May hangganan din ang pagtitimpi ng Gumamela,
Hindi lahat titiisin kahit sobrang sakit na,
Hindi lahat pikitmatang kakayanin upang ikaw ay sumaya,
Hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw ang ligaya.
Tao din akong nasasaktan,
Bawat salitang iyong binibitiwan ay isang punyal,
Bawat salitang iyong binibitiwan ay isang punyal,
Sa aking pagkatao, sa aking nilalakaran,
Kailan ba ang huli at totoong wakas?
Iniinda ko ang sakit sa pamamagitan ng pakikipagkapwa,
Sa paglilibang, sa pagtuklas ng aking kalakasan,
Ngunit bakit sa tuwing ako'y sumasaya,
Andiyan ang pagsulpot ng isang alaala?
Hindi pa ba sapat na nakuha mo na ang lahat?
Hindi ako namamalimos ng awa,
At mas lalong hindi ako naghahangad ng pang-unawa,
Hangad ko lang ang buhay na payapa,
Kapiling ang mahal sa buhay na masaya.
4 Share your thoughts
lab 'ur poem... as always... galing... oh yeah... hi ate Bhing.. and belated happy valentines palah... ingatz po lagi.. Godbless! -di
belated happy valentines dn..
add mo ako sa fb :)
Kaisa mo kami sa paghahangad ng buhay na puno ng saya at payapa.
Isang mapagpalang Huwebes ng gabi sa iyo Bhing.
@the pope, maraming salamat. ramdam ko po tlga ang concern mo.
God bless!