang mo po, saimo lang ako takot)hahaha!

Walang makakapantay sa mga kabutihang ginawa nila sa akin. Habambuhay kong dadalhin ang kagandahang asal na ipinamulat nila sa akin. Habambuhay kong tatanawing utang na loob. Sila ang humubog/nagturo/tumulong/at nagpakita sa aking ng kahulugan ng salitang PAMILYA. Sorry kc naging pasaway ako ^_^

Sana next year pag-uwi ko makasama ko kayo. Kahit isang araw lang. Hopefully sa birthday ni Tiya. Salamat ng marami sa tulong at pagkalinga sa akin. basta salamat talaga sa gabos. (bagi aram ko na pagnabasa ini ni ate ams sasabihun ang drama ni bhing)haha!

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

4 Share your thoughts

one in a million ka maktagpo ng kapamilya na hindi mo kadugo. kaya nararapat din na pahalagaan ang kanilang ginawa at wag mawawalay sayong buhay.

makakasama mo rin sila... ingats :)

istorya ng buhay parang life!...mabuti ang pagpapalaki sayo..kasi napakabuti mo..hanga ako!

tnx a lot! life is life tlga! :))

Ads2