Mapalad Ako

Ilang araw na lamang ay Pasko na. Hindi ko masyadong maramdaman ang kulay ng Kapaskuhan dito sa Taiwan ngunit mapalad ako sa aking mga amo at pasyenteng inaalagaan. Pinagsusumikapan nila na maging masaya ako, gusto nilang kahit malayo ako sa tunay na pamilya maramdaman ko pa rin na hindi ako nag-iisa, na andito sila para samahan ako sa Kapaskuhan.
Ang regalong ito ay nagpabulaga sa akin.
Traveler's jacket ( na kapag naiisip ko ang halaga, sana pera na lang na ibinigay sa akin. LOL)
Hospital Gallery


Dumating ang anak ni Yiyeh. Dito siya magdiriwang ng Pasko. Ito ang xmas gift nya sa akin.


Nagulat ako at natuwa. Sinong Amo ang mag iisip ng bumili ng pagkaing Pinoy? Iyan ang inabot kanina ng anak ni Yiyeh. Binili niya sa Ontario, Canada. Akala ko kung anong klaseng isda, at ano ang meron sa isdang yan kasi ito ang unang bakasyon nya na magdala siya ng ganyan. Bakit hindi ako matutuwa? Siguro mabibilang lang ang among kagaya nila. Sabi pa niya talagang naghanap siya ng Filipino food, nagtanong sa nakita niyang kalahi natin kung anong pagkain daw ang sobrang nakakamiss. Tinapa ang suggestion ng nakausap nya at iyon din ang kanyang binili.

Hindi tungkol sa isda or mga mamahaling bigay ang aking pinahahalagahan. Ramdam ko ng husto kung gaano nila ako ituring na kapamilya. Kung paano nila pahalagahan ang mga karapatan ko at tunay na nararamdaman sa kabila ng pagigi kong isang dayuhan. Sa loob ng isang taon kong pananatili sa Pilipinas, buwan buwan din nila akong pinadadalhan ng allowance. In terms of financials, lagi silang nakaagapay sa akin. Lahat ng personal na gamit sila din ang nagbibigay sa akin.
Ano pa ba ang dapat kung ihingi kay Santa? Napaka greedy ko na siguro kung hihingi pa ako ng para sa sarili ko na kusang dumarating ang blessings sa unexpected ways.
Wish ko na lang justice for Maguindanao Massacre, good health sa family ko at sana 'wag mahirapan ang alaga ko kung kukunin na siya. Hindi ko kakayanin na maghirap siya sa oras ng pagkamatay. Handa na ako na mawala siya ngunit lagi kong ipinagdarasal sana sa maayos at tahimik na paraan.


Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

4 Share your thoughts

wow! i love the jacket 'te!
pati ung isda!

merry christmas! :D

You are so blessed that you are surrounded with kind and generous people particularly your employer and her family.

God is so kind, He will never let you down during Christmas, He will try to reach out to make you feel the essence of love and gift giving.

Merry Christmas.

hangswit naman nang amo moh... at nakakatuwa ka naman... contented kah at very thankful kah sa lahat nang blessings sau... for sure God has more in store for yah... have a merry christmas... Godbless! -di

ang amo mo ay bless sa yo...
you do a good job to them...so you have to be apprecaited...

you have a nice thoughts and we all hope for the best year....

thanks for sharing...with Hugs...

Ads2