Dinalaw muli ako ng pagkabagabag, at madaming tanong na sumanga pa rin ng ibang katanungan.
Habang binabaybay ko ang daan kaninang umaga, nakita ko ang larawang ito, mag-ama, nakatira sa kalsada, walang sariling tirahan. Sumagi sa isip ko, paano kaya sila natutulog sa malamig na gabi o kaya sa biglang pagbuhos ng ulan? Ang kinakain nila saan nanggaling?
Naisip ko rin, ang swerte ko pa rin pala. Kumpara sa mga pinagdadanan ko dapat pala akong mahiya dahil sa gabi nakakatulog ako ng mahimbing, may malambot akong kamang hinihigaan.