Confession



Malapit na akong umuwi. Habang papalapit ang araw kinakahaban ako sa mga pwedeng mangyari sa akin sa Pilipinas. Natatakot ako na baka mahirapan ako mag adjust sa buhay probinsya. Labing anim na gulang pa lang ako ng umalis sa bayan namin, half of my life nasa Manila/abroad ako. Iyong excitement ko kagabi nahaluan ng kaba, iniisip ko ang expectations ng uuwian kung lugar. Hmmm, feeling nila "mayaman" na ako. Hindi nila alam tama lang naman iyong iuuwi kung savings. Tama lang o baka kulang pa nga pero the good thing napaghandaan ko ang mga insurance ko. (kahit memorial plan, meron na ako. kung anu ang gusto kung way pagnawala ako, ayaw ko ng may ceremony gusto ko idonate ako sa hospital tska ako ilibing. Ang morbid ko daw pero para sa akin walang masama na hindi ko pahirapan ang maiiwanan ko. Ayaw kung namatay na nga ako, problema pa nila ang ibibili sa akin ng kabaong) Natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi para sa mahal ko sa buhay na umaasang magtatagal ako doon, umaasang makakasama nila ako lalong lalo na si Mama na sobrang pinaghahandaan ang pag-uwi ng "suwail" niyang anak. Paano kung after one month, gusto ko na ulit umalis ng probinsya at maghanap ng ibang adventure?


"Ano ba talaga ang gusto mo?" tanong sa akin ni bf. Sagot ko naman hindi ko nga alam eh. Hindi maaring hindi mo alam, mag-aaral ka. Tatapusin mo ang kursong gusto mo, kumuha ka ng bubuo sa pagkatao mo. Ang problema saiyo, lagi kang may hinahanap. Iyong simpleng bagay kapag ikaw ang nag-isip nagiging kumplikado na. Stick to "OUR'' plans. Takot ako sa salitang "TAYO". Kinakabahan ako kapag involve ang salitang "OUR". Lahat na yatang nasa paligid ko concern sa akin, wala na silang ginawa kundi sabihin sa akin na nasa tama na akong daan, na ito na ang tamang pagkakataon, na kapag pinakawalan ko pa wala na akong mahahanap na kagaya ng meron ako sa ngayon.


Ang hirap ko talaga sigurong ispelingin. Nahihirapan akong magpasakop sa mga bagay bagay. All my life namuhay akong "AKO" lang. Halos lahat nakadepende sa akin, ako ang tumayong Padre de familia. Aaminin ko matagal kong pinagdasal na may dumating na bubuo sa akin, na handang magbigay at iparamdam sa akin na ako ang babae, na kailangan minsan sumandal ako sa balikat niya, na hindi ko kailangan humingi o magsalita maiintindihan niya ang gusto ko. Lahat na iyon buong pagmamahal na binibigay sa akin ni BF. Pang-unawa, pagmamahal, pera, at oras ngunit bakit iyong fear andito pa rin?


Ilang ulit ko na napaiyak ang mga mahal ko sa buhay. Ramdam ko ang frustrations nila sa tuwing umiiral ang pagigi kung dominante. Ako na yata ang pinakama "PRIDE'' sa balat ng lupa, at pinakamatigas ang ulo. Gusto ko laging may challenge, ayaw kong mabored. Gusto ko ang nakakausap ko nabibigyan ako ng knowledge at natutu ako sa kanya. Ayaw ko ng paulit-ulit ang sentiments, ayaw ko makinig ng rewind-replay na scenario. I rarely speak my innerself but when I share it to someone I make sure it will be the last one, so better to listen because there will be no second chance. Bihira ako magkaroon ng itinuturing kung kaibigan, madami akong kakilala pero ang "kaibigan" na salita bihira kong gamitin. Ang gulo ko talaga pati itong sinusulat ko di ko alam anu ang main topic. Gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko.


Sabi sa akin ng isang bulaklak kagabi, Ate ako rin naguguluhan. Paano mo ba masasabi na mahal mo talaga ang isang tao, na siya na ang para saiyo? Mas lalong binulabog ang aking kamalayan sa mga tanong niya. (mamaya pag nag OL na siya, sisitahin ko ng bonggang bongga, LOL) Dinadaan ko lang sa tawa pero ang totoo ilang gabi na akong walang tulog. Kakaibang nilalang siguro ako, ang hilig ko mag-isip ng mga mangyayari. Perfectionist? Organized? Obsessive-Compulsive? Sana hindi pa naman ito Bipolar disorder. ^_^ Ito naman si Yiyeh, nagrerequest sa akin wag daw ako magpapakasal. "Gemma, enjoy your stay in Philippines but don't get married" I gave him a smile. "If your not prepared to have a child then don't jump into marriage" sympre, super explain ako, "Yiyeh, my BF knows about that. He's fully aware of what I want." at ang sumunod na litanya niya isang oras na ang topic tungkol sa kasal.


What should I say "iskeri''! I am so scared of being hurt again. I knew my limitations, I couldn't take another pain. I don't want to fail. Bottomline, I travel this far not to do the same mistake again.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

8 Share your thoughts

May the peace of mind be with you ate Bhing...

Promise binasa ko nang buo, and I found out na inspite of all you had encountered, still there is a lack of self confidence in you, and for me the only weapon for self esteem is having that peace of mind, eh pano mo naman makukuha ang peace of mind?

It is a process, minsan pwede sa'yo, minsan hindi pwede sa iba, sa akin, an hour of silence, meditation of the Word of God and how He managed to give me everything I wanted.

Tapos na tayo sa stage ng bahala na bukas, we are molded by what we learned from our daily living, at tayo ang gagawa ng mga bagay para sa atin at sa ating kinabukasan, sa tulong ng ating pananampalataya sa Lumikha, hindi basta bahala na lang.

God Bless ate Bhing...

maligayang pagbabalik soon.. i miss you!

Aww Bhing! Ramdam ko yung fear mo. But if you really love him, dapat maging ready ka to get hurt. Otherwise, you can't call it love. Ang sarap ma-inlove! Mahirap masaktan pero if you look at the constructive side of it, that pain will make you more stronger and a better person.

Be happy... stay in love :)

ENJOY

@ Kiko, thanks for reminding me about FAITH. happy weekend!

@ mommy, miss u too! bkit d mo po ako inaadd sa FB??

God Bless!

@ enjoie, thanks for dropping by. takot na akong masaktan at magkamali ulit kc ang hirap hirap bumangon.

God Bless!

Going home at last.Sa haba nga ng nilakbay mo nakita mo na ang magpapasaya sayo at kung ano dapat pakaiwasan.Sa kwento mo nakita ko ikaw ang taong laging nagbibigay.atlaging nagiisip kung ano ang kailangan ng mga nasa paligid mo. kahit wala kana yon pa rin ang gusto mong gawin. Wow.You deserved a beautiful family. God Bless

Ads2