Magdalena

Unti-unting nililipol ng anay,
Ang mga sangang nagbibigay,
Ng pag-asa at pagmamahal,
Sapagkat ang tukso muling kumakaway.

Pilitin man isantabi,
Ang kamandag ng dagok,
Kumakaripas ang daloy,
Ng pagnanasang gustong ituloy.

Nakasubsub ang diwa,
Sa naglalagablab na hiwaga,
Pilit inalis ang maskara,
Ng pag-ibig na huwad sa Kanya.

Dadaloy ang ligaya,
Buhat sa pagal na kaluluwa,
Matang lumuluha,
Kinitil mismo ang pag-iisa.

Sumasayaw ang anino,
Sa dilim ng sinag ng lampara,
Nagpatianod sa pagkakataon,
Hiram na ligaya kinakasama
.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

2 Share your thoughts

awts!!!

musta ka na ate?
hanong nangyarehhhh???

...galing tlgah sa makabagbag damdamin na poem... hope 'ur doin' aight.. ingatz.. Godbless! -di

Ads2