Aminin natin ang katotohanang kapag lumuwas na tayo ng ibang bansa ang pagpabagahe ay isa sa inaantay ng ating pamilya. Sabik sila na makatanggap ng mga padala natin lalo na sa panahon ng kapaskuhan.
Bagahe
Isang karton na puno ng materyal na bagay,
Ngunit sa isip namin iyan ay pagmamahal,
Pakaingatan at inyo naman sanang pahalagahan,
Pagkat perang ipinambili galing sa aming katawan na pagal.
Sa pagbukas na bagahe,
Isipin ninyo sana ang hirap na aming inilaan,
Makuntento sa aming nakayanan,
Hindi reklamo bakit kulang, bakit ito lang?
Sa bawat sentimo na pinambili namin,
Kapalit ng ilang gabing pagpupuyat,
At pagbubuhat ng pasyenteng kay bigat,
Kaya sana aming pakiusap, makuntento kayong ganap.
Inyong alalahanin, inuuna kayo kaysa sa amin,
Di baleng walang mabili para sa sarili,
Basta maibigay ang inyong hiling,
Basta maibigay ang inyong hiling,
Wala kaming hinihingi na kapalit,
Kundi ang ngiti sa inyong mga labi,
At masabing Nanay salamat,
Sana andito ka, kasama namin.
2 Share your thoughts
"Inyong alalahanin, inuuna kayo kaysa sa amin,
Di baleng walang mabili para sa sarili,
Basta maibigay ang inyong hiling,"
Tama lahat ng iyong sinabi, dahil sa ating mga OFW, pamilya ang laging una.
Kelan ang bakasyon mo? happy weekend.
hello... hapi blogging... have a nice day! just visiting here....