Isang Minutong Smile (Alay Pag-asa Christian Foundation)


What: Isang Minutong Smile Project
Where: Alay Pag-asa Christian Foundation
When: March 23, 2013


 Isang Minutong Smile 

 Ang mga ngiting hindi tunay


 The Volunteers

 Larong Bata

 Mga Anghel

 The Giver



Sand Art









Isa na namang makabuluhang araw ang nangyari noong Sabado (Marso 23,2013) Ang Isang Minutong Smile ay gumawa ng outreach program sa Alay Pag-asa Christian Foundation Mandaluyong City. Ito na ang pangalawang beses na nakasama ako sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga bata sa pamamagitan ng organisasyon na ito.

Bawat minuto na aming binahagi ay hindi matutumbasan ng salapi dahil sa tunay na ngiting aming nakita at ipinadama ng mga bata. Ang kanilang munting saya ay babaunin namin sa aming pakikibaka sa buhay na sa kabila ng aming mga personal na pinagdadaanan mas mapalad pa rin kami dahil hindi namin pinagdaanan ang kanilang sitwasyon noong kami ay bata pa.

Salamat sa lahat ng volunteers na dumating. Ang iba ay talagang doon lang namin nakilala. Hindi man namin lubusang kilala ang bawat isa ngunit ang aming mga puso ay iisa ang layunin magbahagi ng ngiti at panahon sa araw na iyon. Higit sa lahat salamat sa walang sawang suporta ng mga sponsors at kay Master CM, salamat sa patuloy na pagpapalago ng Isang Minutong Smile. We make a living by what we get. We make a life by what we give.(Winston Churchill)

Ngiting Busilak
(Ni: Bhing Comiso)

Nakatanghod
Nakasimangot
Nag-aabang
Sa palasyong bahay.

Pinagsisilbihan
Inaalagaan
Binubusog
Sa kinang ng material na bagay.

Sa kabilang dako

Ang ingay
Madungis
Magulo
Sa kanilang pamayanan.

 Naghihikahos
Mahirap
Maralita
Salat sa lahat ng bagay.

Dalawang mukha ng karalitaan,
Ito ang maskarang di ko makakalimutan,
Ang isa yakap at tinatamasa ang maalwang buhay,
Ngunit  busilak na ngiti, sino ang nagtataglay?


Naranasan mo na bang tumingin sa dalawang maskara ng lipunan? Ang isa ay naghihikahos at ang isa ay mayaman. Pinagmamasdan mo na ba sila? Kanino mo nakita ang busilak na ngiti? Tayo mismo ay makakagawa ng kanilang ikasasaya sa simpleng bagay. Simpleng pakikipag-usap, simpleng pagkakapitkamay para maipadama ang ating pagmamahal. Hindi awa ang kanilang kailangan kundi ang ating bukal sa pusong pagtulong. 

Oras! Panahon, iyan ang pinakaimportanteng regalo na ating maibibigay.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

1 Share your thoughts :

congrats IMS!!! makakasama na ko sa susunod :)

Ads2