September 3, 2017 – Muli na namang nagbigay ngiti sa mga bata ang Project Smile volunteers sa kanilang katatapos lang na Kalye Series Mini Outreach Activity na ginanap sa area ng Betty Go Belmonte. Iba’t ibang indibidwal mula sa iba’t ibang grupo ang nagsama-sama at nagtulong tulong na magpangiti ng mga kabataan.
Nagsanib pwersa ang grupo ng BAVI Manila Toastmasters Club at Gumamela Lapis at Papel Project para sa ikakatagumpay ng PROJECT SMILE.
Pasado Ika-siyam ng umaga ng simulan ang energizer dance na nagpaindak sa mga bata.
Si Ms. Jennefer Manalo at Ms. Mae Jane Adem ang malugod na bumati sa lahat ng SMILE Volunteers at mga Kids Benefeciaries.
Nagbigay din ng kanyang mensahe si Ms. Gemma Bhing Comiso sa simula ng programa, kanyan ibinahagi kung ano ang mithiin ng grupo at ang kanilang mga susunod na activity.
Masayang binuksan nila Ms. Bhing Comiso ng Gumamela Lapis at Papel Project, Mrs. Shierel Samonte Club President ng BAVI Manila Toastmasters Club at Mr. Jeoff Parcarey punong abala ng Project Smile ang opisyal na pagsisimula ng mga inihandang activities para sa mini outreach activity.
Iba’t ibang masasayang activities ang inihanda para sa mga kids benefeciaries. Una ay ang Paper folding activity na tinuruan silang maging malikhain gamit ang mga papel.
May sayawan at kantahan din na nagpakita ng angking talent ng mga kids benefeciaries.
May putok lobo din na lalong nagpaingay at nagpasaya sa Project Smile event. Binigyan din lahat ng bata ng mga lobo.
Lahat din ng bata ay nabigyan ng mga loot bags, gift packs at kiddie meal.
Masayang naidaos ang mini outreach activity na naglalayong makapagbigay ngiti sa lahat ng kids benefeciaries sa umagang yoon.
Taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga SMILE Volunteers na nagbahagi ng kanilang oras, talent at yaman upang makapagpangiti ng mga bata. Maraming salamat din sa lahat ng sponsors, gift givers na nagpadala ng ngiti para sa mga bata.
Thank you sa lahat ng mga SMILE Volunteers:
Cristel Villarin, Rosalyn Alimagno, Keanno Herrera, Gina Comiso, Cristine Guimbaolibot, Jane Velasco, Bobet Gonzales, JM Manalo, William Era, Charisse Ann Binas, Julius Vinluan, Lory Gazmen, Glenn Gazmen, Rina Palomer, Gina Palomer, Julia Saga, Millicent Adem, Havilah Baguio, Lord Christopher Dumale, Jelo Santisima, JJ Enolva at Noeline Franco.
Pasasalamat sa BAVI Manila Toastmasters ExeCom:
Shierel Samonte, Mae Jane Adem, Raquel Doromal, JM Manalo, Cristine Guimbaolibot, Joanna Lagarde at JoFhrey Parcarey.
Pagbati ng paghanga sa Mga Batang SMILE Volunteers na dumalo sa Project Smile:
Adenn Rae Binas, Arwen Gazmen at Kiel Samonte.
At pasasalamat din kay Ms. Gemma Bhing Comiso at sa buong grupo ng Gumamela’s Lapis at Papel Project.
Taos pusong pasasalamat din sa lahat ng nagpadala ng regalo, pera at iba pa na lalong nagpasaya sa mga kid benefeciaries.
Don Ayson, Janice Ayson, Carol Bitanga, Jaimie Natividad, Gazmen Family, Ailla Riego, Rizza David, Mayii Guilles, Joenoel Sanchez, Joed Felipe ng tropang Unggoy, Noemi De Leon, Grace Pusing, Irene Agunat at Gemma Borromeo ng tropang ChumROCKs, Jo-ann Fernandez, Abigail Rivera at Gio Fermin ng BAVI Academy, Jhun Atienza, BAVI Calamba Toastmasters Club, BAVI Manila Toastmasters Club, Grace Danao, Bounty Employees nationwide, Jill Mabutas, Tina Cuera, Mara Cacabilos, Helen Cipriano, Wilbert Tolentino, Zaldy Lungos, PJ Olifernes, Mariz Cahilig, Christian Laoagan, Leo Valenzuela, Jess Calisaan, Beth Guillermo, Kendal Andaya, Joel Amonelo, Larry Laygo, Grace Garcia, Dianne Buenaventura, Adrian Angeles, Aaron Bumanlag, Joanna Zarate at Alzer Illut.
Sa munting paraan nating lahat napatunayan nating simple man ang ating pamamaraan basta maganda ang adhikain at tayo’y nagkakaisa, ang magpangiti ng bata ay ating kayang kaya.
Patuloy pa taying magpangiti ng kapwa. Hanggang sa muli nating pagsasama-sama sa layunin nating makapagbigay ngiti sa iba.
Mag-ngitian tayo , maaring hanapin ang @ProjectSmileSeries sa Facebook. Isang ngiti naman d’yan!