Kaya ko pa ba? tanong sa akin isang umaga?
Pagsubok na nakapasan tiyak nahihirapan ka,
Sa harap ng publiko pagkatao mo kumpiyansa,
Ngunit alam kong kalayaan gusto mong madama.
Kaibigan, mahal mo ang iyong sarili higit sa iba,
Balansihing maigi, pagmamahal at pagtitiwala,
Matutong umayaw sa udyok ng awa,
Paninindigan pairalin, puso ipahinga.
Takbo ng buhay, pabago-bago, paiba-iba,
Tulad ng tao pangako nawawala,
Sa masayang araw sila ay kasama,
Ngunit pagdating ng unos namalayan mong ika'y nag-iisa.
Katulad mo isang nagnining na tala,
Maraming gustong tumuklas at kumuha,
Kaya sarili ingatan 'wag itaya,
Sa pagkakataon alam mong ika'y luluha.
Nadurog man ang iyong pagkatao,
Muling balikan at buuin ito,
Humanap ng magandang oras para dito,
Tiyak kong makakalakad ka sa dati mong gusto.
Kaway ng takot alisin 'wag ng manghina,
Patatagin ang sarili manalig sa may Lumikha,
Maimpluwensyang kasama 'wag kang maniwala,
Dahil ikaw ang nakakalam alin ang tama.
Napadpad ka man sa lawa ng pagkalito,
Makasalanang relasyon minsan tawag dito,
Huwag mong isipin nag-iisa ka sa mundo,
Laging may handang dumamay magbibigay saklolo.
Lahat tayo nadadapa, nagkakasala,
Mapanuring mata, mga taong mapanghusga,
Huwag pansinin kanilang pag aalipusta,
Tumayo & lumaban ka sa sarili mong mga paa.
Himig panghihinayang itapon ito,
Kaba at agam-agam itapon ito,
Muling papasukin pag-asa galing kay Hesukristo,
Lakas ibibigay , liliwanag muli ang iyong mundo.
for emel alovera of Private Closet