Pahina

Nakakabagot
Ang pagbuklat
Ng bawat pahina
Ng aking sinulat

Ang bungad ay masaya
Puno ng pag-asa
Nakangiti
Tumatawa
Ang bawat taludtud,
Emosyong sanga-sanga,
Nangangapa
Sa takipsilim

Ang indayog ng bawat kabanata,
Sinasabayan ng musika,
Mabagal o mabilis na tempo,
Kakayanin, hindi tatakbo.

Ang tangkay ng dahon,
Nalalagas
Katulad ng kandilang
Naupos sa aksaya

Saklaw ng pahina
Ang banayad na ligaya
Ang lalim ng kirot
Ng pusong umasa

Luha'y mistulang tinta
Sa papel na hawak
Kusang dumadaloy
Sa impit na paghinga

Ang pahina ng buhay
Tuloy ang pangungusap
Iba't ibang bantas ang gagamitin
Ang tuldok ay malayo pa.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

9 Share your thoughts

"Saklaw ng pahina
Ang banayad na ligaya
Ang lalim ng kirot
Ng pusong umasa"

i just hope that thing you are reading can help you in a way para maovercome ang pain nameron sa puso mo.

see.. u can't help not to compare your life with a book... and i hope it's clear now na sa dami ng chapters ng book, ganon din kadami ang chapters na meron sa buhay natin. lahat ng kabanata ay natatapos... hindi man masaya, wala naman tayong magagawa kundi tuldukan ito...






















at sa susunod na kabanata... pwede kang muling gumawa ng mala-fairytale...

Hindi man natin alam kung ano ang nasa dulo nito, o nasa likod ng librong ito, patuloy pa rin sana tayong umasa na lahat ay may happy ending...

anong libro yan ate?
Twilight din ba?

heheehehe

Kagaya sa isang libro ate
maganda man o pangit ang kinahantungan ng istorya...
tandaan natin na ang mahalaga eh yung mga lessons na natututuhan natin habang binabagtas natin ang mga pahina nito...

^^,

@AZEL, tule nlng yan... not about my real self!hahaha!

closed n un...

@cm, tnx sa pagdalaw....

happy ending

happy ending

happy reading....

tama, sa tamang panahon my saya..

@jen, promise gnda ng twilight...im reading a new book again THE TRAVELER'S WIFE. book muna bago ko pag interesan ang movie! :))

tnx sa pagbisita!

hapi ending ang libro...mahaba man ang intro, una kong binabasa ang summary...tapos sa dulo at susunod ko ang simula...baliktad akong magbasa ng libro..he he he

huwag kang mababagot sa pagbasa ng libro kasi ito ay sadyang ginawa para mag-iwan ng aral or idea sayo..

sadyang kayganda
nang bawat umaga
kung itoy haharapin
ng may pag-asa

ang bawat buhay
ay sadyang ganyan
may sakit, luha at saya
parang pahina ng aklat mong binabasa

di ba exciting....wala lang akong masabi...ako din ate travellers wife ang binabasa ko ngaun binili ko sa ESLITE BOOKSTORE sa Hsinchu...

Ads2