Ano ba ang ginawa ko noong Pasko?
Ang Christmas Tree ay sumisimbolo ng Pasko. Dito sa Taiwan ang daming naglalakihan na xmas tree ngunit ibang iba pa rin sa nakasanayan natin sa sarili nating lugar. Pakiramdam ko dito ay isa na lamang palamuti at wala ang tunay na kahulugan nito, hindi holiday dito. May pasko lahat pati klase ay bukas.
Wala akong balak gumala/lumabas ngunit dahil na rin sa pagkumbinsi ng aking kaibigan sumama ako sa kanila. Ito ay si Ate Edith, masasabi kong Ate ko siya dito sa Taiwan, pinaka malapit kong kaibigan, sandalan, iyakan, tagapayo kapag pakiramdam ko pasan ko ang mundo.
Breeze Center, nag iikot ikot lang kami kasama ko si Jhoe. Ngunit sa personal na kadahilanan ayaw niya mag post ako ng picture nya sa blog ko.
Kinakabihan ng Dec. 25, kumain kami ng buong pamilya ng Amo ko. (Snail Italian Restaurant) Masasabi kong masaya naman ang Pasko ko dito sa Taiwan ngunit may bahid pa rin ng lungkot kasi hindi ko nakakasama ang aking pamilya. Ilang Pasko na ba ang dumaan na laging wala ako sa kanila subalit alam ko lahat ng pagtitiis na ito may magandang kapalit pagdating ng araw.
Share this
Bhing
Receive Quality Articles Straight in your
Inbox by submitting your Email below.
3 Share your thoughts
Merry Blessed Christmas to you bhing ang your family. Have a great holiday ahead! Cheers! From the Kingdom of K.S.A........
May the blessings of the Holy Child Jesus be upon you and your family.
From the Arabian Gulf, I am wishing you a blessed Christmas.
Ako bahay lang! Ikaw naman gumala to the max! ahahahahaha!
Malungkot ang pasko.
Pinaka...!
Merry Christmas sayo ate bhing!