Isang Pasasalamat

Hindi ko alam saan ako mag-uumpisa para ihayag ang aking nararamdaman. Ang aking entry sa PEBA ay isang paglalakbay para mahanap ang aking pagkatao at mabuo ang pira-pirasong pangarap. Pangarap na nabigyan ng katuparan sa pamamagitan ng pamilyang tumanggap at nagmamahal sa akin, ito ang Chien at Tsai family. They've been my pillar of strenght everytime the waves of uncertainties get into my senses.

Nakikipagbuno ako sa homesick at pagkabalisa. Ang Gumamela Sa Paraiso ay naging himlayan ng pagal kung kaluluwa. Sarili kung mundo para maibuhos ang tunay kung nararamdaman. Hindi ako natatakot sabihin ang aking pagkabigo, isulat ang mga pagkakamali at ilabas ang totoong nararamdaman. Ito rin ang naging daan ko para makita ang taong sumusuporta sa akin.

May nagtanong sa akin, ANO ANG MAKUKUHA MO SA PAGSALI SA PEBA? BAKIT BUKAMBIBIG MO ANG PEBA? MAY PERA BA SA PEBA? mga tanong na nakakainis sagutin ngunit bilang isang OFW kailangan kung ipaliwanag sa abot ng aking nalalaman at kakayahan. Nakakainsulto lang minsan dahil parang ang tingin ng ilan sumali ako para sa pera/para sa pansariling karangalan ang hindi nila alam ang PEBA ang naging tulay upang mas lalo kung isa-alang alang ang tungkulin ko bilang isang anak at isang OFW. Sa papanong paraaan? Na inspired ako sa kanilang adhikain, milya man ang pagitan nga mga volunteers pero hindi hadlang upang maisagawa ang pakikipagkapwa. Human brotherhood in spite of all the hardship. Isa sa hinahangaan kung bloggero ay si Kuya George. Hanga ako sa kanyang mga pananaw. Naging salamin ko para pangalagaan ng husto kung anong meron ako.

Maraming maraming salamat PEBA. Salamat sa mga kaibigan na nag iwan ng komento at nagbasa, sa mga judges at higit sa lahat sa bumubuo ng PEBA from volunteers and officers. Mula sa aking puso tatanawin kong malaking utang na loob ang pagpupugay na inyong inabot sa akin. Magigi ko itong sandata sa oras na nanlulumo ako at nawawalan ng pag-asa na sa kabila ng lahat ng pahihinagpis may grupo/taong naniniwala sa aking kakayahan.

Nakuha ko ang 7th Place in OFW division
The Regalado-Vitanzo family

In spite of their busy schedule, they managed to gave a spare room for the event because they knew it means something for me. (Kuya Reinnie, Ate Rosalie and Nina)


Inside the Teatrino, awaiting for the program. (until now i'm still in cloud nine, it never sink it yet that they attended the event). By the way they're not my real family, ate is my boyfriend eldest sister. (hopefully soon, she will be my sister in law)

with Mr. Felix Jigs Segs


With the PEBA president Mr. Nereus Jethro Abad

With Ms. Susan Ople (daughter of Sen. Blas Ople)


"We are proud of you" mga katagang nagbibigay ng assurance sa akin na sa kabila ng aking kahinaan andiyan sila para ipadama sa akin ang totoong pagkalinga. PEBA is indeed for family. I became more closer to my bf's family because of the event. The wall that i thought was there didn't exist at all. Thank you!

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

1 Share your thoughts :

Congratulations ulit. By the way, pwede ba tayong mag-exchange link? Ang website ko ay http://baulninoel.blogspot.com

God bless.

Ads2