Ang takdang panahon ay sumapit,
Kahit na mahirap, mata'y ipipikit,
Pangakong inilalatag at sinasambit,
Hindi na madadala o makikinig.
Balde ng luha ang nawala,
Sakit na pinadama walang kapara,
Ang panloloko sa isip hindi mawawala,
Sarili nanlumo, nanghina at dapang-dapa.
Iiwanan ang kahapon, hindi na babalikan,
Ang pagtalikod gagawin na ng tuluyan,
Iiwasan lumingon sa gitna ng laban,
Sa piling mo pipiliting kalimutan.
Ang kwento lalagyan na ng tuldok,
Libro isasara, kakalimutan ang dagok,
Muling tatayo aakyat sa tuktok,
Sa itaas ang punta hindi pabulusok.
Pipiliting mag-umpisa na masaya,
Kakalimutan ang bakas ng trahedya,
Mamahalin ang sarili ng walang nagmamanipula,
Pagkatao bubuuin ng may takot sa Kanya.
Sa pagwawakas aral ay napulot,
Sarili ingatan at 'wag ilublub,
Ipaglaban ang karapatan sa taong baluktot,
Huwag hayaang mapuwing ng alikabok.
20 Share your thoughts
ganun THE END ng bundok ba un..lolzz
lahat naman may kapusan pero hndi natin alam si lord na lang ang mag tatakda..
@ kuya lenon, the end ng buk one(nyahaha)bleeh!
tama ang Diyos lng ang magtatakda...
pagwawakas na ng delobyo at muling ibangon ang bogong delobyo....(lols)
(serious)
salamat at muli ko narinig ang isang matapang na kalimutan at wakasan ang nakaraan at sana sa pag umpisa ay masilayan mo na ang kasayahan...
ching
@kuya ching, andun ang bahaghari sa tamang panhon...
tnx a lot!
awts hindi ako naka based na disconnect kasi nawalan ako connection ngayon lang bumalik
lahat ng bagay may oras na itinakda
sana mahinog na ang oras
ng tamang panahon ay mapitas na
^_^
wakas na ba ate bhing ang laban?
sabi nga nila darating ang tamang panahon ng pagwawakas... at sa buhay mo dumating na ang paghuhukom na ito...
kaya mo yan ate... aram ko kaya mo.
ingatz pirmi :) at sana maging maogma ka sa desisyon mo. tama ka... dai mo na kaipuhan pang balikan ang natapos na libro. isara mo na an, dai mo na pag bukasan maski nuarin.
keep in touch ate ;)
@ emel, dahil late ka wla kng premyo... kundi push up!
tnx emel!
@ jee, aram ko anjn ka man sa sako pirmi, uya man ako sa saimo...anytime uya ako, pm mo lng ako...
kaya ko 2...uragon rocks db?
salamat!
go..go...go...
life must go on...
@ pogi, tama go, go, go, for the gold!
tnx!
nyahahaha..ate bhing ok yan sana makalimutan na ang nakaraan...
nanjan lng yan naghihintay..kong kailang ka pabalik pababa..nyahaha..
bugnot
nawala akong sandali...
naging busy sa madaming bagay...
nagulat naman ako pagbalik ko,
sarado na ang libro!!!
it's easier said than done ate bhing... sana nga magawa mo ang lahat ng yan para maging happy ka na ulet.
basta... kaya mo yan...
kayanin mo munang mag-isa ate... pag nakaya mo na ulit na ikaw lang... mas madali nang maging masaya ilut sa piling ng iba!
ERRATUM:
Maging masaya ***ULIT (hindi ilut!) nye!
@ rodel, salamat! db dpt paakyat ayaw ko na sa baba...
@azel, san k b galing? ang dami ko ng post n absent ka...(hahaha)madaling sabihin mahirap gawin but i will try...(dats a promise)!
tnx a lot!
huli ba? hehehe
dedicated to who?
di na ako mag comment bhing
sarilihin ko na lng .... :)
lagi k nlng huli prof?
nice, salininin nlng dw nya...dnt wori alam ko nmn sasabihin mo eh kc bulag ako...hahaha!
nabulag sa huwad na pag-ibig ng kanyang nakaraan
^_^
miss you sis!
kala ko naman kung ano na ung nagwakas..hahaha
galing naman ng tula mo kabayan... mahusay ka rin siguro sa balagtasan.
Siyanga pala, napadaan lang ako dito sa iyong paraiso, na punum-puno ng gumamela.
Salamat nga pala sa pagdalaw mo sa blogsite ko,karangalan para sa isang baguhang blogger tulad ko ang silipin at mabigyan ng pansin.