Salamin


Ang kaibigan ay salamin ng isang pagkatao. Hindi lahat ng bagay kailangan tanggapin na lamang at magsawalang kibo para wala lang gulo. Minsan, kinakailangan tumayo sa kung ano ba talaga ang nararapat at dikta ng puso. Mahirap maintindihan ang salitang pakikipagkaibigan ngunit sa kalaunan ang importante lumaban ng patas, at tumayo ng may sariling paninindigan.

 Hindi nangangahulugan na kung ikaw ang matanda kailangan mo lang umunawa, hindi rin ibig sabihin na kung ikaw ay bata kailangan mo lang sumunod sa sinasabi ng iba. Nakakapagod din palang lagi kang dumedepensa sa isang pagkakataon, at mas lalong nakakasawa na rin na iyong sitwasyon na paulit-ulit ang isyu. Aanhin ko ang isang kaibigan kung hindi marunong rumespeto sa pagkatao at magpahalaga sa bawat pundasyon na tinayo ng bawat isa. Sa isang iglap, nawawasak ang pader kung may anay na unti-unting kumukotkot at nagsisilbing ningas upang magliyab ang isang malaking sunog.

Kung ikaw ay magpapakataon na manalamin, anu ang una mong nakikita?

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

Ads2