Pagmasdan ang alon,
Habang papunta sa pampang,
Umaawit,
Sumasayaw.
Nag-uunahan,
Tila naglalaro,
Inaakit ang aking kamalayan,
Sa gitna ng pusong napapagal.
Ang simoy ng hangin,
Ang sarap ng hagod,
Kinakalma ang aking isipan,
Sa gunita ng kahapon.
Sa mismong lugar na ito,
Sinambit ang pangalan ko,
Mamahalin ng buong-buo,
Iyan ang pinangako.
Dapithapon na ngayon,
Mata'y di natutuyo at mugto,
Inaantay ang araw kusang tumago,
Baka sakaling luha'y huminto.
Winawaglit sa guni-guni,
Ang tinig isinasantabi,
Subalit dala hanggang hating gabi,
Saan nagkamali ang tanong lagi.
Andito na ako sa dulo,
Nakikita ko lang ang iyong anino,
Kumakaway at nagsusumamo,
Huwag bumitaw, wag manlulumo.
Habang papunta sa pampang,
Umaawit,
Sumasayaw.
Nag-uunahan,
Tila naglalaro,
Inaakit ang aking kamalayan,
Sa gitna ng pusong napapagal.
Ang simoy ng hangin,
Ang sarap ng hagod,
Kinakalma ang aking isipan,
Sa gunita ng kahapon.
Sa mismong lugar na ito,
Sinambit ang pangalan ko,
Mamahalin ng buong-buo,
Iyan ang pinangako.
Dapithapon na ngayon,
Mata'y di natutuyo at mugto,
Inaantay ang araw kusang tumago,
Baka sakaling luha'y huminto.
Winawaglit sa guni-guni,
Ang tinig isinasantabi,
Subalit dala hanggang hating gabi,
Saan nagkamali ang tanong lagi.
Andito na ako sa dulo,
Nakikita ko lang ang iyong anino,
Kumakaway at nagsusumamo,
Huwag bumitaw, wag manlulumo.