Philippine Animal Rehabilitation Center
Isa na namang makabuluhang araw ang nilaan ko para sa PAWS. Patuloy ko itong gagawin habang may pagkakataon pa akong makapagvolunteer. Pagkagaling ko ng work, dumiretso na ako sa shelter. Kahit pa sobrang pagod ko at malakas ang ulan hindi ito naging hadlang upang hindi upang isantabi ko ang adhikain ko na magvolunteer.
Napansin ko kapag maulan pala ang ibang pusa at aso ay malungkot din. Hindi sila iyong dating dinadatnan ko na sobrang ingay at maligalig sa kanilang kulungan bagkus tahimik lang sila at nakahiga, nagmamasid at para bang may hinihintay sa kawalan.
May nakilala akong volunteer from Georgia USA, Fil-Am student taking veterinary medicine. Si Darlene ay laking Amerika pero ang kanyang magulang ay parehas na Pinoy. Isa siya sa mapalad na estudyante na nakaavail ng scholarship para pumunta ng Asia to enhance her knowledge about the chosen course. Ang nakakatuwa may option naman siya to choose other country in Asia but with out a doubt she chose our country. Sana madami pang katulad niya. Mararamdam mo ang dedication at passion niya sa mga hayop. She is now my new friend.