February 2, 2011 fourteen Taiwanese national pinadeport ng Pilipinas sa China. (kahit itong alaga ko naiinis kasi parang commonsense daw taga taiwan iyong mga tao dapat sa Taiwan din ang turn over) Dito sa Taiwan kapag ang issue involve ang China madali silang magalit, magbigay ng sentimiento sa kadahilanang bukas na katotohanan ang China at Taiwan untill now may issue about sovereignty.
February 8, 2011 Taiwan recalls envoy to Philippines.
February 9, 2011 Deportation row to affect Filipino workers
"“Starting today, we are implementing a stricter screening of applications for hiring new Filipino workers,” said Council of Labor Affairs Minister Wang Ju-hsuan.
She said it would now take four months to screen applications for importing Filipino workers, compared with the maximum of 12 days previously required"
"But Wang warned that if Manila fails to formally apologize for its mistake and does not take corrective action, the labor council will not rule out the possibility of imposing a formal freeze on bringing in Filipino workers or adopting even harsher sanctions"
"In addition to tightening the screening of Filipino workers, Taiwan has also decided to recall its envoy in Manila and cancel visa waiver privileges for some visitors from the Philippines to protest the Philippine government's handling of the issue."
Nakakainis dahil wala pa akong naririnig from the Philippine government. Naiintindihan ko hindi ito kasing big deal ng mga cases around the world ng mga OFW's pero hindi rin nangangahulugan na walang apektado. Simpleng official/formal letter of apology lang ang hinihingi ng Taiwan Government tutal inako naman na nila na may miscommunication sa nangyari. Ang ikinaiirita pa ng mga tao dito prior to the deportation nakiusap na ang gobyerno ng Taiwan pero mas pinili ng Pilipinas na ipadala sa China kasama ng mga tsinong nahuli sa parehas na kaso.
Ngayon kaming OFW ang maghihirap sa di maayos na pagmanaged ng mga opisyal. Kami lang naman ang papasan ng kruz ng kanilang pagiging incompetent. Pamilya din lang namin ang maapektuhan sa sinasabi nilang simpleng miscommunication. Takte! Naisip ba nila ang simple para sa kanila ay kabuuan ng pangarap ng isang OFW, ng kanilang pamilya? Sa March 8, papunta na ang kapatid ko dito sa Taiwan as early yesterday tinawagan na ng agency, hindi na daw matutuloy. Maibabalik pa ba ang lahat ng nagastos? Iyong time na nawala para lang mag-antay sa wala. Nararamdaman ba nila ang abot kamay na pangarap tapos biglang manlulumo dahil sa sitwasyon na pwede naman sanang maavoid?? Pabigat ng husto sa OFW, ang dating 7 to 12 days na processing period ngayon mag-aantay na ng 4 months.
10 Share your thoughts
til now nga wala pa kong naririnig sa gobyerno. kahit sinong maupo, walang pagbabago. bulok pa rin hay
mga kalokohan nila, ang daming apektado...kapag nangungulimbat sila ng pera, para lang sa kanila!!!wala na nga atang pag asa ang gobyerno ng pinas
Pwedi bang mgmura mga nyeta kayo?(sa mga nakaupo na walang wenta!)kumilos kayo bago mahuli ang lahat!nakakainis talaga kayo Kung pweding makamatay ng inis....natepok na sana kayo!grrrrr....
@ Bino,cguro nga may kanser na ang sistema ntin. naghihingalo na, sa simpleng problma di na nila magawan ng paraan.
@ CM, ganun tlga. tayong OFW gustong kumita ng marangal wag nmn sana nilang patayin ang parangap ntin na maiahon sa kahirapan ang pamilya.
Coffeevegie addict,bingi at bulag na yta ang gobyerno :( khit anong pangako nilang pagbabago parang naglalaho din after election. at the end si juan dela cruz pa rn nmn ang maghihirap, ang papasan ng kruz ng mga ganid.
nubayan ate Bhing, hays…
matagal ko ng binabasa ang entry na ito at nakikisagap sa issue sa mga radyo at TV... sabihin natin na nakikisampatya ako OFW... pero ang gobyerno sa ngayon ay may pinanghahawakan na pride... handa na itong makipagmatigasan kahit kanino... pero sigurado naman alam din nila ang posibleng epekto nito...
"Ang hindi ko lang maintindihan, bakit pag-iinitan ng mga Taiwanese ang mga Pilipinong OFW dahil sa kasalanan ng mga Taiwanese na na-ideport sa Tsina"... Malinaw na diskriminasyon ito at racism.
Ang sabi ni Laila De Lima... hindi pagkakamali iyon, dineport daw nila sa China ang mga Taiwanese dahil dun sila may kasalanan at ang mga biktima nila ay nasa mainland China at kahit maging sa Interpol ay wanted din ang mga ito..., so sinasabi din nila na mahirap litisin ang mga taong may kasalanan kung walang nagrereklamo"...
Kung susumahin, may punto ngang makipagmatigasan ang gobyerno ng Pinas. Pero kung sa simpatya ng OFW, sasabihn natin wala kasi sila sa lugar ng mga OFW sa Taiwan kaya ok lang para sa kanila yan.
Pero hindi, may mas prinoproktektahan ang Pilipinas na higit mas higit pa daw dyan. Kung anu man iyon... yun ang hindi ko alam.
@ Gulaman, i agree with you dahil sa ONE CHINA POLICY kaya ganun pero bilang OFW dito sa taiwan isa lang nmn ang sana wish nmin na hindi nangyari iyong hindi nila bgyan ng konkretong reason ang taiwan. very sensitive iyong issue sana alam ng Pinas panu ideliver sa maayos na paraan. until now wlang sorry,the mere fact na inadmit nila na namismanaged nila dpat naging aware/careful na cla sa sinabi nila. ngayon,its battle between political parties na ang issue w/c in so many ways OFW ang apektado.
pinangangalagaan ng gobyerno ang interes nila. ayaw nila makuryente sa kanilang pagkakamali?
tanong ko sa sarili ko, bakit malaki ang takot ng boyerno sa bansang tsina, kung sakaling hapon ba ang mahuli eh sa tsina din ba ipapadala? common sense.. kung sakaling may issue sa pagitan ng taiwan at china.. sa kanila yun.
nakakatuwa ang stand ng malakanyang, ngayon yata sasablay sakin si pnoy.. hinahangaan ko sya sa kanyang paninindigan pero this time.. wag naman sanang ibaba ang aking pagtingin ng simpleng pagakakamali.. simple pero may malaking epekto.
ang maitututlong ko lgn this time, magdasal para sa kababayan natin sa bansang taiwan..
ate bhing.. ingats po kayo jan..