Showing posts with label My Pride and Honor. Show all posts
Showing posts with label My Pride and Honor. Show all posts



Halos siyam na taon na ang lumipas ng magdesisyon akong lisanin ang bansang sinilangan. Madaming pangamba sa aking puso at ang aking isipan ay nababalot ng takot na hindi ko malimi ang mga sagot. Makakaya ko kaya? Dalawang taon na kontrata, maiibsan ko ba ang pangungulila sa aking mga mahal sa buhay? Magugustuhan ba ako ng pasyenteng aking aalagaan? Urong-sulong ang isip ko noon, aatras ngunit may tumutulak paabante. Paano ang pangarap ko sa aking kapatid at mga pamangkin?


Nang lumuwas ako ng Pilipinas halos isa lang ang nakatanim sa aking isip, para sa pag-aaral nila, para sa edukasyon na magiging sandata nila pagdating ng panahon. Halos wala akong personal na minimithi sa pagbabakasali ko sa ibang bayan. Nasa top of my list ang PAMILYA. Gusto kong wag na nilang danasin ang tinahak ko para lang makapagtapos ng pag-aaral, gusto kong sarili nilang dugo ang tataguyod at tatawid sa kanila para makamtan ang diploma. Walang bahid na pagmamayabang 3 kolehiyo ang napagtapos ko sa loob ng halos siyam na taon ko bilang OFW. Marahil madaming nagtatanong kapatid at mga pamangkin ko lang naman sila pero bakit ako ang nagdala. Madaming nagsasabi kalabisan ang akuin ko ang tungkulin na dapat ginawa ng aking mga nakakatandang kapatid ngunit sa kaibuturan ng aking puso ginawa ko ang nagbigay sa akin ng fulfillment. Dito ako sumaya at sa kanila ko naramdaman ang worth ko bilang tao.


Sa susunod na buwan ako'y magbabalik na sa sariling bayan na baon ang mga magagandang ala-ala buhat sa bansang Taiwan. Dadalhin ko kabaitan ni Yiyeh at ng kanyang pamilya. Niyapos nila ako ng buong pagmamahal at pagtanggap bilang kapamilya. Ang istorya kung gaano nila ako nilingap "PAGSASALAMIN NG SALITANG PAMILYA" ay aking entry last year sa Pinoy Expats/OFW Blog Awards o PEBA 2010. Nakuha ko ang 7th place. Marahil isa ako sa mapalad dahil natagpuan ko ang kagaya ng Chien Family na handang dumamay sa struggles ko hindi lang sa emosyon pati na sa financial difficulties na kinaharap ko. Hindi sila nagkait ng tulong sa akin at binuksan nila ang pinto tungo sa ikagiginhawa ng aming buhay. Lagi nilang sinasabi sa akin, hindi ko kailangan ipagsabi kung anu ang ginagawa nila dahil i am part of their family. Sa kabila ng mga naglalabasan na di magandang karanasa bilang OFW, babalik ako sa Pilipinas bitbit ang tagumpay ng aking pakikibaka sa ibang bayan.


Sa pagtatapos ng aking kontrata, isang pinto pa rin ang magbubukas dahil ang papalit sa akin ay ang bunso kung kapatid. Ang pinag-aral ko ng BSND. Siya ay tinutulungan nila Yiyeh na makapunta ng Taiwan at nangakong bibigyan ng maayos na trabaho sa Canada kapag nakuha na niya ang required experience. Mula't simula, umalalay sila sa akin. Sa aking paglisan ngayon ito'y magiging pansamantala lamang. Kapag natapos ko na ang kursong pinapakuha nila sa akin, babalik at babalik pa rin ako dito kahit hindi na bilang worker kundi magbabakasyon ako para dalawin si Yiyeh.


Ang post na ito ay bilang supporta sa PEBA 2011. Para sa akin ang PEBA ay isa sa talagang nagpatibay sa akin bilang isang bloggero. Sa grupong ito naramdaman ko rin ang totoong suporta ng taong aking nirerespeto, binigay nila sa akin ang pagtanggap na walang paghuhusga sa aking buhay bagkus ginabayan nila ako sa pagtayo sa aking pagkadapa. Hindi ko lang sila kagrupo kundi mga totoong kaibigan. Sa pagiging aktibo ko rin dito sa bloggero madaming bagay ang aking natanggap, dito ko nalinang ang kakayahan ko gumawa ng tula at patuloy na maibahagi ang mga aral na aking natutunan.


Muli ninyo kaming samahan sa ikaapat na taon ng pagtaguyod sa ambag ng OFW at pagkilala sa mga sumusuporta dito. Sama-sama po tayong abutin at gawin ang ikaaangat ng mga OFW saan man panig ng mundo. Ipakita natin na kaya natin ito. Milya man ang ating nilakbay, darating ang araw tayo'y magbabalik sa tinubuang bayan hatid ay saya at magandang bukas para sa ating minamahal.

Please visit and like the PEBA and Kablogs FB page bilang inyong suporta. Maraming salamat po!

Read More »

Last March 6, 2011 I’m privileged enough to had a chance in meeting the former President Fidel V. Ramos together with the delegation coming from the Philippines. I was invited personally by Ms. Marie Yang the former President of FilCom and currently the Secretary General. The venue was held in Ugnayan Center Cosmos Hotel. The program started at 2pm ‘till 4:30pm. All MECO officials were there too, headed by Ambassador Antonio Basilio, Atty Serg Eulogio (Assistant Director to Nationals), Atty. Carlo Aquino (Deputy Representative), Mr. Rey Confirido ( DOLE), and Mr. Jose Capa (OWWA Welfare Officer)
Samahang Makata International with from L-R Atty Serg Eulogio, Ms. Marie Yang, Ambassador Antonio Basilio, former Pres. FVR, Mrs. Ming Ramos, and Atty. Carlo Aquino


Bicol Association in Taiwan (BAIT)

The program begins with the opening prayer by priest from Holy Family Church, national anthem lead by MECO officer, opening remarks from Ambassador Antonio Basilio. Former Pres. FVR speech lasted almost an hour, great speech with a commanding voice and witty remarks in between. He tackled the friendship between Philippines and Taiwan way back then, when the Philippines still lives in prosperity. He also mentioned about his father which happens to be the first Ambassador to Taiwan.

with Mrs. Ming Ramos He focused on how the OFW play a big role in the economy, his concerns on how the present government should handle the sensitive issue especially now that there is the wall between Taiwan and the Philippines. He suggested for us to maintain the decency and resilient towards the matter to avoid more harm. He also admits that the ones who suffer most are the OFW’s who just wanted to earn a living in a decent way. Because of his status as a private citizen, he can’t demand anything from both parties but he is willing to suggest a dialogue and give a report to the Malacanang. He reiterates that he came to Taiwan for a Ramos friendly golf Cup not as emissary of our government. After his series of talks to the private sector, he reassured us that 90% of companies and employers want the service of Filipino workers because of our nature of being resourceful and career oriented.
the unexpecte guest Macoy Fundales (lead vocalist of Orange and Lemon Band) What I really admired him was the reminder he said “ As OFW, all of you has a responsibilities to make your country proud. All of you serve as an ambassador of goodwill by our country” He told us to behave accordingly and do best to fellow OFW, and love our family back home even though distance separates from our love ones he mentioned the word COMMITMENT and FAITHFULNESS. He said we are here for our family not only for ourselves, we should save a penny for the future needs so that when we decided to go home we are our own boss.


with the former Pres of FilCom in Taiwan, Marie Yang and Myrna officer of OFW Family Club

with Ambassador Antonio Basilio Macoy Fundales was the unexpected guest. He sung Pinoy Ako with the amusement of the audience. Open forum follows. Most of the questions were about the temporary freeze of OFW and the added requirements of TECO. But according to Ambassador Basilio, things will be back to normal. He said the talks are still underway. Instead of being pessimist let’s be hopeful that everything will be solve as soon as possible. The bulk of audience who attended the event were satisfied. We left the place very proud to be Filipino. Today, while I am writing this article, I read from The China Post that former Sen. Manuel Roxas will come back on March 13 to 14 to further discuss the stand of our government and we are hoping for positive development.
Read More »

Hindi ko alam saan ako mag-uumpisa para ihayag ang aking nararamdaman. Ang aking entry sa PEBA ay isang paglalakbay para mahanap ang aking pagkatao at mabuo ang pira-pirasong pangarap. Pangarap na nabigyan ng katuparan sa pamamagitan ng pamilyang tumanggap at nagmamahal sa akin, ito ang Chien at Tsai family. They've been my pillar of strenght everytime the waves of uncertainties get into my senses.

Nakikipagbuno ako sa homesick at pagkabalisa. Ang Gumamela Sa Paraiso ay naging himlayan ng pagal kung kaluluwa. Sarili kung mundo para maibuhos ang tunay kung nararamdaman. Hindi ako natatakot sabihin ang aking pagkabigo, isulat ang mga pagkakamali at ilabas ang totoong nararamdaman. Ito rin ang naging daan ko para makita ang taong sumusuporta sa akin.

May nagtanong sa akin, ANO ANG MAKUKUHA MO SA PAGSALI SA PEBA? BAKIT BUKAMBIBIG MO ANG PEBA? MAY PERA BA SA PEBA? mga tanong na nakakainis sagutin ngunit bilang isang OFW kailangan kung ipaliwanag sa abot ng aking nalalaman at kakayahan. Nakakainsulto lang minsan dahil parang ang tingin ng ilan sumali ako para sa pera/para sa pansariling karangalan ang hindi nila alam ang PEBA ang naging tulay upang mas lalo kung isa-alang alang ang tungkulin ko bilang isang anak at isang OFW. Sa papanong paraaan? Na inspired ako sa kanilang adhikain, milya man ang pagitan nga mga volunteers pero hindi hadlang upang maisagawa ang pakikipagkapwa. Human brotherhood in spite of all the hardship. Isa sa hinahangaan kung bloggero ay si Kuya George. Hanga ako sa kanyang mga pananaw. Naging salamin ko para pangalagaan ng husto kung anong meron ako.

Maraming maraming salamat PEBA. Salamat sa mga kaibigan na nag iwan ng komento at nagbasa, sa mga judges at higit sa lahat sa bumubuo ng PEBA from volunteers and officers. Mula sa aking puso tatanawin kong malaking utang na loob ang pagpupugay na inyong inabot sa akin. Magigi ko itong sandata sa oras na nanlulumo ako at nawawalan ng pag-asa na sa kabila ng lahat ng pahihinagpis may grupo/taong naniniwala sa aking kakayahan.

Nakuha ko ang 7th Place in OFW division
The Regalado-Vitanzo family

In spite of their busy schedule, they managed to gave a spare room for the event because they knew it means something for me. (Kuya Reinnie, Ate Rosalie and Nina)


Inside the Teatrino, awaiting for the program. (until now i'm still in cloud nine, it never sink it yet that they attended the event). By the way they're not my real family, ate is my boyfriend eldest sister. (hopefully soon, she will be my sister in law)

with Mr. Felix Jigs Segs


With the PEBA president Mr. Nereus Jethro Abad

With Ms. Susan Ople (daughter of Sen. Blas Ople)


"We are proud of you" mga katagang nagbibigay ng assurance sa akin na sa kabila ng aking kahinaan andiyan sila para ipadama sa akin ang totoong pagkalinga. PEBA is indeed for family. I became more closer to my bf's family because of the event. The wall that i thought was there didn't exist at all. Thank you!
Read More »


Isa akong OFW dito sa bansang Taiwan. Manggagawang nangangarap na maibigay ang maalwan na buhay para sa pamilya. Ang iwanan ang buhay na aking nakagisnan ay isang napakalaking hamon na sa simula puro agam-agam, takot at pagkabalisa ang pumuno sa aking kamalayan. Mahirap isantabi ang prinsipyong sa simula ay akin ng ipinaglalaban ito ang pagsilbihan ang bansang sinilangan. Isa akong kabataan noon na kalye ang kinasama at welga ang laging sinisigaw upang kalampagin ang mga nakaupo sa pwesto. Kalsada ang pansamantala kong naging tirahan."Makibaka, huwag matakot, huwag paapi sa dayuhan at huwag maging dayuhan sa sariling bayan" Subalit sa aking pagbabalik tanaw ito ako nasa ibang bayan, nagsisilbi sa banyaga at aminin ko sa hindi may kirot sa aking puso na hindi ko nagawang pangatawan ang ideolohiyang aking ginawang sandata sa lahat ng unos sa aking dinaanan. Nasaan na ang aking pagiging makabayan?

"Strengthening the OFW Families: Stronger Homes for a Stronger Nation." Ito ang tema ng PEBA ngayong taon. Isang napapanahong usapin na magbibigay ng masusing pagsusuri sa kung ano ang importante sa atin bilang OFW, anong mga naiambag natin sa ating kumunidad at ano na ang antas ng ating pagkatao hindi lang sa materyal na bagay bagkus sa larangan ng pakikipagkapwa. Ito rin ang magiging salamin upang mapag-aralan nating ang diwa at totoong kahulugan ng pamilya. Kung paano nating pangangalagaan ang pundasyon upang maging lakas ng ating bansa.

Sa pagluwas ng bansa, baon ko ang maletang puno ng pag-asa. Pag-asang nabibigay ng lakas at inspirasyon upang suungin ang pagpapalaot sa walang katiyakan na pakikipagsapalaran. Isang maletang andun ang lahat ng personal kung gamit sa literal na salita ngunit higit doon ang nakapaloob sa kailaliman ng aking puso. Andoon ang tibay ng loob, determinasyon at pangakong uuwi akong may nangyaring maganda sa aking pamilya. Sa bawat araw na dumaraan, pagkahungkag sa bagal ng takbo ng orasan, pagkabagot sa routine ng trabaho at pangungulila sa pamilya ay isa lamang sa pinakamahirap labanan. Sa tulad kong walang day-off, telepono at sulat ang isang napakalaking linya para mabawasan ang aking pangungulila at maramdaman kong hindi ako nag-iisa.

Saan ba ang sukatan ng salitang pamilya? Paano ang kategorya para masabing pamilya dahil ba sa dugong nagdudugtong o sa pinagsamahang puno ng pagmamahal at pagpapahalaga bilang tao. Madaming nagsasabi alipin kami sa ibang bayan, utusan at katulong ngunit sa bawat pangit na pinagdaanan ng iba may nakaramdam ng totoong pagtrato bilang tunay na kapamilya. Isa ako sa napakaswerteng "katulong" na nakuha ang ni minsan hindi ko pinangarap na pagtrato ng pasyenteng aking inaalagaan. Naramdaman ko ang respeto bilang tao, respeto sa aking paniniwala, pagpapahalaga sa aking mga karapatan at pagturing na walang bahid na discriminasyon. Natagpuan ko ang salitang "equality" at "fairness". Ang hindi ko paglabas tuwing Linggo ay sarili kung desisyon dahil gusto kung mapunan ang kaibaitan nila sa akin.

Sabi ng iba paano ko mararamdaman ang tunay na salitang pamilya kung ako mismo ay walang asawa at anak? Paano nga ba? Wala ng hihigit pa sa responsibilidad ang magdala ng buong pamilya. Hindi lang anak at asawa ang bumuo ng sinasabi kong pamilya. Kasama sa laban ko bilang OFW ang mga kapatid, mga pamangkin, kamag-anak, kaibigan at magulang. Anu ang naiambag ko sa tema ng PEBA? Isa ako sa nagsikap upang lahat sila maigapang sa pag-aaral. Ang bunso kung kapatid nakapagtapos ng BSND, panganay na pamangkin BSOA, sumunod computer tech, at ngayon may pinapag aral ako sa kolehiyo information technology. May isa din akong high school na sinusuportahan (hindi ko kadugo) ngunit nakita ko ang pagpupursige niya na makapagtapos. Next year magkokoliheyo na rin. Naniniwala akong kahit nasa malayo ako, nagagampanan ko ang responsibilidad ko sa pagtatayod upang maging matatag ang aming pamilya. Hindi ko nakakalimutang tumawag at kumustahin ang kalagayan nila mula sa aking magulang, kapatid hanggang pamangkin. Isa ako sa nagbubuklod sa kanila. Ang pagigi kung OFW ang nagsisilbing tulay upang lahat sila ay magpunyagi sa hamon sa buhay.

Kapalit ng nagawa ko, andito pa rin sa aking puso ang mga panghihinayang. Tama, naibibigay ko sa kanila ang mga pangangailangan subalit maraming okasyon na wala ako sa piling nila. Mga oras na wala ako sa tabi nila lalo na sa panahong may nagkakasakit. Maraming hikbi ni Mama ang aking naririnig dahil sa mga importanteng salo-salong wala ang aking presensiya. Hindi ko rin kayang ibalik ang walong taon na hindi ko sila nakasama. Ito na siguro ang pinakamahirap na parte ng pagiging OFW, minsan pag-uwi hindi na ako kilala ng aking pamangkin. Kahit sabihin kong ako ang tita nila, sa musmos nilang isipan nagtatanong rin, bakit hindi nila ako nakikita. Hindi pa nila maiintindihan ang salitang kaya ako nasa ibang bansa para sa kanila dahil sa mura nilang pag-iisip ang pag-aaruga at pagkalinga ang dadalhin nila paglaki. Ito ang nararamdaman ko ngunit paano pa kaya ang mga nanay na nawala'y ng mas maaga sa kanilang anak? Paano pa ang mga tatay na malayo sa piling ni bunso at ang haligi sana ng tahanan humihikbi sa apat na sulok ng kwarto dahil nasa malayo.

Kaakibat ng pagiging OFW ang pagsasakripisyo at malaking responsibilidad na gawin sa abot ng makakaya na maging matatag ang pamilya kahit na milya ang pagitan. Hindi sapat ang salaping pinapadala para mapunan pangungulila ng bawat isa. Oras ang kailangan nila. Atensyon sa kanilang mga hinaing, tatay na makikinig, nanay na masasabihan ng lahat at kapatid na makikipagbiruan. Anu't anuman magiging matibay lamang ang pamilya ng isang OFW sa pakikiisa ng bawat miyembro. Lahat may ambag, lahat kailangan magsakripisyo. Magiging lakas ng bansa sa pamamagitan ng sama-samang pagpupunyagi at pagsasagawa ng magandang asal. Ang kagandahang asal na natutunan sa loob ng tahanan ang magiging susi para sa ikatatatag ng ating bansa. Ang pakikiisa sa magandang layunin ng pamahalaan at pagiging parte ng adhikain ng bayan.


Ito ang pamilya ko sa Pilipinas. (kuha ito sa unang balik ko sa Pilipinas) Iniingatan ko ito, nakalagay sa gilid ng aking kama. Sa panahong nangungulila ako, nawawalan ng pag-asa ang larawan na ito ang pabibigay sa akin ng inspirasyon para mas lalo kung pagbutihan ang aking trabaho, na mas lalo ko iparamdam sa pasyente ang pagmamahal at pagkalinga na hindi ko magawa sa sarili kong Inay.



Ito ang pamilya ko dito sa Taiwan. Sandalan ko sa oras na ako'y nalilito. Tagasalo ng problema sa pinansyal at karamay ko sa tuwing nanghihina ako. Mag-isa lang si Yiyi sa Taiwan. Ang mga anak nya ay naninirahan na sa ibang bansa. Once a year lang sila umuuwi.


Ganito niya ako kamahal, ganito niya rin ako pahalagahan. Walang araw na hindi niya ako napapatawa at hindi siya mahirap pakibagayan. Mahilig siya magbigay ng mga bagay, unexpected gifts and praises. (hindi ko na sasabihin kung ano iyon, sa kadahilanang ayaw niya na isulat ko kung anu ang naitulong nya sa akin)



Ito ang larawan na nagkukumbinsi sa akin kung gaano siya kasaya na ako ang nag-aalaga sa kanya. By the way, iyong asawa niya ang una kong pasyente. Limang taon kong inalagaan. Hindi ko alam hanggang kailan siya magtatagal sa kadahilanang may kanser siya ngunit araw araw pinaparamdam ko sa kanya na hindi siya nag-iisa. Mahirap mag-alaga ng cancer patient lalo na kapag panahon ng chemo therapy. Isang madugong gabi at dinudurog ang aking puso kapag nakikita ko siyang nahihirapan. Ako rin ang nagsuggest sa family niya na on hold muna ang pagchemo. Enjoy na lang ang natitirang panahon nya dito. Ngayon, lagi kaming nasa labas, gumagala, pumupunta sa gusto niyang lugar at kumakain ng paborito niya. Walang iniisip na sakit kundi ang masayang pagkakataon.

" Gemma, i will die happily because i live my life and shared the remaining years with you. You showered me loved and cared that my own family can't " (mananatili ito sa aking puso). Hindi ko na rin ipinagdarasal na habaan pa ang kanyang buhay, ang lagi ko lang hinihingi kunin siya sa tahimik na pamamaraan.

Read More »

REFLECTIONS
(by: GEMMA G. COMISO)
Taipei, Taiwan


Hindi ako dalawin ng antok. Sa kalaliman ng gabi, naglalakbay ang aking diwa. Samut-saring pangyayari ang naglalaro sa aking imahinasyon. Kanina, nabasa ko sa pahayagan na may Essay Writing Contest ang Pinoy Express. Sasali ba ako sa paghahangad na manalo o bukal sa puso kong ihahayag ang pakikibaka ko bilang isang OFW? Huhubarin ko ba ang maskarang humihila sa akin sa kumunoy ng pagkukunwari? Madaming agam-agam at pag-aatubili subalit may maliit na tinig na tuluyang pumukaw sa aking kamalayan. Gusto kong balewalain at isantabi subalit sa pagdapyo ng malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa bintana, nagpagunita sa akin na ilang araw lang at Kapaskuhan na.

Deep in the night, my mind was on overdrive mode. Earlier in the day, I read a newspaper announcement concerning Pinoy Express essay writing contest. I had thought of joining the competition but what were my motives? Was i after the prize or the oppurtunity to share my personal struggle with my fellow migrants? Did i have the guts to take off my mask and reveal my true self? I was filled with doubt & uncertainty. A small voice however was insistently telling me to do it. I felt the cold night caressing my face. It's nearly Christmas.

Ang pasko sa Taiwan ay pagsasalamin sa iba't-ibang hamon sa buhay, pakikibakang hindi natutuldukan bagkus lalong sumasangang pakikipagsapalaran. Nasanay akong ipinagdiriwang ang Pasko sa piling ng aking mga mahal sa buhay--- magulang, kamag-anak & kaibigan. Kahit gaano kahirap ang buhay sa atin sa araw na ito buong pagmamahal na pinagsasaluhan ang handa na nakayanan. Sa musmos kong isipan, nakakaakit ang pagiging buo ng aming pamilya. Tila ba sa araw na ito lahat nagsasaya. Naririnig ko ang mga halakhak, awitan, tunog ng kampana, mga paputok, ingay ng kwitis at nakikita ko ang mga ngiti sa labi ng mga batang lansangan. Natatalos ko sa kanila ang walang hanggang kasiyahan.

To Migrants like me, Christmas in Taiwan is just another string of many. I was used to celebrating the holidays sorrounded by my loved one--- parents, relatives & friends. Despite of our finacial difficulties, we still managed to have a Christmas feast. You could hear Christmas in the air. The ring of laughter, music being played in the radio,bells ringing, firecrackers exploding. There was a smile in everyone's face.

Pansamantalang kinakalimutan ang hidwaan, pagkakaiba at samaan ng loob. Napapiyak ako sa tuwing naaalala ko kung paano ko pinahahalagahan ang kapanganakan ni Hesus & kung gaano kasimple ang pananaw ko. Habang tumatagal kinain na ako ng paghahangad at ambisyong magkaroon ng magandang buhay. Wala na sa isip ko ang payak & may dignidad na pamumuhay. Natuto na akong lakaran ang landas na hindi naaayon sa turo ng Simbahan at benalewala di lang ang kahalagahan ng Pasko pati na rin ang tunay na pakikipagkapwa tao. Pinagtitibay ako ng pagsubok ngunit mahirap aminin na ibinabaon din ako ng pansarili kong interes. Pikit mata kong ipinagwalang bahala ang kagandahang asal & daing ng kapwa. Maligaya nga ba ako? O sadyang nakikipaglaro lang sa agos ng panahon?

I could not help but cry whenever I remember the Christmas of my youth. Life was simpler then, Jesus was the focal point of the season. As I grow older, I changed. I grew selfish ang I got caught in my own needs ang desires. I was not content with my life. I wanted more. I veered away from the teachings of the church and threw aside not just Christmas but Christian values. I shunned my neighbors ang turned the deaf ear to their cries. Am i happy? Or am i simply coasting along?

Sa aking pagbabalik tanaw, marami akong nadiskubre. Mga nakaligtaan kong gawin, maling desisyon, at kung paano ko inapura ang bawat pahina ng aking buhay. Bigla akong nagulantang sa malakas na buhos ng ulan at sumagi sa aking isipan kung ano ang hirap na pinagdaanan ni Joseph & Maria at ang hiwaga kung bakit si Hesus ipinanganak sa sabsaban. Tiniis nila lahat, nagpakaaba samantalang ako, gusto ko laging nasa taas. Nahihiya akong angkinin at matawag na anak Niya. Hindi ko naisakatuparan ang totoong diwa ng Pasko.

Looking back at all things that I have done, I come to realized that I have messed up with my life. Wrong decisions, missed oppurtunities. I was rushing through life that I missed out on the things that were truly important. The rain woke me from my reverie. Thats's when I remembered Joseph & Mary and the baby thatwho was born in the manger. They were humble of heart & spirit. Me? I always wanted to be number one, to be ahead of the pack. I felt ashemed, I have no right to called as His daugther for I have failed Him. I have never lived the true meaning of Christmas.

The joy of giving. Have I ever given something without waiting for anything in return? How about those peolpe who are in deathbeds? Have I ever uttered a prayer for them while i was having fun in the dancefloor? When a fellow migrant sought financial help, did I lend a money without charging any interest?
Forgiveness. Have I forgiven those who have wrong me? Am I willing to give someone a second chance? Or i am too busy cooking up vicious schemes that would hurt those who have hurt me? Have I ever swallowed my pride?

Pagmamahal. Nagmahal na ba ako ng walang sini-sino, walang inuuri? Ipinadama ko na ba ang busilak na pang-unawa & pag aaruga sa pasyenteng inaalagaan ko? May katapatan ba ako sa aking amo & aking trabaho? Inisip ko na ba na ang kaakiabat ng pagmamahal ay sakripisyo at pagpaparaya? Nagawa ko na bang mahalin ang sarili na may respeto at pagpapahalaga sa dignidad ko? Ipinadama ko na ba ang pagmamahal at paggalang sa magulang ng hindi nagdadabog o kaya'y nagmamarunong?

Love. Do i choose the people whom I think are deserving for my attention & love? Or I am too busy judging people? Have i really felt true compassion for my patient? Or i consider it as just a chore, a paycheck? Am i fulfilling my duties to the best of my ability? Have I ever love myself? Do I value my dignity as a person? Have I been a good daughter? Or have i become too proud that I treat them with derision?
Mag-uumaga na pala. Sa aking pagmumunimuni, ang dami kong natututnan. Nakakahiya pala ako. Lagi ko na lang nakikita ang mali ng iba, mga kapintasan at kahinaan nila. Nakalimutan ko na ako din ay may sariling hangganan. Marami akong pagkukulang sa aking magulang, kapatid, kaibigan at Inang Bayan. Nawa'y sa pagsikat ng umaga, matuto akong tumanaw ng utang na loob at makipagkapwa tao.

Nagpapasalamat ako sa Pinoy express dahil sa pakulo ninyo natauhan ako.Sinalamin ko ang aking pagkatao.Totoo nga siguro ang kasabihang hindi natin alam kong kailan & saan tayo magigising sa katotohanan. Sa magandang serbisyo & accomodating na staff salamat. Malayo man tayo sa ating pamilya kung may gumagabay sa atin smaliit mn o malaking paraan makakatulong ito upang maibsan ang bigat ng dinadala. Sa Kapaskuhang ito pagsisikapan kong maisagawa ang diwa nito.


It's nearly dawn. I have learned so musch about myself in those last few hours. I ought to be ashamed of myself. I am quick to point out the shortcomings ang weaknesses of other people & i judge them at the drop of a hat. I have been blin to my own faults. I am the one ought tto be judged. I have failed my parents, siblings, friends & country. I pray that as the sun rises on the horizon, I would rediscover & rekindle the spirit of Christmas within me. Thank you Pinoy Express for launching this contest. This is my wake up-call.


Honorable mention in Pinoy Essay Writing Contest 2006 (Taipei, Taiwan)
Published in Taiwan News (Kabayan Section)
Photo grabbed from google
Read More »



Kahapon may nagpadala ng mensahe sa akin sa YM, tinatanong niya ako kung nakuha ko na daw ang badge. Hindi ko maintindihan ang sinasbai niya kasi una hindi ako aware na makakatanggap ako o mapapasali sa mga mapipili nila. Ang daming deserving na matagal na sa blogshere pero sobra akong natuwa na napasama ako.

Una, matagal kung binasa ang mga nanalo & saang kategorya sila napabilang, iyong iba hindi ko kilala kaya minarapat kung bisitahin ang kanilang pahina. Maraming beses ko pinag-isipan ang nakuha ko INSPIRING BLOG...Dinala ako sa malalim kung pag-iisip ito ba ay isang sign na galing sa KANYA o sadyang nagkataon lamang? Sa hirap ng pinagdadaanan ko naisip ko ng huminto magsulat o mag blog. Kaya napatanong ako sa sarili ko sa dami ng pwedeng mapunta sa akin na kategorya bakit sa INSPIRING BLOG PA.

Ang totoo minsan pag nag-iisa ako masyado na akong pinanghihinaan ng loob. Maraming kawing-kawing na katanungan sa aking isipan na patuloy kung hinahanapan ng sagot. Kaya noon makita ko ang award, sobra akong natouched. Sa kabila pala ng mga nangyayari may magandang bagay pa akong dapat ng ipagpunyagi dahil may mga taong naniniwala pa rin sa aking kakayahan. May mga taong handang magpasaya sa akin at bigyan ng katuturan ang munting bagay na naiaambag ko sa blogsphere.

Ako ang nainspire nyo, ako ang nabigyan nyo ng pag-asa na ituloy ang nasimulan. Aking hahawakan ng mahigpit ang lakas na inyong binigay at patuloy na pagbubutihan ang pagsusulat. Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng KABLOGS. Isa kayo sa magsisilbing inspirason ko para ipagpatuloy at mas lalo pang pag-igihan ang pagsusulat. Tinatanaw kung malaking karangalan ang mapabilang sa ganitong klase ng patimpalak.

Mabuhay tayong lahat!
Read More »

Ads2