Balintataw




Noon, sa isang Nayon:

hinangaan ng madla,
sumaludo ang masa,
buong tribo, buong angkan,
pagmamahal ipinamalas sa kanya.

tagapagtanggol ng naaapi,
sandalan ng nananaghili,
huwarang ipinagmalaki,
para sa dukha isang bayani.


Sa isang sulok:


musmos na isipan,nanangis,
dinusta ang yaman ng walang kawangis,
poot at galit humahagibis,
sa dantay ng kamay na madungis.

tumakas, at nagpakalayo,
ipininid ang trahedya, itinago,
katarunangan hinanap, ngunit sumuko,
dahil binanggang pader, hindi naigupo.

Ang kasalukuyan:

isang kaluluwa, naghihingalo,
katampalasan hindi pa rin inaako,
kumakatok, kausapin daw, nagsusumamo,
dinadaing, pagpapatawad ibalato.

nag-uumapaw na sakit,
muling dinaklot, mitsa ng balakid,
aninong nagmamakaawa, ipipinid,
pikit matang ibabaon ng pusong namanhid.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

3 Share your thoughts

malalim...
malungkot...
madilim...

sugatan...
duguan...
luhaan...

nasa huli ang pagsisisi!!!

sa kasalukoyan hndi ko alam kong saan mo kinuha ang ang malalim mong tula...heheheh true to life story ba yan hehehe ..

Life is beautiful, try to stop and smell the flowers.

I really love the way you write your poems, madamdamin.

Ads2