Another Day at Philippine Animal Welfare Society (PAWS)

 Philippine Animal Rehabilitation Center

 I am a Volunteer

 They gave me sense of comfort and peace

Who is the cutest them all?

Kahapon muli na naman akong naging volunteer sa PAWS. Every Friday nakalaan na talaga ang oras ko sa Philippine Animal Welfare Society cause pero dahil nagkaron ako ng outreach program sa Little Angels hindi ako nakapunta sa kanila. Kaya Sabado na lang ako nakapunta.

Madaming pwedeng gawin sa PAWS. Kailangan pa nila ng madaming volunteer na may passion sa mga hayop. At the same time isa rin ito sa magandang therapy sa mga bored sa buhay o kaya depress. Unang punta ko dito ang pinakareason ko lang dahil bored ako, gusto ko malibang sa paraan na may idudulot na maganda hindi lang sa aking sarili pati na rin sa aking lipunan. Noon unang punta ko dito, nahumaling, nahalina na ako sa mga pusa at asong nakatira dito. Lahat sila ay mga rescued pets, inabandona, minaltrato at ang iba kusang niligaw ng mga may-ari. Iba't ibang "kahayupan" ang pinagdaanan nila ngunit isa din lang ang gusto nila mamuhay ng hindi man kagaya natin pero magkaron ng harmonious relationship sa kanilang environment. 

Madaming nagtatanong sa akin bakit daw gustong gusto ko ang nagvovolunteer na kung tutuusin pwede ko naman ilaan iyong oras ko sa ibang bagay. Isa lang yata ang maari kung isagot dyan "Dito ako masaya". Hindi kailanman matutumbasan ng halaga ang nararamdaman ko tuwing gumagawa ako ng ganito. Ginagawa ko ang mga ito dahil ito ang gusto ko, ito ang nagbibigay ng kabuluhan sa buhay ko. Since bata pa ako nakahiligan ko na ang pusa, dati sa tinitirahan ko bawal mag-alaga ng hayop kaya iyong urged ko na magkaron ng pet sa PAWS ko nalang inilalaan, ngayon dahil nakalipat na ako ng tinitirahan wala ng magbabawal sa akin. May alaga na rin akong pusa.

Gusto ko ishare ang bawat kwento ko sa pagvovolunteer hindi sa kadahilanang gusto ko mabigyan ng attention o ipagyabang, ang layunin ko ay maging inspirasyon ng ibang tao na nakakarelate sa pinagdaanan ko sa buhay, na gaano man ikaw nanlumo o gaano ka man pinabagsak ng pagkakataon maari mo pa ring mabago. Ito ay mag-uumpisa sa sarili mo, sa effort at dedication mo to change for the better.


Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

1 Share your thoughts :

hello there! how did you register for paws volunteer?

Ads2