Tamang Panahon


Tinitingnan ko ang bawat anggulo ng mga pangyayari. Binabalikan ko ang mga alaala saiyo, kung paano mo pinahimlay ang Gumamelang gulong-gulo sa iyong kaharian. Pinaramdam mo ang sobrang pagmamahal, pag-papahalaga at tinanggap mo ang kahinaan.

Hindi ko kayang punan ang respeto at tulong na kusa mong inabot. Tulong na babaunin ko at ng aking pamilya. Ikaw ang sandalan kapag hinang-hina na ako, ikaw ang karamay sa tuwing napapagal, nanlulumo, nababagot, naasar, nagagalit at nalilito. Lahat ng magandang salita hindi maitutumbas sa kabutihan mo, mga bagay na nagawa at sinakripisyo para maipakita mo ang totoong adhikain/intensyon/hangarin.

Andiyan ka kahit na maraming pagkukulang ang Gumamela. Tagasalo ng problema, taga payo, taga at madami pang taga. (haha)

Sa puntong ito, kailangan kung gumawa ng desisyon. Dapat akong mamili ng landas na aking tatahakin. Dapat ko ring isara ang mga bagay na ayaw at ibaon sa kahapon ang nangyari na. Ngunit paano kung mas gusto ko na ganito lang, naglalabay,nagpapatianod at sumasabay sa agos? Paano kung sa hindi ko pagpili doon ko gusto subukan ang taong dadamay sa akin hanggang huli? Bakit kailangan kong magpasya agad? Hanggang saan mo ako kayang hintayin? Hanggang kailan mo ako masasamahan sa paglakbay? Paano kung huminto ako ng tuluyan? Sa dako ba roon muli kitang matatanaw o sadyang lalakad ka na rin kapiling ang ibang magmamahal? Bakit ko isasara ang pinto kung may gusto pa akong papasukin o di kaya'y bakit ko ikakandado kung may ninanais akong palabasin? Alin ka dun? Nasa loob o nasa labas?

Magtatanong ang anino, MASAYA KA BA GUMAMELA? Ikaw masaya ka ba? O baka naman parehas lang tayo miserable? o pwede ring magaling lang tayo magdala ng sitwasyon? Ang pagngiti ba at pagtawa sukatan ng pagiging masaya? Ang pag-iyak din ba senyales lang na nagdurusa?

Mas nanaisin kung isipin hindi ito ang tamang panahon para magbitaw ng desisyon. Hindi pa hinog ang panahon. Marami pang dapat isaalang-alang, nararamdaman, pagkakataon, at kinabukasan. Pero nasabi ko na rin, hindi ko iniisip ang bukas ang importante sa akin iyong ngayon. Ang tanong NASAAN AKO NGAYON? Sa puso ko may mahal ako, sa puso ko may gusto akong makasama sa dapithapon kung sinu iyon alam kong nararamdaman niya subalit nagbubulagbulagan at inililihis ng pagkakataon.

Sino ba ang nagpapaantay? Ako? Ikaw? Siya? Bawat isa may sagot sa tanong na iyan ngunit mas mamarapatin kong sagutin ng katahimikan. Sa pananahimik mas doon ko makikita ang kayang gawin ng isa't isa. Kung sa palagay mo ikaw iyon, make a move and give your best shot. Kung sa tingin mo naglalaro lang ako, then you don't even deserve my time.

There's a point in our lives that we struggle, we face the dominant side of oneself and get tired of trying. But once you make a final vow, it will remain unbroken. In my heart there's a special person, i see my future w/ him yet i can't predict what's store for tomorrow for the days that will come might change everything. You know who you are, ILOVEU! Here's the hint "ambie" (hahaha!)

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

Ads2