Little Angels Learning Center
Feast of St. Ann
It was a blast being with them
Their innocent smiles make a difference
Gentlemen moves
St. Ann
Today is the Feast of St. Ann. (St. Ann was a mother of Mama Mary and the grand mother of Jesus Christ). Isa itong Learning Center na pinamamahalaan ng mga sisters from St. Pius congregation. Masaya akong nakasalamuha ang mga bata at maging parte ng kanilang pagdiriwang.
Ang programa ay inumpisahan ng isang Banal na Misa. Niremind ni Father ang kahalagahan ng mabigyan ng magandang values ang mga bata hindi lamang dapat iasa sa paaralan bagkus katungkulan ng mga magulang na ituro ang magandang asal at pakikipagkapwa tao. Ito'y dinaluhan ng mga bata at ng kanilang mga magulang, naging family gathering ito. Madaming mga magulang na sumayaw at ang mga bata rin ay may kanya kanyang presentasyon sa okasyon na ito. May mga papremyo din na pinamigay at bawat bata ay nabigyan ng school supplies. Ang mga batang ito ay nag aaral dito ng libre, lahat nga gamit nila pati school uniform ay hindi na pasanin ng kanilang pamilya.
Nakilala ko rin si Sister Annie and Sister Shiela. Maayos nila akong tinanggap at ako'y natuwa sa konting kontribusyon ko na ito ay kanilang binigyan ng halaga. Wala man akong maiambag na malaking halaga ngunit alam ko sa sarili ko buong puso kong ibinibigay bawat pagkakataon at oras na meron ako.
After the program nagkaron din ng salo-salo. Bawat grupo ay nagdala ng kanilang ambag na pagkain na kanilang pinagsalusaluhan.
Thank you God!
2 Share your thoughts
after ng bmim sabak, dito kaagad? sipag, ah? hehehe
kainaman 'yan.. isang patunay lang na isa kang mabuting tao.. ipagpatuloy!
@JH Alms, yes, kahapon lang yan July 26, 2013. SInasamantala lng habang may time pa ako to do it.
Sasama ulit ako sa BMIM project.