Isa ako sa naimbitahan sa ginawang Livelihood Assistance to OFW ng Villar Foundation na ginanap sa Maxx Restaurant sa Shaw Boulevard noong Hulyo 11, 2012. Pitong OFW na hindi pinalad na magkaron ng matiwasay na trabaho sa ibang bansa. Ang iba ay nakaranas ng pagmaltrato, hindi pagbigay ng tamang pasweldo at masaklap hindi talaga binigyan ng sahod sa ilang buwan nilang paninilbihan sa mga amo. Halos lahat ng OFW ay galing ng Gitnang Silangan.
Malaking tulong ang inabot ng Villar Foundation upang makapag umpisa ulit ang ating mga kababayan na pinagkaitan ng pagkakataon sa ibang bansa. Sila ay binigyan ng funds at groceries sa pakikipagtulungan ng Puregold.
Bilang dating OFW sa Taiwan madami akong mga tanong. Isa na rito ang "Bakit hindi mabigyan ng pamahalaan ang dumaraming kaso ng pagmaltrato sa mga Pinoy?" Bata pa yata ako naririnig ko na ito ngunit nakakalungkot isipin na sa tuwing may namemedia tsaka lang umiinit ang issue pagkatapos ng ilang buwan matatabunan na naman. Sa ngayon isa sa kinakaharap ng mga OFW ang mandatory payment ng Philhealth.
Malaking tulong ito sa mga OFW na minsan iniisip nila di pa man sila nakakaalis ng bansa ginagawa na silang gatasan ng gobyerno. Sana sa tulong ni Rep. Cynthia Villar at ng kanyang mga kasama ay mabigyan ng masusing pag aaral ang ginagawang paniningil sa mga OFW.