Pagsasalamin Sa Salitang Pamilya


Isa akong OFW dito sa bansang Taiwan. Manggagawang nangangarap na maibigay ang maalwan na buhay para sa pamilya. Ang iwanan ang buhay na aking nakagisnan ay isang napakalaking hamon na sa simula puro agam-agam, takot at pagkabalisa ang pumuno sa aking kamalayan. Mahirap isantabi ang prinsipyong sa simula ay akin ng ipinaglalaban ito ang pagsilbihan ang bansang sinilangan. Isa akong kabataan noon na kalye ang kinasama at welga ang laging sinisigaw upang kalampagin ang mga nakaupo sa pwesto. Kalsada ang pansamantala kong naging tirahan."Makibaka, huwag matakot, huwag paapi sa dayuhan at huwag maging dayuhan sa sariling bayan" Subalit sa aking pagbabalik tanaw ito ako nasa ibang bayan, nagsisilbi sa banyaga at aminin ko sa hindi may kirot sa aking puso na hindi ko nagawang pangatawan ang ideolohiyang aking ginawang sandata sa lahat ng unos sa aking dinaanan. Nasaan na ang aking pagiging makabayan?

"Strengthening the OFW Families: Stronger Homes for a Stronger Nation." Ito ang tema ng PEBA ngayong taon. Isang napapanahong usapin na magbibigay ng masusing pagsusuri sa kung ano ang importante sa atin bilang OFW, anong mga naiambag natin sa ating kumunidad at ano na ang antas ng ating pagkatao hindi lang sa materyal na bagay bagkus sa larangan ng pakikipagkapwa. Ito rin ang magiging salamin upang mapag-aralan nating ang diwa at totoong kahulugan ng pamilya. Kung paano nating pangangalagaan ang pundasyon upang maging lakas ng ating bansa.

Sa pagluwas ng bansa, baon ko ang maletang puno ng pag-asa. Pag-asang nabibigay ng lakas at inspirasyon upang suungin ang pagpapalaot sa walang katiyakan na pakikipagsapalaran. Isang maletang andun ang lahat ng personal kung gamit sa literal na salita ngunit higit doon ang nakapaloob sa kailaliman ng aking puso. Andoon ang tibay ng loob, determinasyon at pangakong uuwi akong may nangyaring maganda sa aking pamilya. Sa bawat araw na dumaraan, pagkahungkag sa bagal ng takbo ng orasan, pagkabagot sa routine ng trabaho at pangungulila sa pamilya ay isa lamang sa pinakamahirap labanan. Sa tulad kong walang day-off, telepono at sulat ang isang napakalaking linya para mabawasan ang aking pangungulila at maramdaman kong hindi ako nag-iisa.

Saan ba ang sukatan ng salitang pamilya? Paano ang kategorya para masabing pamilya dahil ba sa dugong nagdudugtong o sa pinagsamahang puno ng pagmamahal at pagpapahalaga bilang tao. Madaming nagsasabi alipin kami sa ibang bayan, utusan at katulong ngunit sa bawat pangit na pinagdaanan ng iba may nakaramdam ng totoong pagtrato bilang tunay na kapamilya. Isa ako sa napakaswerteng "katulong" na nakuha ang ni minsan hindi ko pinangarap na pagtrato ng pasyenteng aking inaalagaan. Naramdaman ko ang respeto bilang tao, respeto sa aking paniniwala, pagpapahalaga sa aking mga karapatan at pagturing na walang bahid na discriminasyon. Natagpuan ko ang salitang "equality" at "fairness". Ang hindi ko paglabas tuwing Linggo ay sarili kung desisyon dahil gusto kung mapunan ang kaibaitan nila sa akin.

Sabi ng iba paano ko mararamdaman ang tunay na salitang pamilya kung ako mismo ay walang asawa at anak? Paano nga ba? Wala ng hihigit pa sa responsibilidad ang magdala ng buong pamilya. Hindi lang anak at asawa ang bumuo ng sinasabi kong pamilya. Kasama sa laban ko bilang OFW ang mga kapatid, mga pamangkin, kamag-anak, kaibigan at magulang. Anu ang naiambag ko sa tema ng PEBA? Isa ako sa nagsikap upang lahat sila maigapang sa pag-aaral. Ang bunso kung kapatid nakapagtapos ng BSND, panganay na pamangkin BSOA, sumunod computer tech, at ngayon may pinapag aral ako sa kolehiyo information technology. May isa din akong high school na sinusuportahan (hindi ko kadugo) ngunit nakita ko ang pagpupursige niya na makapagtapos. Next year magkokoliheyo na rin. Naniniwala akong kahit nasa malayo ako, nagagampanan ko ang responsibilidad ko sa pagtatayod upang maging matatag ang aming pamilya. Hindi ko nakakalimutang tumawag at kumustahin ang kalagayan nila mula sa aking magulang, kapatid hanggang pamangkin. Isa ako sa nagbubuklod sa kanila. Ang pagigi kung OFW ang nagsisilbing tulay upang lahat sila ay magpunyagi sa hamon sa buhay.

Kapalit ng nagawa ko, andito pa rin sa aking puso ang mga panghihinayang. Tama, naibibigay ko sa kanila ang mga pangangailangan subalit maraming okasyon na wala ako sa piling nila. Mga oras na wala ako sa tabi nila lalo na sa panahong may nagkakasakit. Maraming hikbi ni Mama ang aking naririnig dahil sa mga importanteng salo-salong wala ang aking presensiya. Hindi ko rin kayang ibalik ang walong taon na hindi ko sila nakasama. Ito na siguro ang pinakamahirap na parte ng pagiging OFW, minsan pag-uwi hindi na ako kilala ng aking pamangkin. Kahit sabihin kong ako ang tita nila, sa musmos nilang isipan nagtatanong rin, bakit hindi nila ako nakikita. Hindi pa nila maiintindihan ang salitang kaya ako nasa ibang bansa para sa kanila dahil sa mura nilang pag-iisip ang pag-aaruga at pagkalinga ang dadalhin nila paglaki. Ito ang nararamdaman ko ngunit paano pa kaya ang mga nanay na nawala'y ng mas maaga sa kanilang anak? Paano pa ang mga tatay na malayo sa piling ni bunso at ang haligi sana ng tahanan humihikbi sa apat na sulok ng kwarto dahil nasa malayo.

Kaakibat ng pagiging OFW ang pagsasakripisyo at malaking responsibilidad na gawin sa abot ng makakaya na maging matatag ang pamilya kahit na milya ang pagitan. Hindi sapat ang salaping pinapadala para mapunan pangungulila ng bawat isa. Oras ang kailangan nila. Atensyon sa kanilang mga hinaing, tatay na makikinig, nanay na masasabihan ng lahat at kapatid na makikipagbiruan. Anu't anuman magiging matibay lamang ang pamilya ng isang OFW sa pakikiisa ng bawat miyembro. Lahat may ambag, lahat kailangan magsakripisyo. Magiging lakas ng bansa sa pamamagitan ng sama-samang pagpupunyagi at pagsasagawa ng magandang asal. Ang kagandahang asal na natutunan sa loob ng tahanan ang magiging susi para sa ikatatatag ng ating bansa. Ang pakikiisa sa magandang layunin ng pamahalaan at pagiging parte ng adhikain ng bayan.


Ito ang pamilya ko sa Pilipinas. (kuha ito sa unang balik ko sa Pilipinas) Iniingatan ko ito, nakalagay sa gilid ng aking kama. Sa panahong nangungulila ako, nawawalan ng pag-asa ang larawan na ito ang pabibigay sa akin ng inspirasyon para mas lalo kung pagbutihan ang aking trabaho, na mas lalo ko iparamdam sa pasyente ang pagmamahal at pagkalinga na hindi ko magawa sa sarili kong Inay.



Ito ang pamilya ko dito sa Taiwan. Sandalan ko sa oras na ako'y nalilito. Tagasalo ng problema sa pinansyal at karamay ko sa tuwing nanghihina ako. Mag-isa lang si Yiyi sa Taiwan. Ang mga anak nya ay naninirahan na sa ibang bansa. Once a year lang sila umuuwi.


Ganito niya ako kamahal, ganito niya rin ako pahalagahan. Walang araw na hindi niya ako napapatawa at hindi siya mahirap pakibagayan. Mahilig siya magbigay ng mga bagay, unexpected gifts and praises. (hindi ko na sasabihin kung ano iyon, sa kadahilanang ayaw niya na isulat ko kung anu ang naitulong nya sa akin)



Ito ang larawan na nagkukumbinsi sa akin kung gaano siya kasaya na ako ang nag-aalaga sa kanya. By the way, iyong asawa niya ang una kong pasyente. Limang taon kong inalagaan. Hindi ko alam hanggang kailan siya magtatagal sa kadahilanang may kanser siya ngunit araw araw pinaparamdam ko sa kanya na hindi siya nag-iisa. Mahirap mag-alaga ng cancer patient lalo na kapag panahon ng chemo therapy. Isang madugong gabi at dinudurog ang aking puso kapag nakikita ko siyang nahihirapan. Ako rin ang nagsuggest sa family niya na on hold muna ang pagchemo. Enjoy na lang ang natitirang panahon nya dito. Ngayon, lagi kaming nasa labas, gumagala, pumupunta sa gusto niyang lugar at kumakain ng paborito niya. Walang iniisip na sakit kundi ang masayang pagkakataon.

" Gemma, i will die happily because i live my life and shared the remaining years with you. You showered me loved and cared that my own family can't " (mananatili ito sa aking puso). Hindi ko na rin ipinagdarasal na habaan pa ang kanyang buhay, ang lagi ko lang hinihingi kunin siya sa tahimik na pamamaraan.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

43 Share your thoughts

ano pang ginagawa mo Bhing? Fill up na ng nomination form sa PEBA!!!

Hintay ko nomination form mo :)

is this your PEBA entry? you make me cry! You really do! I hate it, but I love it!

Where is your family? in your heart. You keep them well and alive, wherever you are.

I don't like you Bhing, you make me cry. hehe

@ kenjie, entry ko po ito. tnx a lot! ill take it as a compliment na napaiyak kita :)

Bhing nakita ko na ung nomination form, check mo na lang email mo para maayos na ung pagiging official nominee mo :)

what a wonderful, heartfelt entry.

*holds chest* dugoo...grabe, grabe na ito. I am from UP. I understand the feeling bad about fighting for an ideology that one has to give up because one has to feed one's self and help one's family.

Pero grabe astig. Filipino. Wow. Hindi ko kaya magsulat ng pure Filipino. Grabe. Hat's off to you.

Kayni, tnx a lot! gudluck on your entry too.

@Pinaywriter, salamat!really appreciate all the kind words.gudluck!

Muli mong pinaluha ang iyong mga tagasubaybay as isang madamdamming poste, na gumising sa kamalayan ng nakararaming OFW.

Maraming salamat sa iyong walang humpay na pagsuporta at paglahok sa PEBA 2010.

@Kuya Pope, tnx po for always sharing/scrunitizing my piece. i will always be grateful sa advise mo na WRITE wat ur heart says.tnx!

Sa kabila ng sakripisyo mo sa ngalan ng pagmamahal para sa pamilya...andyan naman ang ibang taong handang punan ang iyong pangungulila sa pagmamahal mo sa pamilya,bagamat hindi man kasing halaga ng paghahalintulad mo sa iyong pamilya pero sa kahit anong paraan naramdaman mo ang katagang "mahal ka namin" Good luck bhing:)

This comment has been removed by the author.

denelet ko ung comment sa taas, kc alam ko n sinu c anonymous! haha! jane tulalian mosier, tnx a lot! nabasa ko sa fb mo ung link. tnx!

first time ko po dito sa inyong bahay at masyado akong na-touch sa nabasa ko. medyo naluha po ako habang binabasa ang entry niyo. ang hirap minsan sa ating mga ofws, iniiwan natin ang ating mga sariling pamilya para alagaan ang ibang tao na. nakakalungkot pero ganun talaga ang reality ngayon. :(

goodluck and God Bless!

Mapag-alaga at mapagmahal ang mga Pinoy. Iyan ang dahilan kaya nagustuhan ka ng pamilya mo d'yan sa abroad.

Ang wish ko lang eh sana ay dumami pa ang mga amo na tulad ng boss mo. Ang daming pinoy at pinay ang nagdudusa ngayon dahil sa mga mapangabusong employer.

@nobenta, welcome to my page. balik k ulet :)

@ishmael,yan ang ibang mukha ng sakripisyo ng isang OFW. sana nga madaming kagaya ng employer ko ng sa ganun hndi n nila maranasan ang discrimination. salamat!

wonderful piece!!
..well featured,

a teardrop make sense,
..i learn.

Let ur heart.. spoke!
..and ur hand,imprints,
much more...

OFW's... Psalms of Life.
..love 't:)

@gleth, wow, the poet in our batch! tnx for visiting my page.regards!

it touches my heart..huhu you made me cry.Ang galing ng pagkagawa mo h,mula sa puso talaga. Continue writing.

ang galing. ipagpatuloy mo bhing, saludo ako sa entry mo.

good luck!

@raquel at lenz, salamat sa magndang salita. gagawin kong inspirasyon ang lhat ng iyan. tnx!

ate, you are a good soul. :)

naalala ko ang libro na tuesday with morrie noong nakita ko ang alaga mo.

wow..touching...ako nmn may pamilya but then parang hindi kami pamilya..hindi kami katulad ng mga normal family...kaya nakakainggit ung mga ganitong story..though malayo kayo sa isat isa..kitang kita ung closeness...haist...

thanks for sharing te bhing...take care always...keep writing

The best! Syempre pag si Bhing the best ang mga mellow-drama postings.. sa Facebook pa nga lang iyak na ako ng iyak kahit joke na pala eh !

Nasan na yung Like Button nang mai-Like ko ito..

@ Marco, salamat! excited dn ako sa magiging entry mo. :)

@angel, sad to hear that. pero anu pa man yan alam kung sa puso mo andun ang pagpapahalaga sa iyong pamilya at mahal sa buhay. tnx!

@Rio, san b mattagpuan ang like button??? haha! gawin bang FB ang blog. ito ako magsulat, mellowdramatic. its my unique way of expressing myself and personal struggle :)

I love your positive attitude and appreciation for what God has given you. Ikaw ay isang ilaw sa lugar na iyong ginagalawan at kahit saan man. Mabuhay ka!

"...maraming okasyon na wala ako sa piling nila. Mga oras na wala ako sa tabi nila..."

ito nga ang masakit ... sobrang hirap na wala ... kailangang maging matatag

Just doing rounds among the PEBA 2010 entries.

Masasabi kong masuwerte ka dahil nakikita ko sa mga larawan mo na mababait ang mga taong pinagsisilbihan mo.

Good luck and God bless.

Miss of
http://nortehanon.com

It's nice to know that you're writing again.. It's always good to have an inspiration, the one you can always turn to whenever you're down.. But donmt forget that we're also here for you.. You're friends.. Not just friends, a REAL one dear. I just saw your link to Iyah's profile. I hope you're doing good.. BTW, wer can I contact You!! Facebook me! LOL!! YM?? Wateverr!! you know it.. mwaaa! Iloveyou ate bhing take care alwayss..





-xoxotres <3

ang ganda naman ng kwento mo, inspiring, ang sarap sa pakiramdam na malaman na may mga OFW masaya pading ginagampanan ang kanilang trabaho sa ibang bamsa, at masarap din maapreciate ng mga taong kahit hindi naman natin kadugo buong puso nila tayong tinatanggap at pinahahalagahan..

totoo nga kitang kita ang ngiti sa labi ni Yiyi, ang sayang tignan na kahit s amga huling sandali nya nagiging masaya padin sya, at is aka a dahilan nayon..

salamat po sa pagbabahagi, at isa kang huwaran para sa walang sawang pagtulong sa mga kapamilya at iba pa sa pilipinas, sana mas marami pang tulad mo ang maging inspirasyon para sa iba...

God Bless!!

BON
www.bonistation.com

ang ganda naman ng kwento mo, inspiring, ang sarap sa pakiramdam na malaman na may mga OFW masaya pading ginagampanan ang kanilang trabaho sa ibang bamsa, at masarap din maapreciate ng mga taong kahit hindi naman natin kadugo buong puso nila tayong tinatanggap at pinahahalagahan..

totoo nga kitang kita ang ngiti sa labi ni Yiyi, ang sayang tignan na kahit s amga huling sandali nya nagiging masaya padin sya, at is aka a dahilan nayon..

salamat po sa pagbabahagi, at isa kang huwaran para sa walang sawang pagtulong sa mga kapamilya at iba pa sa pilipinas, sana mas marami pang tulad mo ang maging inspirasyon para sa iba...

God Bless!!

BON
www.bonistation.com

@carnation, tnx a lot. kpag nasa malayo ang pagkakaroon ng positibong pananaw ang ating medisina para makatayong matatag araw-araw.

@nortehanon, im so lukcy. really blessed for having them. tnx!

@kaye, you are a true friend. tnx for always inspiring me too. :) i miss u gurl!

@bon, salamat sa magndang mensahe. God bless!

hello bhing..ganda entry mo ah..
Nice one..!
bakit di ka na nagpaparamdam sa FB?

Magaling at tumama sa puso ang pagkalahad mo ng karanasan mo.

Ilang bayaning Pilipino ang lumayo sa pamilya at pinunan ang pangungulila sa sariling mga magulang sa pamamagitan ng pag-aaruga ng buong katapatan sa dayuhan?

Mabuhay ka at lahat ng katulad mo!

@ Rio, salamat sa pagbisita. busy lng ako sa work.

@ bariles, salamat sa magandang papuri. have a great day!

Hello! Kindly take the time to email me. This is to inquire about a possible support feature for a Pinoy, Philippines based band we want to introduce globally, especially to Filipinos abroad. Your blog is award winning, and no doubt thousands and thousands of readers follow you. It would mean a lot to the cause we are trying to advocate. Thank you so much! (email to marikit.singson@gmail.com)

Congratulations sa pagkapanalo mo sa PEBA. God bless you and your family.

magaling 2 thums up!!! hope maging active din ako bilang blogger..

Ads2