Pag-asang Pusikit



halika iduduyan kita,
sa pagsintang puno ng saya,
manalig, umasa,
sa umagang kayganda.

aakbayan kita,
gagabayan sa lahat ng pasakit,
pupunasan mukhang may pawis,
sumandal lamang sa bisig.

aabutin kita,
ilalagay sa pedastal,
hindi ka masasakal,
mga katagang sinambit.

yayakapin kita,
ibibigay pagkalingang tunay,
mamahalin, iingatan, hindi sasaktan,
ngunit lahat ng iyan wala ng saysay.

tingnan mo aking mga mata,
masasalamin, hirap ng dinadala,
unti-unti ng nauupos, napupunit,
sa mga pangakong nawaglit.

hahanapin pa ba ang susi?
kung ang puso isa ng manhid,
maglalakbay pa ba?
kung ito'y magsisilbing pasakit?

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

5 Share your thoughts

halika't babatukan kita!!! lolz!

saan mo kinuha yan ate bhing... saan mo hinugot... mabigat masyado... parang sobrang galing sa kaloob-looban mo!!!

ang buhay ay hindi pangakong kaligayahan lang... kailangan nating magbuhat ng krus... at pagdating sa dulo andun ang pangakong kasiyahan!

lakbay lng ng lakbay ate... malay mo.. malay naten... malay nya!

Gamiting aral ang iyong nakaraan sa mga darating na daraanan...malay mo ung nasa hinaharap ang magbibigay saya sa nalulumbay mong puso...

You amazes me, it was a very emtional poem, subali't...

bakit naman nawaglit
mga pangakong nyang sinambit;
pagmamahalang labis tuloy iyong itinatangis

Kung iyong mamarapatin,
sa Dyos ka manalangin;
ang pagtangis mo'y Kanyang papawiin
mga problema mo'y Kanyang papasanin.

wow..hanep ito...masyado atang malalim ang behind the scenes na pinaghuhugutan nito..

pero i like it ha...galing

keep up!

aww..tagos sa lamang loob ko ate bhing..hehehe

ang galing...
more poems entries pa!

hmm..
tagalog word po ba yung "pusikit"?
anu poh meaning nun?

Ads2