Ganap Na Kasiyahan

The Emcee

Vina Morales at Mark Bautista

Vina Morales, Mark Bautista at Giselle Sanchez


Ate Liza at Ate Edith

The Gang habang nag-aantay ng service papunta sa venue



Entrance of Taoyuan Stadium

Noong nakaraang Linggo ay isang malayang araw para sa isang tulad kong OFW. Kasabay nito ang pagdiriwang ng Philippines Independence Day sa Taoyuan Stadium na dinaluhan ng entertainer galing sa sarili natin bansa, ito'y pinangunahan ni Ms. Vina Morales, sinabayan ng riot sa katatawanan ni Ms. Giselle Sanchez, rakrakan sa himig ng spongecola at makatindig balahibong panghaharana ni Mr. Mark Baustista. Marami din panauhin galing sa iba't ibang organisasyon sa Taiwan at representatives ng CLA (Counsel of Labor Affair),present din ang mga galing sa embahada ng Pilipinas at di rin nagpahuli ang mga grupo ng Filipino Community dito sa Taiwan.
Masasabi kong isang napakalaking karanasan ang makadalo sa pagtitipon ng mga OFW. Ang saya pala, sana noon ko pa ito ginawa ^_^. Isang Misa ang aking dinaluhan na nagpabago ng lahat.(di ko na sasabihin kasi napaka personal ng aking naramdaman sa oras na iyon) Thank you Lord!

Ang pinakamagandang nangyari ay ang pagkakasundo namin ng aking Ninang. Siya ang dahilan bakit ako nasa Taiwan, lahat ng tulong at pang-unawa ibinigay niya sa akin ngunit sa kadahilanan na hindi niya kayang kunsintihin ang life na gusto kong tahakin mas minabuti nya na umiwas at wag makibalita sa akin. Ako din at that time blinded ako sa salitang "love". Matapang ako, matigas ang ulo at mag-isa kong binaybay ang pasilyo na akala ko magbibigay sa akin ng ganap na kasiyahan at kalayaan. Ngunit humantong sa di inaasahan pagkakataon, muli akong binigyan ng mga bagay na dapat pagpilian ang puso o pagkakataon para magbagong buhay. Alin ang dapat kung piliin? Sa pagkakataon na ito dapat walang masasayang sa mga desisyon ko at dapat wag kong makaligtaan na kailangan kong mapanindigan sa kadahilanang ito ang huli kong baraha para maging mabuti ang hinaharap. 5 taong ko siyang di nakausap at hindi nakita. Ngunit ang namamagitan sa amin ay tali na nag uugnay mula pa noon ako ay binyagan. Ganun pala ang pakiramdam, sa munting tinig ko lahat ng hinanakit nya at sama ng loob biglang nawala at back to normal na kami. Hindi matutumbasan ng kahit magkano ang sayang naramdaman ko ng sabihin kong "I'm sorry" . Walang tatamis pa sa aking narinig ng sabihin niya sa akin, "Bhing, anak di naman ako nawala ikaw lang ang lumayo" Sobrang saya ko at thankful dahil buo na ulet ang buhay ko. Iyong mga taong iniwan ko at nakalimutan sila din pala ang bubuo sa aking pagkatao.

Napapaisip ako, binalikan ko lahat ng saya, lahat ng pagsubok, lahat ng sakripisyo at masasayang alaala ng kahapon ngunit napakahirap tanggapin mas lamang pala ang luha sa ngiti at mas lamang ang pagpapakamartir sa dapat sanang pundasyon ng magandang samahan. Nagsisisi ba ako? Siguro hindi naman pagsisisi kundi panghihinayang sa mga nagdaang panahon na hindi ko na pwedeng balikan at panghihinayang sa oras na nakaligtaan ko ang mga taong totoong nagmahal at nagpahalaga sa akin subalit nakaya ko silang talikuran dahil sa pagnanais kong masunod ang "love". (To make the story short, ang tanga tanga ng Gumamela.)

Sa kabuuan, ang unang linggo ng Hunyo ang nagpagising sa aking kamalayan para ibangon ang sarili. Gising na gising na ako at malayang yayakapin ang buhay na ito.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

1 Share your thoughts :

mabuhay ang mga bagong bayani!marami rin palang activities na nagaganap dyan.. dito sa lupang buhangin kaunti lang ang nakaka-alam sa araw na ito

Ads2