Bawat isa sa atin ay naghahangad ng masayang pamilya at matatag na kinabukasan. Ang pangingibang bayan ng isang manggagawa dala nila sa kanilang maleta ang mga pangarap, bitbit at baon nila ang pag-asang sa ibang bayan makukuha ang kanilang adhikain. Ninanais natin na maibigay ang maayos at magandang buhay para sa ating mga pamilya.
Bilang dating OFW sa Taiwan, ang malayo sa pamilya ang isa sa mahirap na desisyon ngunit during that time mas nanaig sa akin ang kagustuhan kong makapag aral ang aking pamagkin at kapatid. Naramdaman ko noon ang pagnanais nila na makapagtapos kaya lakas loob kung tinahak ang landas ng pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Mapalad ako sa pagkakaroon ng amo at pasyenteng sobrang bait sa akin at itinuring akong isang kapamilya. Sila ang naging tahanan ko sa loob ng siyam na taon. Naging kaagapay ko na rin sila sa pagtupad nga mga pangarap ko sa aking pamilya sa Pilipinas. Sa tuwing kailangan ko ng tulong andyan sila para dumamay at magbigay ng supporta. Sila din ang naging daan para mapagtapos ko ang 3 kung pamangkin ng college at aking bunsong kapatid. Lahat sila naging degree holder dahil sa aking pagsusumikap na maibigay ang pamanang kailanman hindi mananakaw ang edukasyon. Sinu ang mag-aakala na kukunin din nila ang kapatid ko, kapalit ng trahabo na aking iiwanan sa Taiwan. Ang bunso kong kapatid ang pumalit sa akin dahil pinagpatuloy ko ang nursing course sa tulong din nila. Kahit hindi na ako nagtatrabaho sa kanila binibigyan/pinapadalhan pa rin nila ako ng pera para sa aking pag-aaral.
Sa kasalukuyan ay natapos ko na ang aking kurso, nagtapos ako na nakuha ang "Academic Excellence Award". Pinag-igihan ko ang aking pag-aaral, nagsunog ako ng kilay dahil alam ko iyon lang ang magagawa ko para suklian ang bawat sentimong binibigay nila sa akin. Hindi ko sinayang ang oppurtunidad at pagkakataon. Sa bawat pahina ng aklat na aking binuklat at sa bawat paglagas ng kalendaryo baon ko ang pag-asang sa pag-akyat ko ng entablado silang na naging susi para makapag aral ako ay magsasabing "We are proud of you". Sila ang inspirasyon ko na mas lalong maging mabuting tao.
Habang nasa Taiwan ako, naging libangan ko ang pagsusulat ng poems, essays at personal journal. Sumali din ako sa mga pacontest, naging runner up ako sa isang pacontest sa Taipei at sumali din ako sa iba't ibang organization. Kahit wala akong day-off(sarili kung desisyon na wag mag day-off) ay nakakasali pa rin ako sa pamamagitan internet. Pinapadala ko sa kanila o minsan hinuhulog ko sa post office ang aking entries. Isa din ako sa pinalad na mabigyan ng parangal ng Pinoy Expats/OFW Blog Awards (PEBA). Naging "Outstanding Blog Top 7 winner ako (OFW category). Ito ang aking entry Pagsasalamin Sa Salitang Pamilya. Ngayon December muling gaganapin ang Blog Awards with a theme "Salamat OFW sa Masayang Pamilya at Matatag na Ekonomiya." "Thank you OFW for a Happy Family and a Stable Economy" Ito ay pagbibigay pugay sa ambag ng manggawang Filipino hindi lang sa kanilang pamilya pati na rin sa ambag sa ekonomiya ng ating bansa. Naging active volunteer ako ng organization dahil naniniwala ako sa kanilang mga adhikain. Naging pamilya ko na rin sila.
Tayong naging OFW at kasalukuyang OFW ay tinatawag na Bagong Bayani, nagiging sandalan tayo ng ekonomiya dahil sa ating mga remittances. Isa din tayo sa nagtaguyod ng ating bansa, kasali tayo sa matatag na ekonomiya. Habang may pagkakataon, mag impok at pangalagaan natin ang pera na ating pinaghihirapan.
1 Share your thoughts :
wow... ikaw na ang award winning... i'll backread your entry and will give you feedback... hehehe