Para Lang Sayo


Yapos ng init ng iyong pagmamahal,
Busilak ng kalooban nararamdaman,
Ang masukal na daan, tinabunan,
Pinunan ng pag-ibig na dalisay.

Minsan hindi maiwasan magtanong,
Karapatdapat pa bang sa pedesdal mailagay,
Ihilera sa gintong kumikislap sa kinang,
At maibalik ang ninakaw na dangal.

Para saiyo hindi kailangan ng materyal na bagay,
Upang pag-ibig ay mapagtibay,
Para saiyo tiwala at respeto ang gagabay,
Sa pagtahak ng kinabukasang matiwasay.

Sabi ni
Kuya George iwasan na ang maging emotera, at least hindi na grabe ngayon. Pag sobrang down na ako isa si Kuya sa taong laging andyan para magbigay ng "mahiwagang salita/paalala para gumaan ang loob ko"(salamat po) Ayaw ko na sana magsulat, mag post ng mga entries ko dito dahil nawalan ako ng gana pero habang ang isipan ko naglalakbay sa ibang mundo hindi ko pa rin makayanang balewalain ang tinig na nagsasabing magsulat ka lang. Sige, wag kang patatalo sa sinasabi ng iba sa kadahilanang blog ko ito, pahina ko. Anumang nangyayari sa aking pahina, karapatan kong isulat as long as alam ko ang limitasyon ko. Binalikan ko lahat ng naisulat ko sa mga nagdaang buwan at taon, nakita, nabasa ko wala pa naman akong siniraan, inalipusta na tao.

Saan pa ba ako huhugot ng inspirasyon para balikan ang naging parte na ng buhay ko kundi sa taong nagmamahal sa akin. Tama, sa taong kumakalinga at nagpapahalaga sa dignidad ko bilang tao hindi bilang nililigawan o karelasyon. Siya ang nagtutulak sa akin para itaas ang sarili sa kabila ng aking mga pagkukulang. At sa oras na wala na akong nakikitang matuwid, ginagabayan niya ako, inaakay na muli para maramdaman ang salitang "hindi ka nag-iisa, andito ako aalalay". Hindi madaling tumayo, baguhin ang lahat ng nakasanayan. Masakit makarinig ng mga pag-aalipustang halos hindi makain ni Bantay ngunit ito ay magsisilbing lakas ko para mas lalo paghusayan at pagtibayan na makatayong malakas at puno ng pagmamahal sa sarili.

Para saiyo, isa lamang akong aba,
Na naghahanap at namamalimos ng pang-unawa,
Ngunit natagpuan ko ang tunay na pagkalinga,
At pagmamahal na walang kapara.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

1 Share your thoughts :

HIndi ka nag-iisa Bhing, sa bawa;t laban ng iyong buhay, sa bawa't luha't kaligayahan, hirap at kasaganahan - kaakiba't mo ang iyong pamilya, kaibigan at Maykapal na gumabagay sa iyong bawa't gala.

Mahalaga ka sa amin at sa kanya. Ipagpatuloy mo ang pagbaybay sa wastong daan. At maraming salamat sa pagbabahagi mo ng iyong buhay sa pamamagitan ng pagsusulat ng blog na nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa maraming mga nakakabasa. Huwag mawalan ng pag-asa. Pinagpala ka ng Maykapal.

Ads2