Pakikibaka

(ang larawan ay sarili kong kuha)

Kampanteng isipan, nabahiran ng pag-aalala,
Lumipas na sandali hatid bagyo ng kaba,
Tumingkayad, ulap sa papawirin nakita,
Nag-unahang patak ng ulan, dumampi sa mukha.

Panahong nagdaan parang gumawa ng nobela,
May suspense hatid ng bida,
Pagsubok kontrabida ang may sala,
Dinaganan, nilihis sa tamang kategorya.

Mahahayag na tunay na karakter ngunit naitago pa,
Tumawid sa makitid na daan at rebolusyunaryong kalsada,
Isinukbit sa balikat paninindigan na tanging sandata,
Upang maipamalas kahulugan ng pakikibaka.

Matarik na burol inakyat isa-isa,
Pinasan ang duyan,emosyon mababakas sa paghinga,
Paghihirap ng damdamin bantay ang madla,
Kakayanin mga panganib tsaka na magpapahinga.

Baging na gamit iniligtas sa lawa ng pangungulila,
Lawak ng Parang ekpedisyong maraming sanga,
Pinagpatung-patong na alinlangan, katawan nanlalata,
Mapangahas na tinawid na tulay, lawa ang kasunod pa.

Takot itinulak hinugot tapang na dala,
Higit na nais matunton buhay na may halaga,
Mabangis na hayop susugurin sa abot kaya,
Munting tinig, pananampalataya sa may Lumikha.

Lumitaw na disenyo palumpon ng pag-asa nagiba,
Araw sumikat sa kanluran iniluwa,
Hagdan na binuo, inukit sa lupa,
Sinakop ng nagsitubong kahoy na gala.

Prinsipyong baon binaluktot ng pagkakataon,
Itak na dati kay talim napurol sa paghawan,
Gumuhong lupa at bato ambisyon natabunan,
Pumasok na silahis ng araw, naghuhudyat ng pagsuko sa kalaban.

Marupok na pader naaninag rektangulong bukana,
Ihip ng hangin nagsasayaw winagayway na bandila,
Kamay idinipa mahiwagang ingay ang nilikha,
Sumiklab ang apoy ng pakikibaka.

Sigaw ng kalooban ituloy ang laban,
Malinaw na sinasabi pag-asa 'wag bibitawan,
Madapa man, huwag panghihinaan,
Dahil ang magandang bukas muling makakamtan

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

10 Share your thoughts

ibagsak ang mapagsamantala! ibagsak! :D

Gabriela nga ate.. RH bill ba? hehehe

ang daming mairerelate dito sa ating gobyerno... palagay ko,may kinalaman ito dun...

magandang araw ate bhing.. :)

@ Bino, ibagsak! hahaha! parang may pinaghuhugutan dn lng si Bino.

@ Istambay, salamat! sasama kb sa welga nmin?? haha! keep safe!

@ Istambay, salamat! sasama kb sa welga nmin?? haha! keep safe!

@ Istambay, salamat! sasama kb sa welga nmin?? haha! keep safe!

wow! pakikibakang tula.. hehe! i miss bhing..:)

@ Mommy, thanks po. sasali k rin po ba sa pagwelga nmin?? haha! i miss u too!

Ads2