Nacancelled ang seminar namin sa Paco about Terminally Care so naging day off ko na lang. Nagbasa at bonding with my family, naglinis ng room ko, nakipaglaro sa 2 kong pusa (Gumamela and Garfield) at nagluto.
Habang nagninilay nilay ako sa aking kwarto, naisip ko kung paano nahubog ng pagkakataon ang aking mga prinsipyo sa buhay. Dati iyakin ako, sensitive, at submissive sa relasyon. Kumatok muli sa aking diwa ang pinagdaanan kong mga sakit para lang matuto akong tumayo na hindi na shaky.
Sa isang relasyon pala dapat parehas kayong emotionally matured upang tumagal ang pagsasama. Laging give and take hindi lang sa financial aspect kundi more on sa emotional. Kadalasan sa lalaki, good provider pero hindi iyon sapat kung sadyang tinatahak niya ang landas ng playboy-next-door. Once a cheater will remain a cheater, parang once a hacker will always be a hacker.(hahaha)
Kailangan ko bang magsisi sa path na dinaanan ko? Sagot ko hindi, pero may kirot sa aking puso na sayang ang mga panahon na hindi ko na maibabalik, sayang ang mga oppurtunidad na aking pinakawalan para lang masave ang relasyon ngunit habang binabalikan ko ang masasakit, nanariwa din ang pinakamasayang araw. Masarap damhin na naramdaman mo paano ka nawelcome ng pamilya, paano ka minahal at pinahalagahan. Sabi ng isa kung kaibigan, magalit ka kasi pero wala akong galit siguro dahil sa tagal naming magkarelasyon pinakita niya sa akin kung paano niya ako minahal at paano niya tinuring na hindi iba ang aking pamilya. Paano ako magagalit kung siya ang rason bakit ako nakapagtapos ng kursong aking pinangarap?
Mahal mo pa ba? Tanong na hanggang ngayon hinahanapan ko ng magandang isasagot.