Bulong

Isang tinig
Na mahiwaga
Ang pumukaw
Sa kamalayan.

Maghintay ka,
Matatapos din.

Ang pait
Ang sakit

Hawakan ang pag-ibig
Suungin muli ang panganib

Humakbang
Lumakad

Tingnan ang pedestal,
Inilatag sa harapan,
Pinapangarap andiyan,
Busilak na pagmamahal.

Kumikinang ang bawat hawakan,
Kahit gaano pa ang kalawang,
Sa pag-ibig na dalisay,
Ang nakaraan walang saysay.

Handa ka na ba?

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

Ads2