Salamat Panginoon



Talamak man ang dusa at siphayo ngunit lubos kung naunawaan ang salitang nanggagaling sa Kanya. Bawat desisyon at daan na aking nilalakaran ay may hangganan. Sa dulo nito may panibagong sanga na pwede kung yakapin at mag-umpisa muli.


Ito ang muling binigay sa akin ng nasa Itaas. Panibagong buhay at pagkakataon. Isinara ko na ang pinto ng pag-aaral subalit muli ko itong bubuksan pag-uwi. Ang dami kong nasayang na pera para bahay ngunit ngayon inaangkin na ng anino na kanya ang lahat. Siya at siya na ang nagpagawa, pera niya lahat. Ngunit sa akin puso alam ko ang totoo. Pagpapatawad ang aking igaganti sa lahat ng sakit at paninira. Bakit ako magagalit? Bakit ako mag-aaksaya ng oras kung ang kapalit ng bawat sentimong aking binitawan noon ay doble pa sa regalong binigay ni Yiyeh. Ito ang katotohanan na kailan man hindi sa akin makukuha ng kahit sinong nagnanais na sirain ako "Mahal ako ng Diyos at itinataas ko ang bawat himaymay ng sakit na dinanas ko.


Ang gaan ng pakiramdam, ang saya. Kuntento ako sa buhay na meron ako ngayon. Paggising ko sa umaga, ipinagkakatiwala ko sa Kanya ang aking buhay. Isinasaboy Niya ang Kanyang pagmamahal, hindi lang sa akin pati na rin sa aking pamilya. Dati pakiramdam ko ang bigat bigat ng buhay, ang hirap kitain ng pera, laging kinakapos subalit ng pinapasok ko muli si Kristo biglang naging maaliwalas lahat. Si Mama, malakas na lagi ang pangangatawan, si Nene sa June 2 papunta na ng Taiwan, si Kuya bumalik na sa dati ang kanyang pag-iisip (dahil sa aksidente nagkaron siya ng mild amnesia) mga pamangkin ko nag-aaral at ang iba may stable job na. Maligaya ako sa aking lovelife, buong ganap akong tanggap ng pamilya. Ang dami-dami kung dapat ipagpasalamat sa Kanya.


Ang landas na aking tinatahak ngayon ay puno ng pag-asa at mabuting intention para sa lahat. Kung dati ang bilis kong magflare up ngayon nadadaan ko lahat sa mahinahon na pakikipag usap at kapag ramdam ko na binabalot ako ng galit, kinakausap ko ang nasa Itaas. Para sa iba ang weird ko daw, parang ibang tao na ako ngunit ko pa rin ito. Ang pagkakaiba nga lang ngayon nabubuhay akong kasama na si HesuKristo. Siya pala ang matibay na sandata sa lahat ng pighati at kabiguan. Wala sa materyal na bagay, wala sa dami ng kaibigan at wala sa perception nga ibang tao. Nasa puso, kabutihang loob at pagpapakumbaba.


Ito na ang buhay na gusto ko. Muli kong natagpuan ang sayang dating pinapangarap ko lamang. Sa pag-uwi ko sa Pilipinas aking bubuhayin muli ang voluntarism sa aking sistema. Dati ko ng ginawa iyon noon, ngunit dahil niyakap ko ang makamundong pamamaraan ang diwa ng aking pagkatao ay hindi ko rin nasumpungan. Habang nag-aaral ako sa unibersidad, aking yayakapin ang pagbabagong ganap. Iyong dating ako, masaya, kuntento at puno ng pangarap. Humihingi din ako ng signs sa Itaas kung dapat akong maging full-time Niyang manggagawa.


Salamat Panginoon!

Papuri at parangal sa Iyong Dakilang Pangalan.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

5 Share your thoughts

This is very inspiring Bhing. Sana lahat ng tao ay katulad mo na may positibong pananaw sa buhay. Na sa kahit anong pagsubok sa buhay ay uuwi pa rin sa piling ng Kanyang lumikha at doon ay hihinga ng malalim at lilimlim.

Nakakadala ang pagiging makata mo :))

God bless Bhing :)

Salamat sa Panginoon at muli akong nakabisita sa iyong pahina ate bhing

Tuldok

@enjoy and kiko thanks for the visit.

let's inspire each other!

maraming salamat nga po Panginoon sa patuloy na pagiingat sa aking buhay upang makapagpatuloy sa mundong ito...

keep it up..i know you are in the Right way.. Good luck sa spiritual life..;)

Ads2