PALAISIPAN


Bakit 'di ko mawari ang aking damdamin?
Laging balisa, tuliro, nangangapa sa dilim,
Sa rurok ng puso kalungkutan masasalamin,
Hanggang kailan kapaitan dadalhin?

Bakit inaasam mahirap abutin?
Bakit kailangan gabundok na hirap danasin?
Bakit maging mga tanikala dapat pasananin?
Bakit 'di masumpungan, magandang adhikain?

Bakit may mahirap at mayaman?
Bakit hindi nalang pantay-pantay?
Bakit may kasamaan at kabutihan?
Bakit 'di nalng lahat magandang bagay?

Bakit ang tao puro kalituhan?
Bakit maraming tanong kaysa sa kasagutan?
Bakit madaling takasan ang kasalanan,
Ngunit bakit mahhirap harapin ang katotohanan?

Bakit pati gobyerno nasa alangan?
Bakit hindi maproteksyunan ang mamamayan?
Bakit samut saring prinsipyo pinangangalandakan?
Bakit ang tao din nadadaya ng kanilang karunungan?

Bakit mundo'y puno ng kaguluhan?
Bakit talamak ang kriminalidad kahit saan?
Bakit kahit sa loob ng tahanan & simabahan?
Bakit makikita kamatayan ng sangkatauhan?

Bakit ngayon katarungan kay hirap makamtan?
Bakit salapi, tao naging gahaman?
Bakit pati katotohanan pilit na tinatabunan?

Bakit pinalitan ng maskarang walang katiyakan?

Sino ba ang dapat panigan sa nag-aalitan?
Gobyerno ba o sagradong Simbahan?
Matatas o mababang kapulungan?
Si Erap ba o ang katotohanan?
Published in The Migrant (Kabayan Section)

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

Ads2