Dati pangarap ko lang na makakuha ng diploma sa nursing masaya na ako. Hindi ko hinangad na makuha ang pinakamataas na award sa batch namin. Madaming matalino at madaming deserving din sa titulo na ito pero sabi nga ng aming school director, lahat pantay ang naging proseso, based sa ranking ang pagkakakuha ko nito.
Sa aking pagninilay nilay, totoo pala talaga na sa bawat pagsusumikap mo at paggawa ng mabuti laging may kapalit. Anuman ang itinanim siya rin ang aanihin. Sino ang mag aakala na isang Taiwanese pa ang magiging instrumento ng aking tagumpay sa buhay. Banyaga silang maituturing ngunit sa puso nila pamilya nila ako.
To Chen family, thank you so much for every thing. Thank you for being an instrument in my success. I would be forever grateful.
2 Share your thoughts
Congrats po! Ikaw na! :D
empi, thanks.
MIss ko na ung seafood island natin, kailan tau magdinner ulit?