Sigaw ng Magdalena

nagagalak
natutuwa
nagpapatianod
naiingganyo

sa kislap ng ginto
ng ligayang natatamo

sumasayaw
umiindayog
gumigiling
inaakit

ng saliw ng gitarra
ng sariling orchestra

nalulusaw na ang pagtitimpi,
sa makasariling gustong maani,
sa sukdulan ng paghihiganti,
isang kaluluwa ang binibili.

pingas na respeto ang dinaing,
subalit itinatatwa ng hangarin,
salapi buong kinang, nagniningning,
gustong hawakan at maangkin.

mabulaklak na dila,
ang sandatang gumagayuma,
panloloko ang birada,
sa dilag na tanga.

ito na ang pagkakataon,
na maigupo ng tampalasan,
hayok na sa indayog ng katawan,
ng magdalenang di niya kilala.

susunggaban ang inilatag,
katumbas ng bayad ng isang aba,
nakakubli at natmamatyag sa gilid,
ang kaluluwang nagdurusa.

sumisigaw, ituloy mo na!
igapos sa sarili niyang pagnanasa.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

12 Share your thoughts

ang lalim, hehe! maganda..

magandang umaga sau..:)

sana makarelate ang pagsisid ko sa malalim na inyong tinuran..

sa aking pagkakaintindi, sa title pa lamang, tumutkoy ito sa taong kapit sa patalim, walang ibang maisip na paraan, ang pagbebenta ng laman.

Bukod sa pagbaba ng tingin sa sarili ay ang mapangutyang titig ang inaani, hilaw na ngiti, pilit na ligaya ang nararamdaman, mabulalak na dila, yan ang puhunan.

May mapagsamantala, kamunduhan lang ang alam, lumalapastangan sa taong gipit ang pangngailangan.

hindi tamang wala tayong pagpipilian, nasa diskarte lang kung paano haharapin ang kahirapan..

at ewan ko na ba itong pinagsasabi ko ate.. bahala ka na umintindi hehehe

magandang araw po.. Kumusta?

@ mommy-razz, salamat po sa palaging pgdalaw sa pahina ko. naka add kn sa blog roll ko.

@ istambay, i love your comments. ntutuwa ako kc sa bawat comment mo sa entry ko tlgang pinag iisipan mo. keep it up! thanks!

sigaw ng magdalena, isang babaen'g mababa ang lipad na sa bandang huli'y pinagpala ng maykapal

thank you bing, nkita ko nga, lagyan ko din yong akin, hehe! try ko if magawa ko, bago lang kasi ako dito eh.. hehe!

@ Bino si magdalena nagtatampisaw sa dagat ng asupre. lol! haha!

@mommy-razz. welcome po sa blogsphere. sulat k lng po ng mga nasasaloob mo. thanks!

kawawa naman... niloloko ang babae. tsk!

Ah, medyo nalito po ako sa unang pagbasa. Marahil dahil dalawang punto de bista ang nalikha sa isip ko habang binabasa ko ito :)

@ marco pareparehas cla :) ung magdalena na nangangarap na gagawin lahat, ang tunay na asawang nangangarap na siya lng at ang lalakeng nagpapadala sa alindog ng isang eba.

aww..nose bleed ako dito..di maarok ng aking isipan sa sobrang lalim ng nilalaman ng iyong tula ate

Ads2