Isang Hudyat

Napaiktad sa pagmumuni-muni,
Kasiyahan hindi maikukubli,
Sa isang hudyat sumanga ng marami,
Pangitain ng kahapon tuluyang naiwaksi,
Pag-asa hinahawakan ng walang pasubali.

Isang hudyat ng panibagong pakikipagsapalaran,
Larangan ng pag-ibig muling susubukan,
Buhay pag-iigihan at kasama ang dangal,
Ang pagyurak ng iba hindi na pahihintulutan,
Buong tapang na itatayo ang nawasak na kinabukasan.

Isang hudyat ng pagbabago,
Ang pilit na ikinikintal sa nagsusumamo,
Ang isip gagamitin sa binitiwang pangako,
Ang prinsipyo't pahahalagahan gaya ng puso,
Doon masusukat ang tatag at tibay ng pagkatao.

Ang anay na nagwasak ng sumpaan,
Isa na lamang alaala ng masalimuot na tukso sa daan,
Magiging Magdalena at latak sa kawalan,
Isang babala na sa relasyon laging may gustong sumakmal,
Ahas na tutuklaw sa pagkakaibigan na binigay.

Isang hudyat ng pagmamahalan,
Na nahinog ng panahon, sinubok na ng pagkakataon,
Pagkakaibigan ang simula at sa pag-ibig pala hahantong,
Isang hudyat na hindi maitatago at maibabaon,
Ang pagmamahal umusbong sa hindi inaasahang pagkakataon.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

5 Share your thoughts

galing galing moh naman ate Bhing.. isang *round of applause* wow sa poem... hanggaling... lab it.. parang hinugot sa kaibuturan nang bituka moh.. hanglalim eh noh.. wehe... puwede kang gumawa nang libro nang poems... mga tulang punong puno nang pag-ibig.... sakit... karanasan.. or ano ano pah... tuloy akoh napapa-kata na ren sa mga sinasabi... pero hanggaling moh.. hmmm... parang may new pag-ibig ahh... hihhee... ingatz lagi ate... nde pa atah kitah nabati?.. happy new year po... Godbless! -di

dhianz, tnx! hinugot sa tadyang ni eba... hahaha! salamat sa dalaw...

Hudyat na ba ito ng walang katapusang pagtutula?

hehe.
Very nice!
ako din napapatula.

Hudyat na ito para ipunin ang iyong mga nabuong tula at ipalimbag upang maging isag aklat.

@kosa, wlang hanggang pagtutula hanggat my emotions pa ako... sige lng ang pagtula...

@the pope, tnx. dami n rn tlga cguro ang nagawa ko...

salamat sa lahat!

Ads2