" Huwag kang umiyak sa aking pag-alis" ito ang malumanay na binabanggit ng Paru-paru
" Darating ang araw may kakatok ulit sa puso mo, magmamahal at mag-aalaga"
" Hindi ko kailangan ng iba, ikaw lang. Ikaw lang ang gusto ko." Pagsusumamo ni Tukso.
" Puso ko'y mawawasak, buhay ko'y masisira dahil ikaw ang kaganapan nito." Hahayaan mo bang madurog ang aking pagkatao? balik tanong ni Tukso.
"May dapat akong balikan para mabuo ang aking pagkatao, huwag mong hadlangan. Ibigay mo ang aking karapatan para lumipad, ikampay ang mga pakpak at dumapo sa nararapat. Umuwi sa tahanang nag-aantay" paliwanag ng Paru-paru.
Biglang dumating si Panahon.
" Tukso, hindi mo mapipigilan ang pag-usad ng oras, ang pagbabago. Naibigay mo na ang lahat ng iyong mkakaya, sapat na iyon para maging masaya ka" sabi ng Panahon.
" Ako lang ang nagbibigay ng saya, hindi kita sasaktan. Pagsisilbihan kita, aalagaan at ipapatikim ang walang patid na ligaya" pagsusumamo ulit ng Tukso.
Samantala, habang silang tatlo ay nag uusap si Kupido ay naglalakbay. Sa pagtingin niya sa isang sulok nakita niyang si Mariposa umiiyak. Lumapit siya at masinsinang kinausap.
"Bakit ka umiiyak, walang buhay ang iyong mga mata'' tanong ni Kupido.
"Hinihintay ko si Paru-paro, hanggang ngayon wala pa rin siya. Natatakot akong baka may nangyaring masama sa kanyang paglalakbay". humahagulgol na iyak ni Mariposa.
Kadalasan, dumarating tayo sa punto na kailangan mamili, manindigan sa mga naunang desisyon natin lalo na sa isang OFW. Kung ikaw si Mariposa hanggang kailan ka magtitiis? Hanggang kailan mo kakayanin ang maghintay?
Ang tukso ay kakambal na ng buhay. Nakakasalamuha sa araw-araw. May mga taong naliligaw ngunit meron pa rin namang handang ibuwis ang buhay alang-alang sa pagmamahal sa pamilyang naiwan sa Pilipinas. Kung ang tukso nasa iyong paanan, kumakaway, nagsusumamo, makakaya mo bang talikuran?
Bawat pakikibaka ay mapipipagbuno rin sa tama at mali. May mali para sa iba ngunit sa paningin ng ilan ay nagiging tama na rin, kumbaga uso na yan. Kahit mali kung laging nakikita, nakakasama sa kalaunan natatanggap na ngunit ang totoong tama ay iyong wasto sa paningin Niya. Siya ang alpha at omega.
4 Share your thoughts
Tama ang sinabi mo, "Ang tukso ay kakambal na ng buhay". Nais ko lang ibahagi ang nalalaman ko tungkol dito, Dahil mabuti ang Diyos, ang tukso(temptations) ay hindi nagmumula sa KANYA kundi ang pagsubok(trials), sapagkat sa pamamagitan ng pagsubok sa pananampalaya ay nagbubunga ito ng pagtitiyaga. James 1:2-3
well said Kiko! tnx for dropping by.
God Bless!
Naniniwala ako na ang tukso ay hindi magtatagumpay sa dalawang tao na nagmamahalan. Bagamat may ilan na nadadala ng tawag ng laman, marami pa rin ang may matibay na pundasyon para labanan ang ganitong kasalanan
tama ka jn Bino. if the relationship is CHRIST centered there is no room for temptation. :)
Happy weekend!